Chapter 77

76 1 0
                                    

*Jeravi’s POV*

Simula kahapon parang may iba kay Jhake at sa aming dalawa. Siguro nga matatawag itong “relationship”.

Nasa bahay kami ngayong sabado . Wala si Rojeen dahil sa kanila na daw siya tutulog habang si Dustin naman ay hindi pa makakauwi dahil pinatawag ito ng kanyang  

mga magulang.

“Anong gusto mong kainin?”tanong ko kay Jhake.

“Anything basta hindi luto mo.”sagot ni Jhake.

“Ouch naman.”sabi ko.

“Turuan kita magluto.”sabi ni jhake.

“Maalam ka?”tanong ko.

“Oo naman ako pa.Pangarap ko kasing maging chef dati bago pa ko nakapagartista.”sagot ni Jhake.

Pumunta kaming dalawa sa kusina.

“Anong ituturo mo sa  akin?”tanong ko.

Binuksan ni Jhake ang ref at nakitang wala na itong laman.

“Ano ba iyan?Kailangan na nating maggrocery.”sabi ni Jhake.

Bigla akong hinila palabas ni Jhake kaso nasalubong namin ang aming kapit bahay.

“Hija,pwede ba ihabilin ko muna sa inyo ang kambal namin?”tanong ni Aling Choleng.

Ang kambal ay nasa edad na tatlong taon at parehong lalaki ang mga ito.

“Bakit po?Saan po kayo pupunta?”tanong ko kay Aling Choleng.

“Luluwas kaming magasawa sa Maynila ngayong umaga para mag-loan.Pwede ba?”sagot ni Aling Choleng.

“Ah sige po.Okay lang sa amin.Di ba Jhake?”tinignan ko si Jhake.

“Ah okay lang po.”sagot ni Jhake.

“Naku maraming salamat sa inyong dalawa.Huwag kayong magalala,dadalhan ko kayo ng pasalubong pagbalik naming magasawa.”sabi ni Aling Choleng.

“Oh mga anak magpapakabait kayo ha.Huwag kayong malikot kasama sila.”saad ni Aling Choleng sa mga bata.

“OPO.”sabay na sabay na sabi ng mga bata.

“Sige hija at hijo mauna na kami.”paalam ni Aling Choleng sa amin.

Umalis na ito  at iniwan na sa amin ang mga bata.

Ipinasok muna namin sa bahay nag mga gamit ng mga bata.

“Paano na tayo bibili ng pagkain natin?”tanong sa akin ni Jhake.

“Di ba natin sila pwedeng isama?O ikaw na lang kaya ang bumili?”tanong ko kay Jhake.

“Isama na lang natin sila.”saad ni Jhake na halatang ayaw niyang isama ang kambal.

*Jhake’s POV*

Kasama namin ang kambal na hinabilin sa amin ni Aling Choleng.

Nandito kami ngayon sa SM Lipa’s Supermarket.

Si Jeravi ang may hawak sa mga bata habang ako naman ang nakuha ng mga bibilhin namin.

“Jhake naiihi na ako.”saad ni Jeravi.

“Anong gusto mong gawin ko?”tanong ko naman.

“Sayo muna ang mga bata.”sabi ni Jeravi.

“What?Ayoko nga.”sabi ko.

“Jhake sasabog na.Please!”abot sa akin ni Jeravi sa mga kamay ng mg bata.

Makakapalag pa ba ako eh nakatakbo na si Jeravi.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon