Chapter 37

84 3 0
                                    

*Jhake's POV*

Ilang araw din akong nagbantay kay Rojeen sa ospital kaya ilang araw na din akong walang trabaho.

Kaya ngayon at ni-resched ni manager Stephen lahat ng naiwan kong trabaho nitong nakaraang araw.

Ngayon ay nasa Bulacan ako para sa taping ng ginagawa kong movie.

Kalove team ko ngayon si Julia.

Tangkad na babae.

Kasama ko din sina Drake at Jeravi.

Syempre P.A. ko si Jeravi at kapatid ni manager si Drake.

-______________________-

"Mahal kita pero..."sabi ni Julia. Magkaharap kami on cam.

"Pero ano? Pero mahal mo din siya?"pa-galit kong sabi. Tinalikuran ko si Julia.

"Sinong siya?"tanong ni Julia.

"Sino pa ba? Si Carlos."sagot ko na nakatalikod pa din kay Julia.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."sabi ni Julia.

"Alam ko.Kung ayaw mo na.I'm letting go."sabi ko saka naglakad palayo kay Julia.

"CUT!"sigaw ni direc.

Lumapit sa aming dalawa ang ilang staff ng pelikulang ito at ilang make-up artist.

"Ang galing mo talaga Jhake.Nadadala ako."saad ni Drake ng umupo muna ako sa may tent.

"Alam ko."sagot ko.

"Oh lumalaki na ang ulo ng alaga mo kuya!"sigaw ni Drake. 

Lumingon lang si manager Stephen saka tuloy padin ang paguusapa sa cellphone nito.

"Si Jeravi?"tanong ko kay Drake.

"Ayun oh nakay Julia."turo ni Drake sa tent ni Julia.

"Bakit siya nandoon?Hindi ba niya ako aasikasuhin?"tanong ko kay Drake.

"Hayaan mo na mukhang idol naman niya ang kalove team mo.'saad ni Drake.

Mukha nga.

*Jeravi's POV*

Ang ganda ni Julia!

Lumapit ako sa tent ni Julia.

Papapicture ako.

"Excuse me po."saad ko.

"Yea?"tanong ng P.A. ni Julia. taray! P.A. lang naman.

"Hi."bati sa akin ni Julia. Ang bait!

"Pwede po papicture?"tanong ko hawak-hawak ang camera ko.

"No!"sagot ng P.A. ni Julia.

Syete!

"No...no.tara miss picture tayo."sabi ni Julia.

Nagpicture-picture kami.

"Yah iwan mo muna kami."utos ni Julia sa P.A. niya.

Lumabas ang P.A. niya.

"Name mo?"tanong sa akin ni Julia.

"Jeravi."Sagot ko.

"Ano ka ni Jhake?"tanong sa akin ni Julia.

Ano ito interview?

"P.A po."sagot ko.

"Naku huwag ka ng mag-po."natatawang sabi ni Julia.

"Hi babe."pasok ni Enrique sa loob ng tent namin.Tent pala ni Julia.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon