Chapter 11

96 5 0
                                    

*Jhake’s POV*

Hinintay ko ang pagbabalik ni Rojeen sa Lipa. Nasa harap ako ngayon ng school nila. Nakasuot ako ng school uniform nila at binigyan ako ni manager ng I.D. para makapasok ako. Hinanda na pala lahat ni manager Stephen ang lahat.

Nakasalamin din ako para hindi ako makilala ng mga estudyante.

“Hoy! Akala mo hindi kita makikilala noh?”sabi ni Rojeen.

“Nice. Ang aga mo dumating ah. 6:30am tapos ang klase mo pa ay 7:30am?”sabi ko naman.

“Ano bang kailangan mo sa akin at pumunta ka pa talaga dito?”tanong sa akin ni Rojeen.

“Advice?”sagot ko.

“Ako ang hihingan mo ng advice? Sabi na nga ba eh. Kung sinong walang lovelife siyang magaling magbigay ng advice.”natatawang sabi ni Rojeen.

“Dali na. Sayo lang naman ako magoopen up. Alam mo namang isa ka sa aking pinagkakatiwalaang kaibigan.”sabi ko.

“Friends na tayo ex-idol?”tanong niya.

“Ex-idol?”tanong ko.

Natawa siya.

“Oo. Hindi na kita idol. Sa chicsers na ako ngayon.”sagot ni Rojeen.

“Hindi ka talaga loyal”sabi ko.

Hinampas niya ako. “Hoy sige nga. Sa mga lalaki may kilala ka bang loyal? Wala naman di ba? Ako pa kayang babae?”sabi ni Rojeen.

Tsk. “Oo na.”sabi ko.

“Sinasagot mo na ako?”tanong ko.

“Ha?”sabi ko. Mukhang hyper ito ngayon ah.

“Wala. Tara sa loob. Sandali, pwede k aba pumasok?”sabi ni Rojeen.

“Oo naman. Ako pa.”sabi ko.

Ngumiti siya at hinila ako papasok sa College area.

“Saan tayo?”tanong ko.

“Jhake. Sa puso ko.”natatawang sagot ni Rojeen.

Hay tama ba ang taong pinili ko hingan ng advice?

“Alam mo Jhake may nakilala ako kahapon sa Pangasinan?”simula ni Rojeen ng maupo kami sa may student park ng school nila.

“Hindi ko alam.”sagot ko.

Binatukan niya ako.

“Pilosopo!”sabi ni Rojeen. “Si Prince, gwapo at mayaman pero ang sama ng ugali.”

“Mahal mo na?”tanong ko.

“Hindi noh.”sabi ni Rojeen. “Ano nga pala ang gusto mong ishare?”

“Tsk.Buti naalala mo pa.”sabi ko.

“Eh ano nga?”tanong ni Rojeen.

“About Bea and me. Siguro naikwento na sayo ito ni Trevor.”sabi ko.

“Hindi kami close ni Trevor.Pero alam ko ang namagitan sa inyo ni Bea Binene.”sabi ni Rojeen.

“Bea Castro.”pagtatama ko.

“Ah yung lawn tennis player.”sabi ni Rojeen.

“Siya nga.”sabi ko.

“Ano naman ang iaadvice ko sayo?”tanong niya.

“Just listen to me.”sabi ko. Ikinuwento ko naman lahat sa kanya at tahimik siyang nakinig.

*Jeravi’s POV*

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon