Kabanata 23

2.6K 37 0
                                    

(Zeke POV)

Nagtagis ang bagang ko habang magkaharap kami nang kapatid.Nanlisik ang mata nito at tikom pa rin ang bibig.Kahit wala itong ginagawa,alam kong ano mang oras ay susuntukin siya nito.

Nakasandig ako sa chevy ko,nasa bulsa ang dalawang kamay at tulalang nakatingin sa lupa.Umangat lang ang tingin ko nang tumikhim siya.Sinalubong ako ng galit niyang tingin.Tulad ko nasa bulsa din ang mga kamay nito.

"Tama talaga si Daddy.You like attention,so much.Hindi mo kaya makontento kung ano meron ka.Kaya pati ang babaeng mahal ko!Aagawin mo pa!"Galit nitong sigaw sa'kin.

Ngumisi ako.Yeah,we are brothers pero magkaiba ang ugali naming dalawa.Our parents raised us like we are prince.Lahat ng bagay ay binigay sa'min.Kahit anong gusto namin,kaya nilang ibigay.Ganun kame kamahal ng mga magulang.

Madaming tao ang naiingit samin dahil sa estado namin sa buhay.Pero hindi kame naging mayabang kung ano meron kame.Siguro dun kame nagkapareho nang kapatid.Hindi nang-aapak ng kapwa.At yun lang ang patunay ko na may isang bagay din kame na magkapareho.

Our mother taught us how to be a good man and many principles.Pero dahil isa akong taong sobrang tigas na ulo ay nakalimutan ko yun.Naging busagbolero ako,naging babaero.Hindi ko alam kung ilang babae na pinaiyak ko.At aminado akong madami nasaktan at unti-unti ko na pinagsisihan yun.Nawala sa isip ko ang mga magulang.

Hindi ako sumagot.Matiim na tinignan siya.

"Answer me,Zeke!Why?How do you do this to me?Huh?Ano bang maling ginawa ko sa'yo?I told you na layuan mo si Xen!Pero ano tong narinig ko?Nakita ko!?"Napapikit ako nang bumalatay ang sakit sa mukha ko dahil sa pagtapon nito nang mga larawan sa mukha ko.Nahulog ang mga yun sa lupa."You know i love her so much!"

Dinungaw ko ang mga yun.Larawan naming dalawa ni Xeena.Magkahawak ng kamay,naghahalikan.Meron pa nga dung magkatabi kameng matulog sa tent.

Inabot ko ang mga larawan at huminga nang malalim.Tiningala ang kapatid na namumula na sa galit at nanlilisik pa rin ang mga mata.

"Binalaan na kita,Zeke!One move,alam mo na ang mangyayari sa'yo.Don't ever touch her again or else papatulan na kita!"Malakas nitong sigaw at malalaking hakbang na tinungo ang sasakyan nito.

Tumayo lang ako nang makaalis na ang sasakyan nito.Napahilot sa sentido,tanaw ang sasakyan ng kapatid.

May nadinig akong yabag sa likuran ko.Hindi ako lumingon.

"I never thought ganyan ka maglaro,Zeke."Nagkibit balikat lang ako at nilingon sila.Si Rall ang nagsalita sa likuran ko.Tumingin ako sa Chevy ko nang makita si Travis at Thunder na nakasandig dun.

"Yeah."tamad kong saad."Wag kang magmalinis,Rall.We're the same.Madumi maglaro."

"Why you sent those picture to your brother?To hurt him?"malamig na tanong ni Thunder.May hawak itong masskara at isang kulay pulang rosas.

Nakamasid lang sa'min si Travis.

Ulit.Nagkibit-balikat lang ako at nilampasan si Rall at dumiretso sa chevy ko.

"Gusto kong mamili na si Xeena.Either ang kapatid ko o Ako."at tinulak ang dalawa na nakasandig sa sasakyan ko at pumasok.Mabilis ko pinaandar ang makina at pinaharurot yun.Iniwan ang mga kaibigan,kung kaibigan nga niyang matuturing.





(Xeena POV)

Pagkapasok pa lang nang bus na sinasakyan namin sa gate ay kaagad na akong kinabahan ng makita ang sasakyan ni Cyrus sa gilid.

"We're here,Class!"Nakasigaw na saad ni Ms.Sanchez.

Inayos ko ang backpack na dala.Ganun din si Lumi.Nauna na akong tumayo at agad na bumaba nang bus.

