*Jhake’s POV*
“Si Jeravi?”tanong ko kay Bea. Sa iisang school kami ngayon nag-aaral.
Ewan ko ba dito kay Bea at naisipan niyang mag-aral ulit kahit may anak na siya.
Pero masaya ako na makakasama ko ulit ang babaeng mahal ko.
“Nauna na ata siya.Nakita ko kasi siya kanina.”sabi ni Bea.
“Siguro nga nakaalis na.”sabi ko.
Sumakay na kami sa kotse ko. At umalis sa school.
“Tanda mo ba ang pangako mo sa akin Jhake?”tanong ni Bea.
“Ano yun?”tanong ko.
“Namagkukwentuhan tayo.”sabi ni Bea.
“Sige.”sabi ko. Dumeretso kami sa condo niya.
“Bihis lang ako ha.”paalam ni Bea.
“Sige,”sagot ko.
Nagbihis na si Bea. Pagbalik niya sa may salas kung nasaan ako ay may dala na itong dalawang baso at isang bote ng alak.
“We need this habang nagkukwentuhan Jhake.”sabi ni Bea.
Kinuwento niya sa akin ang tungkol sa kanilang mag-asawa.
Balak na daw niyang hiwalayan si Daniel.
Nahihirapan siyang pakisamahan ito.
“Sana ikaw na lang yung pinili ko noon pa man para hindi na ako nahihirapan ng ganito.”sabi ni Bea.
Hindi ako nakasagot.
Pero siguro kung ako ang pinili niya. Sisiguraduhin kong magiging masaya siya sa piling ko.
“Cheers!”saad ni Bea.
“Cheers!”sabi ko.
*Jeravi’s POV*
Ginabi na ako dito sa school.
Hindi ba niya ako babalikan?
Jhake.
Jhake naghintay ako.
Naghintay ako sayo ng matagal.
Babalik ka pa ba?
*ring**ring**ring**ring*
"Hello."sagot ko.
"Jeravi nasaan ka na? Bakit hindi ka pa umuuwi?"tanong ni Manager Stephen.
"On the way na po ako."sagot ko.
"Ikaw? Ikaw lang? Si Jhake?"tanong ni manager.
"W-wala po.Hindi po kami nagkasabay ng uwi.Nauna na siya."sabi ko.
"Nauna? Wala pa siya dito sa bahay."sabi ni manager.
Oo nga pala, magkakasama kami sa iisang bahay.
"Opo.Nauna na siyang umuwi sa akin."sabi ko.
"Okay.Nasaan ka ngayon?"tanong ulit ni manager.
"School pa."sagot ko.
"Diyan ka lang.Papasundo kita sa ko."sabi ni manager saka ako binabaan ng tawag.
Taray papasundo ako!
Matagal din akong naghintay.
*beep**beep*
busina sa akin ng isang kotse.
Baka ito na ang sundo ko.
Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng kotse at una kong nakita ang isang puting sapatos.
BINABASA MO ANG
♫ Ngiti ♔
FanfictionAuthor's NOTE: Marami akong naiisip na isulat.Sa daming iyon hindi ko alam ang uunahin ko kaya nagdesisyon akong pagsamahin na lang lahat sa iisang kwento. Mahaba-haba ang kwentong ito pero sana mabasa niyo kasi maraming nilalamang kwent...