Chapter 2

202 7 0
                                    

*Jhake's POV*

Gusto ko pang matulog. Ano bang ingay iyon?

"Aww." saad ko ng may bumato sa akin ng kung ano.

*yawn* nakakaantok pa! Anong oras lang ba?

"Jhake gising na!"sigaw ni Manager.

"5 minutes!"sagot ko. Pagod pa din ako. Bitin.

"Bangon na!" bato sa akin ng unan ni Manager.

Napabangon tuloy ako. Kainis bitin ang tulog ko.

"Hoy maligo ka na Jhake!"sigaw ni Manager.

"Opo.Eto na oh."sagot ko. Tumayo na ako baka mawrestling pa ako ng lalaking ito.

Pagka-gawa ko ng every day ritual ay dumeretso na kami sa shooting.

"Jhake! Jhake!"sigaw ng mga fans na sinalubong ako sa harap ng bahay na pagshoshootingan namin.

"Hi!"kaway ko sa mga fans.

"Jhake akin ka na lang!"sigaw ng ilang fans.

"I love you Jhake!"sigaw naman ng ilang fans pa.

Hay sanay na ako.

Binatukan ako ni Manager kaya nginitian ko ang mga fans ko.

"I love you too!"sigaw ko.

"Yaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyy!!!!!!!"nagiritan ang mga fans ko.

Sakit sa tenga pero okay lang. Kung wala sila, wala ding Jhake Vargas.

"Tara na. Hinihintay ka na ni Direc."sabi ni Manager.

"Okay. Bye!"kaway ko ulit sa mga fans.

Muli silang nag-iritan.

"Hirap ng sikat noh? Huwag mong sanayin ang sarili mo. Baka sa susunod malaman mo na lang na laos ka na pala."salubong sa akin ni Trevor, ang co-star ko sa isang noon time show at dating kaibigan.

"Huwag mo akong itulad sa future mo, hindi ako malalaos.Kung mawala man ako sa pagiging artista ko hindi dahilan ang pagiging laos ko."sagot ko sa kanya.

"Bakit pa kasi pumasok ka pang artista?"tanong ni Trevor.

"Anong problema kung artista ako? Kung pinoproblema mo na lang ang sarili mo siguro  binigyan ka na ng network ng sarili mong show."sabi ko naman.

"Tama na yan. Magsisimula na ang shooting. Ano bang ginagawa mo dito Trevor?"sabi ni Manager.

"Ako ang bagong cast sa kwento."sabi ni Trevor.

Nakakainis. Paniguradong mang-iinis lang ito sa akin.

Sinimulan na ang shooting namin at tinandaan ko ang lahat ng linya ko ngayon.

"Nakakairita talaga ang boses mo."bulong sa akin ni Trevor ng matapos ang scene namin.

"Hindi ko alam kung bakit ka naiirita sa akin pero mas naiirita ako sayo."sagot ko. nakakainis.

"Gusto mo malaman? Kasi ikaw ang dahilan kaya lumayo ang babaeng gusto ko sa akin."pagtatapat ni Trevor.

"Anong magagawa ko?Kasalanan ko bang gusto niya ako?"tanong ko.

"Hindi.Pero ikaw ang dahilan kaya lumayo ang loob niya sa akin?"tanong ni Trevor.

"Bea?"sabi ko,"Si Bea di ba?"

Natawa si Trevor. "Si Rojeen."

"Ang president dati ng Jhakesers?"tanong ko. Tumango langsi Trevor.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon