Chapter 36

131 3 0
                                    

*Rojeen’s POV*

3RD DAY sa ospital

This is HELL!

“Jhake gusto ko ng umuwi.Okay na naman ang sugat ko.”sabi k okay Jhake.

Ang totoo sawang sawa na ako sa mukha ni Jhake. Joke lang!

Ayoko lang talaga sa ospital.

“Uuwi na nga tayo mamaya.”sagot ni Jhake.

YES!!

Niyakap ko si Jhake! Walang malisya!

“Thanks talaga Jhake.Hulog ka ng langit!”irit ko.

Tinakpan niya ang tenga niya.

“Tsk.Alam mo bang hindi ko sinipot lahat ng appointment ko dahil sayo?”sumbat ni Jhake sa akin.

“Bakit sinabi ko bang bantayan mo ko? Dapat pala pinatay mo na lang ako!”sigaw ko.

Eto na naman kami.

“Look,hindi kita kayang iwan na lang.Kaibigan kita di ba? BEST FRIEND pa nga?”sigaw ni Jhake.

“Oh alam mo naman pala!”sigaw ko. Biglang bumukas ang pinto.

“SHUT UP!”sigaw ni CJ.

Tumahimik kami. Pumasok naman lahat ng kaibigan ko.

Pati sina Mama at Papa.

“Parang nasa bundok eh kung magusap.”saad ni CJ.

“Ito kasi.”turo sa akin ni Jhake.

“Jeravi oh inaaway ako.”sabi k okay Jeravi with puppy eyes.

Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako.

Ngayon lang kasi nila nalaman na nandito kami ni Jhake sa ospital.

Ayoko kasing Makita nila ang paghihirap ko.

Ngayong okay na ako. 

Nakita ko si Prince sa gilid ng pinto.

Himala at tahimik ang lukong iyon.

“Ma,si Prince..”sabi ko.

“manliligaw mo.”dugtong ni mama.

Natawa ako.

“Manliligaw? Boyfriend ko siya ma!Okay lang po ba?”sabi ko.

>///////////////////////<

I think I’m blushing.

First time ko siyang pinakilala!

This is scary!

Tumingin sa akin si Prince.

Tinignan nina mama si Prince.

“Gusto naming siya para sayo.Okay lang.”sabi ni papa.

Yes!

Nakita kong ngumiti si Prince pero malungkot pa din siya.

Hmmm. May naisip ako.

Pinalapit ko sa akin si Jeravi at may binulong ako sa kanya.

“Madam peram muna si Jhake mo ha.Pagseselosin ko lang si Prince para naman mabuhayan siya ng dugo.”bulong ko.

Mahinang natawa naman si Jeravi.

“Sige lang.Pero sa pisngi lang ha.isipin ko na lang na fan ka niya.”sabi ni Jeravi.

“BEbe Jhake!”tawag ko kay Jhake.

Pumasok si Dr.Sam.

Kaya agad namang lumapit sa akin si Jhake.

Hinila ko si Jhake at hinalikan siya sa pisngi.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon