Chapter 70

60 2 0
                                    

*Iron's POV*

Umuwi na kami sa kanya-kanya naming bahay ni Olly.

Tama lang ang ginawa kong pagpasok sa bahay nina Carla habang nandoon din si Olly.

Para malaman nilang lahat ang totoong Carla.

Pero ang hindi ko inaasahan ay ang sasabihin ni Carla na buntis siya at ako ang ama.

Ni wala ngang nangyari sa amin kahit isa.

"How impossible?How pathetic Carla."sabi ko.

"Maninira ka na nga lang ng buhay gagawin mo pang dalawa.Di Ba Olly? Paano na si Everlove kung papakasal ka sa tulad lang ni Carla?"dagdag ko.

Natahimik ang lahat.

"Aalis na po kami ni Iron.Pero bago kami umalis gusto ko sanang marinig niyo mula mismo sa akin na hindi ko itutuloy ang kasal kahit sabihin niyo pa kay 

dad.Ayokong ikasal sa babaeng hindi ko naman talaga kilala."saad naman ni Olli saka kami umalis ng bahay.

I think okay na ako kay Carla, ang problema ko na lang ay paano ipapaliwanag kay Michelle.

Kailangan ko siyang puntahan.

*Everlove's POV*

Hindi muna ako papasok ngayong buong linggo.

Masama kasi ang pakiramdam ko.

-________-

Ayoko pa din makita si Olly.

Nung huli naming paguusap,nagaway lang kaming dalawa.

Bakit ganun? 

"'Bakit di ka crush ng crush mo'?Tara ate manood nun."biglang sabi ng pinsan ko.

"Ikaw na lang."sagot ko.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko daming umeepal sa pag eemote ko.

Paghiga ko naman.

Argh!

Si Olly ang nakikita ko.

Naman! Nilagyan ko ang kisame ng kwarto ko ng mga litrato namin ni Olly.

Mahal ko talaga ang loko kaya naman ang sakit ng ginawa niya sa akin.

*Olly's POV*

Mabuti na lang pumunta si Iron kina Carla.

Hindi ko padin alam kung bakit ganoon siya kagalit kay Carla pero hindi ko na pagkakaabalahan pang alamin pa.

Ang kailangan ko na lang ngayon ay puntahan si Everlove at ayusin ang relasyon namin.

"Olly,"tawag sa akin ni kuya.

Kagagaling lang nito sa practice nila ng cheerdance para sa intrams week.

"Bakit?"tanong ko.

"Nabalitaan ko ang ginawa mo."saad ni kuya.

"Ginawa ko lang ang tama.Ayokong pagsisihan na hindi ko ipinaglaban ang karapatan ko."sabi ko.

"Hindi ako galit sa ginawa mo.I'm proud kasi kuya mo ko.That's my boy."sabi ni kuya saka ginulo ang buhok ko.

"Argh!Kuya naman!May lakad pa ko."angal ko.

"Arte naman nito.Maayos mo din naman ang buhok mo."sagot ni kuya.

Biglang pumasok si papa sa bahay.

Natahimik kami ni kuya.

-___________-

Galit ako kay papa pero alam ko namang ginawa niya lang iyon dahi iyon ang tingin niyang tama.

♫ Ngiti ♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon