*Everlove’s POV*
“Ano nawawala si Rojeen?”tanong ko kay Olly.
“Nahanap na daw. Si Jeravi daw talaga ang pakay ng mga kidnapper.” Sagot ni Olly.
“Puntahan natin sila.Kailangan natin silang tulungan katulad ng ginawa nila sa atin dati.”sabi ko.
Dali-dali kaming pumunta sa bahay nina Rojeen.
Naabutan naming wala pang malay si Rojeen.
Nandoon na sina Dustin, Jhake, Trevor, Michelle, at Andrea.
“Kamusta na siya?”tanong ko.
“Okay na siya. Hindi pa lang siya nagigising.”sagot ni Michelle.
“Napakasama naman ng gumawa nito. ANo bang kailangan nila?”tanong ko.
“Relax ka lang Everlove.”sabi sa akin ni Olly.
“Relax? Habang nawawala si madam HINDI AKO MAKAKARELAX!!”sigaw ko.
Sorry high blood lang talaga ako.
“Hindi niya dapat ito nararanasan eh. Sino baa ng gagawa nito sa kanya? Hindi naman siya mayaman.”saad ko.
“Si Brent.”saad ng isang lalaki na biglang pumasok.
Feeling close???
“I’m Daniel, asawa ako ni Bea.”pakilala ng lalaki.
Bigla namang napatayo si Jhake sa inuupuan nito.
*Daniel’s POV*
“Anong ginagawa mo dito?”tanong sa akin ni Jhake.
“You need my help Jhake.”sagot ko.
Nasa tinitirhan ako ngayon ni Jhake sa Batangas.
Nandito din sina Iron at Nickel.
“Nasaan si Rojeen?”biglang pasok ni Prince,ang anak ng ninong ko.
“Magkakakilala kayo?”tanong ko.
“Oo magkakaibigan kami.”sagot ni Iron.
“Nandito ako.Hindi ko alam kung kinuha nila si Jeravi.Wala akong malay,paggising ko nalang ay nasa may tabi na ng kalsada ako.”saad ni Rojeen.
“Kung dinukot siya,sino namang gagawa nito?”tanong ni Nickel.
“Ang asawa ko.”sagot ko.
“Anong kinalaman ni Bea dito?”tanong ni Jhake.
“Siya ang nagpadukot sa girlfriend mo.”sabi ko.
“Bakit niya naman gagawin ito?”tanong ni Dustin na kilala ko din dahil barkada nina Iron.
"Dahil kay Brent.Kilala mo siya di ba? Is aka din Jhake sa dahilan kung bakit siya dinukot."sagot ko.
"Bakit niya ito gagawin?Wala akong ginawang masama sa kanya."sabi ni Jhake.
"Wala nga ba?"tanong ni ko.
Alam ko namang wala talaga pero sa tingin ni Brent mayroon.
Hindi ko alam ang totoong nangyari sa kanila noon.
"Ano ng gagawin natin? Wala naman tayong hawak na evidence to prove na siya nga ang nagpadukot kay Jeravi."sabi ni Jhake.
"Wala pang 24 hours na nawawala si Jeravi kaya naman imposibleng matulungan tayo ngayon ng mga pulis."saad ni Rojeen.
"Kahit saan pa siya tinago ng lalaking iyon.Hahanapin ko siya.Mananagot sa akin ang gumawa nito."saad ni Jhake na palabas ng bahay.
“KAya nga, kaya umalis na kayo dito. Kami na lang ni Rojeen ang maiiwan dito.”sabi ni Prince.
BINABASA MO ANG
♫ Ngiti ♔
FanfictionAuthor's NOTE: Marami akong naiisip na isulat.Sa daming iyon hindi ko alam ang uunahin ko kaya nagdesisyon akong pagsamahin na lang lahat sa iisang kwento. Mahaba-haba ang kwentong ito pero sana mabasa niyo kasi maraming nilalamang kwent...