Kakaapak ko lang sa lupa,sumalubong sa'kin ang malamig na hangin at medyo madilim na paligid pero hindi yun hadlang para hindi ko makita si Cyrus.

Madilim ang mga mata nito pero dahan-dahan yun nabura at napalitan ng ngiti.Kumunot ang noo ko.

"Welcome back.."dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at dahan-dahan din binuka ang mga braso sa harap.Kahit nagtataka ako ay pinilit ko na ring ngumiti.Kumabog ang dibdib ko.Hindi mapakali.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa'kin ay kaagad niya akong niyakap dahilan kaya naghiyawan ang mga kaklase ko nakababa na pala sa bus at nanonood sa'min.Uminit ang pisngi ko nang makita ang apat kong Prof. na nanonood din pala saming dalawa ni Cyrus.

I tapped his back."i'm sorry,Cy"Nasabi ko.Nilibot ko ang paningin sa paligid.Wala akong nakitang Zeke.

Nadisappoint ako.Kahit itanggi ko yun pero yun ang totoo.Kanina parang nawasak ang puso ko na makausap ang binata sa Phone.Ramdam ko ang paghihirap sa boses niya.And he also called me a Two-timer.

Bumitaw sa yakap si Cy pero nakapalibot pa rin ang mga bisig sa bewang ko."Are you tired?"

Tumango ako.Medyo napagod siya sa biyahe.Masakit pa ang pwet ko dahil sa kakaupo.

"Uwi na tayo?"aya nang binata at kinuha ang backpack ko at tinungo kung saan ang maleta ko.

Nilingon ko naman si Lumi na mukhang pagod din.Nasa likod nito ang backpack at hila-hila ang maleta na lumapit sa'kin.Nagkatinginan kameng dalawa.Hanggang sa dumapo ang paningin ko sa tiyan niya.Hindi pa rin ako makapaniwala na buntis ang kaibigan.

Pumungay ang mga mata ko nang tignan siya."Hey..susunduin ka ba?"

Tumango siya.Malungkot pa rin ang ngiti."Ang driver namin ang susundo sa'kin."

"Are you sure?Pwede ka namang sumabay sa'min ni Cyrus?"

Umiling ito."No need.May pupuntahan pa yata kayo."


Hindi na ako nagpumilit dahil tinawag na ako ni Cyrus.Negbeso kameng dalawa at nagpaalam na sa mga kaklase kong busy sa pagsalaysay sa mga naging karansan namin sa fieldtrip.


"Mauna na ako,Ms.Sanchez."paalam ko kay Ms.Sanchez.Tinanguan niya lang ako.


Sumakay ako sa driverseat.Pinaandar naman ni Cyrus ang makina.

Tahimik kameng dalawa sa loob ng sasakyan niya.Tinignan ko ang maleta ko na nasa backseat at binalik ang tingin sa binata.Seryosong nakatingin sa kalsada.

Hindi na rin ako nagsalita.Sinandig na ang ulo sa bintana nang magsalita siya.


"Kumain ka ba nang hapunan?"

Pumikit ako.Medyo masakit ang ulo ko dahil sa biyahe at nangangalay pa ang leeg ko."No."

Nadinig kong ang pagbuntong-hininga niya.Nanatili akong nakapikit.Nakalimutan ko kainin ang pagkain na bigay sa'kin ni Lumi bago kame umuwi.Masyado kasi akong na-excite na marinig na uuwi na kame sa maynila.At hindi naman ako nagugutom.



Naramdaman kong lumiko ang sasakyan kaya nagmulat ako at nakitang nasa harap kame nang isang sikat na fastfood.

Lumabas ang binata bago ako tawagin."Kumain ka muna."malamig nitong sabi at sinarado ang pinto.Kumunot ang noo ko sa inakto ni Cyrus.


Hindi pa sana ako bababa kung hindi niya pa kinatok ang bintana.Dali-dali kong in-unlock ang seatbelt at bumaba na rin.

Magkaharap kame nang hawakan niya kamay ko at kinaladkad ako.Nanlaki ang mga mata ko napatingin sa kamay naming dalawa.Mahigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko.


"Magtake out na lang tayo,kainin mo na lang sa sasakyan.Kanina pa kasi naghihintay sa bahay si Tita Marie."

Sobra nagulat ako sa narinig.What the?Nandito sina Mama sa maynila!?




******


www.facebook.com/Lexiememe



Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon