Chapter 56

88 3 2
  • Dedicated kay Bernalyn Briones
                                    

MONDAY, meaning pasukan na naman.

Birthday ni Berna.

*Berna's POV*

18 na ako!

Hindi halata!

Syempre baby face ako.

Maaga ako lalabas ngayong hapon.

Gusto ko kasi ilibre ang mga kaibigan ko.

"Happy Birthday Berna!"bati sa akin ni CJ.

"Salamat.Tara sa mall mamayang hapon libre ko kayo."Saad ko.

"Naku sorry,maaga akong uuwi ngayon.May pinapagawa pa kasi si mama sa akin."saad ni CJ.

"Ako naman may lakad kami ni Olly."saad naman ni Everlove.

"Alam mo na,tuturuan ko pa kasi si Trevor mamaya."sabi naman ni Andrea.

"Ikaw Michelle?"tanong ko."Alam ko pwede ka."

"Hindi.May ipapadala kasi sa akin si mama."sagot ni Michelle.

"Oops alam mong hindi ako pwede,si Prince kasi sasamahan ko sa kanyang photoshoot.Sorry ha.Bawi na lang kami ni Prince."saad ni Rojeen.

"Ikaw madam Jeravi?"tanong ko naman kay Jeravi.

"Hindi kami pwede ni Jihnel.Gagawa pa kami ng projet namin."sabi naman ni Jeravi.

"Libre mo na lang kami bukas."saad ni Jihnel.

Ano ba iyan? Birthday ko ngayon tapos di ko pala sila makakasama.

"Ah sandali Berna,hindi kami makakapunta pero ikaw na lang ang pumunta."saad ni Rojeen.

"Ha?"tanong ko.

Ano daw?

Di ko gets.

"Si Iron,tama si iron,yung kaibigan namin.Siya na lang ang pupunta kapalit namin.Tinext ko na siya na pumunta sa ahhh saan nga?"saad ni Rojeen.

"Bhe sa may Giligan sa Robinson."sagot naman ni Prince.

"Ahh oo tama ka bhe.Punta ka ha Berna.Sabi ko kasi nakakahiya naman na wala kang kasama sa amin kaya tinext ko si Iron.Gwapo yun huwag kang mag-alala.Safe ka dun."ambit ni Rojeen.

Pumayag na lang ako.

Sana nga gwapo.

"Gwapo iyon.Sure ako!"saad ni Rojeen.

"Oo nga."sabad naman ni Jeravi.

Mga kire talaga ang mga kaibigan ko kahit kailan kaya close kami ng mga ito eh.

Kaso nga lang nalulungkot ako kasi hindi ko sila makakasama tapos gmawa pa sila ng blind date para sa akin at sa isang total stranger.

Sana si Daniel Padilla na lang iyon kaysa sa Iron na iyon.

Iron?

Chemical Element ata iyon.

*Jeravi's POV*

Nakaplano na ang lahat.

Hindi totoo na busy kaming lahat.

Ang totoo inimbitahan na namin ang parents ni Berna at ilan naming mga kaibigan na pumunta sa Giligan.

Nirentahan kasi iyon ni Olly.

Gastos naman ni Prince ang mga pag-kain at si Aldous naman ang sa inumin.

Sila kasi ang mayayaman.

Nandoon din si Iron at Nickel.

Sabi pa ni Rojeen ay kasama si Dustin sa plano.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon