*Jhake's POv*
Ngayong gabi na ang launching ng isa sa artistang hawak ni manager Stephen.
Kasama ko ngayon si Bea. Siya ang partner ko ngayong gabi.
“Napakagwapo mo talaga Jhake.”sabi ni Bea.
“Napaka ganda mo Bea.”sabi ko naman.
Ngumiti siya sa akin. Masaya akong makasama siya ulit. Halos araw-araw na kaming magkasama nitong nagdaang mga araw pero hindi ako nagsasawa.
“Hey guys!”bati sa amin ni Drake.
“Hi Drake!”bati ni Bea kay Drake.
“Kasama ko nga pala ang barkada ko.Pwede naman di ba?”tanong ni Drake.
“Oo naman.”sabi ko.
“This is Devin and Nigel. Ang mga soccer players.”pakilala sa amin ni Drake sa mga kaibigan nito.
“Hi guys!”bati ni Bea sa mga ito.
“Ladies and gentleman.”saad ng host.
Magsisimula na ang party pero bakit wala pa dito sina Manager?
*Jeravi’s POv*
“Oh my gosh!”exaggerated na sambit ni manager ng makita niya ako na suot ang biniling cocktail dress ni Jhake.
Nasa bahay pa kami. Ang tagal kasi ni manager magayos. Daig pa ang babae.
“Napaka ganda mo hija.Hindi halata na P.A. ka ni Jhake.Para kang artista.”sabi ni manager.
“Manager naman nagbiro pa.Tara na po.Late na tayo sa launching ng artista mo.”sabi ko.
“Oo nga pala.”sabi ni manager. Maya-maya ay sumakay na kami sa kotse ni manager.
Minsan hindi ko naiisip na P.A. lang ako dito. Sobra kasing magasikaso sina manager sa akin. Ang bait nilang boss.
“Hintayin mo lang ‘yung ka-date mo,okay?”sabi ni manager ng makarating na kami sa party.
Pagpasok namin sa party ay dumeretso na si manager sa may stage at nag salita. Ako naman nagikot-ikot na lang. Wala naman akong kakilala. May kilala ako kasi puro artista ang nandito pero hindi kami close.
Pinakikilala na ni manager ang bagong artista nito. Si Miguel. Kamukha nito si Alden Richards. Gwapo din. At ang isa naman ay kamukha ni Maricar Reyes. Si Jessica. Dalawa ngayon ang bagong hawak ni manager Stephen.
Nilibot ko ang paningin ko. Nakita ko si Jhake na palapit sa akin. Sa akin nga ba?
*Jhake’s POv*
Nakita ko si Jeravi kaya iniwan ko muna si Bea kasama ang barkada ni Drake.
Naka-cocktail dress ito na binili ko para sa kanya. A combination ng black at pink na dress. Black ang top nito at makintab ang pagkapink nito sa baba.
Simple lang siya pero maganda.
*Jeravi’s POV*
Naka black tuxedo si Jhake. ANg gwapo.
Napigil ko ang aking paghinga habang palapit siya sa akin. PArang nag-slow motion lahat. Parang kami na lang dalawa.
Napakagwapo niya at napakakisig.
“You..”sabi ni Jhake ng makalapit na siya sa akin.
Nanatili akong nakatitig sa kanya.
“Me..”sagot ko.
Tinawanan niya ko.
Kinuha niya ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa balat ko.
“You look beautiful,”anas ni Jhake.
![](https://img.wattpad.com/cover/6886624-288-k970665.jpg)
BINABASA MO ANG
♫ Ngiti ♔
Hayran KurguAuthor's NOTE: Marami akong naiisip na isulat.Sa daming iyon hindi ko alam ang uunahin ko kaya nagdesisyon akong pagsamahin na lang lahat sa iisang kwento. Mahaba-haba ang kwentong ito pero sana mabasa niyo kasi maraming nilalamang kwent...