Chapter 68

54 2 0
                                    

*Nickel's POV*

"Nakuwento ko kay Rojeen ang nangyari.And I have a bad news for you.Ah oo nga pala baka good news na pala sayo."salubong ko kay Iron.

Nasa school kami ngayon kasama sina Kurt at Dem na naging kaibigan na din namin.

"Ano iyon?Tungkol ba kay Michelle?"tanong ni Iron.

"Wala na si Michelle."bigla kong sabi.

"What?Paano?Naaksidente ba?"tanong ni Iron sa akin.

"Anong pinagsasabi mo?"tanong ko naman.

"Anong nangyari kay Michelle?"tanong ni Iron sa akin.

"Nasa Davao."sagot ko.

"Vacation?"sabad ni Kurt.

"For good,"sabi ko naman.

"What? Anong ibig mong sabihin?"tanong ni Iron.

"For good,meaning doon na siya titira."sabad naman ni Dem habang kinakain ang binili kong pagkain para sana sa aming magkambal.

"Ganun ba tol?"tanong sa akin ni Iron.

"Oo.Okay di ba?May okay para wala ng masasaktan pa sa mga pinaggagagawa mo."sabi ko kay Iron.

"Pero si Mich--"saad ni Iron.

"Mahal ka niya.Umiiyak siya ng umalis sa party.Sa tingin mo ba iiyak ang isang babae dahil lang sa wala?"putol ko sa sinasabi ni Iron.

"Don't do anything na alam mong may masasaktan ka.Pero minsan kailangan mo ding mag isip kung ano talaga ang gusto mo."sabi ko kay Iron.

Argh! Ganito ba talaga ang single? Lagi na lang taga-payo?

*Michelle's POV*

"Magmamahal na nga lang ako.Sa taong hindi pa ako kayang mahalin."sabi ko kay Rojeen.

Tinawagan ko si Rojeen ng marating na namin ang bahay na titirhan namin sa Davao.

"Hindi ka nagiisa."sagot naman ni Rojeen.

"Bakit?"tanong ko.

"Si Olly at Everlove ay nagkakalabuan na dahil sa isang babae.Nasa isang arrange marriage kasi si Olly kaya nagbreak na sila ni Everlove.Kami naman ni Prince  

kanina muntikan na.

"Manipulator ka kasi."natatawa kong sabi kayRojeen.

Ang totoo naman hindi niya kami pinapakialaman sa aming pagdedesisyon pero nangingialam lang ito kapag kailangan katulad ngayon.

Todo kwento siya tungkol sa love life ng iba para makarelate siguro ako para mapagisipan ko ang susunod kong gagawin.

She's always like that.

Hindi na siya nagbago.

Pero mas gusto ko ang ganito.

Nagiging adviser namin siyang magkakaibigan.

Pero mas effective noong single pa siya.

Katulad ng kay Madam Jeravi at Jhake.

Si Rojeen ang naging daan para matupad ang pangarap ni Jeravi.

Pero ngayon mukhang nabigo siya sa amin ni Iron.

Pati kay Everlove at Olly.

"Hay nangako na ako na hindi mangingialam noh.Advice na lang ang gagawin ko ngayon.Alam mo namang boyfriend ko ang isang kissing monster."saad ni Rojeen.

"Sige sabi mo eh."sabi ko na lang.

Matutulungan ba ako ni Rojeen ngayon mag move on kung hindi na siya mangingialam?

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon