Chapter 34

103 3 0
  • Dedicated kay Everlove Jucal
                                    

*Rojeen's POV*

"Tama na!"sigaw ko. Binubogbog ng mga lalaki si Olly.

Nakatali kami ngayon ni Everlove sa isang compound.

Hindi ko alam ang eksantong pangalan ng lugar.

Pareho kaming umiiyak ni Everlove.

Kung pwede lang...sana isang masamang bangungot na lang itong nangyayari sa amin.

"Olly!Olly!"sigaw ni Everlove. "TAMA NA!"

Lumapit ang isang lalaki kay Everlove at sinampal ito ng malakas.

"Huwag!"sigaw ni Olly ng makita niyang sinampal si Everlove.

Pero patuloy pa din ang pagbugbog sa kanya ng mga kalalakihan.

Muling sinampal ng lalaki si Everlove.

"Tama na po!Ako na lang! Huwag lang ang kaibigan ko!"nauutal kong sabi.

I cannot think of anything to say kung hindi ay ipain na lang ang sarili ko.

Lumapit sa akin ang lalaki at sinampal ako.

"B-bakit niyo ba ito ginagawa?"tanong ni Everlove.

"Bakit nga ba Oliver?"tanong ng lalaki sa harapan ko.

So ito pala ang leader. Pangit na gangster. 

"Ako na lang.Palayain niyo na ang mga babae."saad ni Olly na duguan na.

"Huli na.Nakita na nila kami.Sa tingin mo ba papalayain ko pa sila o papaalisin dito ng ligtas?"saad ng lalaki.

"PAgbabayaran ng kapatid mo ang ginawa niya sa kapatid ko.Dahil sa kuya mo nagpakamatay ang kapatid ko."sabi pa ng lalaki.

"Hindi na kasalanan ng kuya ko iyon.Tanga lang ng kapatid mo para maisipang magpakamatay!"sigaw ni Olly.

"Anong sabi mo?HA?"sigaw ng lalaki saka humarap sa akin at sinikmuraan ko.

Awwww...>--///--<

"Rojeen.."sabi ni Everlove.

Tinignan ko si Everlove. Nginitian ko siya.

"Okay pa ko at buhay.Huwag ka ng umiyak."sabi ko sa kanya.

I'm always like this. 

Ayokong makita nilang mahina ako. 

Kasi kapag nakita nila ang kahinaan ko. 

Mas ramdam kong humihina ako.

Ayokong sumuko. Hindi pwede.

"Hmp.Nagawa mo pang ngumiti sa kalagayan mong iyan?"tanong ng lalaki sa akin.

Ang totoo pakiramdam ko mauubusan na ako ng dugo.

Nanghihina na ako.

"Pakawalan mo na kami."sabi ko.

Pagod na ang katawan ko sa bugbog na binigay ng lalaking ito sa akin.

Muli niya akong sinuntok sa tiyan ko.

Masakit kaya napaubo ako ng dugo.

Kung hindi sana nila kami nahuli kanina.

Kung nanlaban kami. Siguro bye bye Earth na agad kami.

Nasa may MVL building kami nina Olly at everlove nang lapitan kami ng mga kalalakihan at pinilit na isakay sa kotse.

Madaming tao pero wala silang nagawa para tulungan kami.

takot din silang madamay.

Wala na kaming nagawa kundi ay sumunod.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon