Chapter 26

122 3 1
                                    

*Rojeen's POV*

Haaaay nagsagutan na kami ni Jhake at lahat siya pa ang maghahatid sa akin pauwi.

Pilitin ba naman ako umuwi.

Hindi tuloy ako nakapagpaalam kay Devin.

"Jeravi pasabi kay Devin na nauna na akong umuwi."sabi ko kay Jeravi.

"Sige."sabi ni Jeravi.

"Tara na.maguusap pa tayo!"hila sa akin ni Jhake.

Dami na kasing nakatingin sa amin pagsasagutan.

Sumakay ako sa kotse ni Jhake.

"Alam kong F.O na tayo.Huwag ka ng plastic sa akin."sabi ko.

Pinaandar na ni Jhake ang kotse.

"Anong F.O?"tanong ni Jhake. Bopols!

"Friends Over."sabi ko.

"Tsk.kaibigan kita.Kahit anong sabihin mo,"sabi ni Jhake.

"Maniniwala ka?"tanong ko.

"Sa lahat maliban na lang sa mga sinabi mo about Bea.Kilalanin mo muna siya."sabi ni Jhake.

"Fine.Dahil friends pa tayo gagawin ko iyan pero kapag tama ang hinala ko.Lalayuan mo na siya.Ano payag?"saad ko.

"Bahala na."sabi ni Jhake.

Walang kwenta kausap.

Bahala siya. Bakit kasi napaka-engot ni Jhake pagdating sa love.

*ring**ring**ring*

"Pasagot naman."utos sa akin ni Jhake.

Kinuha ko ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa. At sinagot ang tawag.

"Hello."sagot ko.

"Hello.Sino ito?"tanong ng lalaking tumawag.

"Ah friend po ni Jhake."sagot ko.

"Can I talk to him?"tanong pa ng lalaki.

"Sorry.He's not available."sabi ko.

"Tanungin mo kung sino."utos sa akin ni Jhake.

Ano niya ako P.A.??

"Sino ka pala?"tanong ko.

"Sino ka muna?"tanong pabalik ng lalaking tumawag. Kaasar. Ako unang nagtanong.

"Rojeen po."sabi ko.

"HOy babae ka! Bakit bigla kang nawala?"sigaw ng lalaki....ni Prince??

"Prince?"tanong ko.

"Ako nga.Kanina pa kita hinahanap."sabi ni Prince.

"Umuwi na ako."sabi ko.

"Saan kayo?"tanong ni Prince.

"Pauwi na nga!"sigaw ko.

Napalingon sa akin si Jhake.

"Nasa daan.Bye!" end call.

"Si prince?"tanong ni Jhake.

"Isn't it obvious?"tanong ko. Binalik ko na ang phone ni Jhake sa bulsa nito.

Malapit na din naman kami sa Lipa.

THE FOLLOWING DAY

*Jeravi's POV*

Nasa bahay ako ngayon ni Jhake.Kasama ko dito ngayon si manager,si Jhake at si Drake. Daming gwapo!

"Jeravi may photoshoot si Jhake ngayong sabado."sabi ni manager Stephen.

"Opo."sagot ko.

"Alam mo Jeravi ang ganda mo pala."saad ni manager.

Huh? Ngayon niya lang nalaman. That's a fact!

Sa tingin ko may kailangan sa akin si manager ngayon.

"Ano iyon manager? Anong kailangan mo?"tanong ko.

"Okay.Straight to the point.Gusto ko sanang partner ka ni Drake sa launch ng isang hawak kong artista."saad ni manager.

"Ah iyon lang pala eh."sabi ko.

"Okay na pala.Tara na.Bibili tayo ng gown mo."sabi ni Drake.

"Gown?No way! Manager naman. Kahit P.A. ako may karapatan padin ako magreklamo!"sabi ko.

Ayoko mag gown!

"You will."sabi ni manager.

"Si Jhake po? May partner na?"tanong ko.

"Siya pa."sabi ni Drake.

"Sino?"tanong ko.

"Si Bea.Bakit?"sagot ni Jhake.

yay rinig pala niya ako.

"Wala lang."sabi ko.

"Lets go?"tanong ni Drake.

"Kailan ppo ba ang launching na iyon?"tanong ko.

"Mamayang gabi."sagot ni Manager.

No way! Agad-agad na!

*Rojeen's POV*

"Nasabi mo na ba kay Jeravi na nawawala si Everlove?"tanong ni Jihnel.

Nasa North lounge kami ngayon. Gagawa kasi kami ng project kahit sabado.

"Nalimutan ko sabihin eh.Sorry."sabi ko. Nakakahiya! Nagkita na kami ni Jeravi hindi ko pa nasabi na hanggang ngayon ay nawawala si Everlove.

"Puntahan na lang kaya natin siya?"tanong ni CJ.

"Kailan?"tanong ko.

"Mamaya pagkatapos ng project natin.Wala naman pasok bukas tsaka may sasakyan na naman tayo.Di ba Olly?"saad ni CJ.

Kasama na namin lagi si Olly. Magkakasama kaming naghahanap kay Everlove.

"Hindi ako makakasama ha."sabi ko.

"Bakit?"tanong ni Berna.

"May kailangan kasi akong gawin."sabi ko.

Ang totoo palusot ko lang iyon.Ayoko kasi makita si Prince. Naiinis lang ako.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon