Chapter 5

126 5 0
  • Dedicated kay Alennie Margaret Zara Mojica
                                    

*Jeravi's POV*

"Makikilala mo kasi ang isang tao kung lagi kayong magkasama lalo na sa araw-araw o sa bahay. Depende." paulit ulit na umikot itong mga sinabi ni Rojeen sa isip ko. Ano bang gagawin k para mapalapit kami sa isa't isa ni Jhake. Kahit mapansin man lang niya ako hindi bilang isang fan.

“Tinawagan ko si Rojeen pero hindi siya sumasagot.Nandyan ba siya sa inyo?”tanong ko kay Alennie. Tinawagan ko din si Alennie baka sakaling nasa kanila si Rojeen. Magkamaganak naman sila.

“Wala ako sa amin madam.”sagot ni Alennie.

“Sayang naman.Sige.”sabi ko saka inend call.

"Nak,punta ka naman ngayon ng SM Lipa,bilhin mo lahat ng nakalista diyan." inabot sa akin ni mama ang listahan ng bibilhin.

"Opo."sagot ko. Wala namang pasok kaya masaya gumala ngayon. maganda pa ang panahon.

Tinawagan ko ulit si Alennie para samahan ako magshopping sa SM. Pumayag naman siya nandoon din naman na siya sa may SM.

“Antayin kita sa may Octagon malapit sa may food court.”sabi ni Alennie.

"Alis na po ako."paalam ko kay mama at sa mga kapatid ko.

"Kaya mong mag-isa?"tanong ni mama.

"Opo.Bye!"sagot ko sabay sakay sa jeep na dumaan.

Pagkarating ko SM ay sinalubong na ako ni Alennie na kasama ang chics nito. Si Alennie ay kaibigan ko ngayong college at isa siyang Math major. Henyo!

Ako nga ayaw ng math. Lagi ng syntax error.

"Hi!"bati ko kay Marco,ang boyfriend ni Alennie.

Grabe ang tangkad ha. Hindi ko kayang abutin.

"Hello."sagot nito. Nahihiya naman ako. Nakatingala ako kay Marco.

"Tara na!"yakag ni Alennie.

"Wait lang gagawin niyo ba akong chaperon?"tanong ko. Aba! mahirap na.

"Hindi naman."sagot ni Alennie.

“Sure?”tanong ko pa.

“Gusto mo?”tanong ni Marco.

“Ayoko nga.”sagot ko naman.

Natawa lang si Marco.

"Di bale next time isasama ko si papa Jhake."sabi ko.

“Sino naman yun? Boyfriend mo?”tanong ni Marco.

“Asawa ko.”sagot ko naman.

"Wow ha. Ikaw na!"sabi ni Alennie.

"Naman!"sabi ko. Ako pa. Malapit na mangyari lahat ng pinapangarap ko. Konting konti na lang at nararamdaman ko na.

Napadaan kami sa Mint at namili ng varsity jacket.

Ang mamahal naman ditto.

“Libre niyo naman ako. Sa lahat ng dinaanan natin puro mamahain ang bilihin.”sabi ko.

“Sabihin mo sa asawa mo.”sabi ni Marco.

“Damot!”sabi ko. Natawa naman sa akin si Alennie.

"Oh Alennie."abot ni Marco kay Alennie ng isang stuff toy.

"Para saan ito?"tanong ni Alennie.

"Para sayo."sagot ni Marco.

"Anong okasyon?"tanong ni Alennie.

Lumayo layo ako ng konti kunwari ay hindi ko sila kilala.

haaaay kakainggit naman sila.

"Happy Anniversary !"sabi ni Marco.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon