*Jeravi’s POV*
Inutusan ako ni manager na mamili ng grocery sa palengke.
May tinitirhan ng bahay sa Lipa si Jhake. Kaya ako naman maaga ng gumigising para simulant ang pagiging P.A. ni Jhake. Sabi ni manager Stephen sa school na daw mag-aaral si Jhake.Last year na din naman daw niya at mabilis lang daw iyon.
“Sasama ako.”sabi ni Jhake. Nasa bahay ako ngayon ni Jhake.
“What? Paano kung makilala ka nila?”tanong ni manager.
“Kaysa naman wala akong ginagawa dito.At kaya ko ang sarili ko.”sagot ni Jhake.
Pumayag din si manager.
Yay! Kasama ko ngayon mamalengke si Jhake.
“NAPAKAKURIPOT mo pala,”saad ni Jhake na tinutukoy ang pakikipagtawaran ko sa mga tindera.
“Nakakahiya kang kasama.Pinagtitinginan tayo ng mga tao dito,hindi mo ba pansin?”dagdag pa niya.
“Hindi naman.Lahat ng tao ginagawa iyon kapag namimili.”sagot ko.
“At hindi naman ako ang tinitignan nila. Ikaw kaya!”sabi ko.
“Bakit ako?”tanong ni Jhake.
“Tingnan mo kaya ang suot mo.”sabi ko.
“Anong problema sa suot ko?”tanong ni Jhake.
“Wala naman. Kaso hindi normal.”sagot ko.
Natawa si Jhake.
Hindi naman ako nagbibiro ah.
“Totoo. Mukha kang artista sa suot mo.”sabi ko.
“Artista naman talaga ako.”sabi niya.
“Shh! May makarinig sayo baka pagkaguluhan tayo.”sabi ko.
“Baka ako lang. Bakit sikat ka ba?”tanong ni Jhake.
Oo nga naman.
Ngumiti na lang ako. Tama siya eh.
“Nga pala.My rules ako.”sabi ni Jhake.
“Ano yun?”tanong ko. Grabe hindi na ako nahihiya kay Jhake. Nasasagot ko na siya. I’m so proud!
“I hate stalkers” sabi ni Jhake.
“Ehh?”
“Kung stalker kita. Mag- resign ka na.”sabi ni Jhake.
“Ahh hindi naman ako ganoon.”sabi ko. Secret admirer ako :P
*Jhake’s POV*
Napakakuripot talaga ng babaeng ito. Nakakahiyang sumama.
“Kamukha ni Jhake Vargas oh.”sabi ng babaeng nasalubong naming ni Jeravi.
Hinawakan ako ni Jeravi sa aking braso at hinatak papasok ng isang stall.
“Ano ba?”tanong ko.
“Ikaw eh.Nakilala ka tuloy.”sabi ni Jeravi.
“Kasalanan ko ba? At tsaka hindi mob a narinig ang sinabi ng babaeng iyon? Kamukha ko DAW si Jhake. Ibig sabihin hindi niya alam na ako talaga si Jhake!”sabi ko.
“Sorry. Init naman ng ulo mo.”sabi ko.
Haaaaaaaaay parang mag-asawa lang kami ah. Luma-love life lang ang peg J
*Jhake’s POv*
Ang O.A. naman ng babaeng ito. Bakit ba ako sumama?
“Tara kumain na lang sa labas.”sabi ko.
BINABASA MO ANG
♫ Ngiti ♔
FanfictionAuthor's NOTE: Marami akong naiisip na isulat.Sa daming iyon hindi ko alam ang uunahin ko kaya nagdesisyon akong pagsamahin na lang lahat sa iisang kwento. Mahaba-haba ang kwentong ito pero sana mabasa niyo kasi maraming nilalamang kwent...