Xeena' POV
"What the!?"
Tinulak ko siya pero hinigit niya lamang ako na para bang wala lang dito ang ginawa ko.Kitang-kita ko pa ang pagtaas ng sulok ng labi niya.
"Anong ginagawa mo dito!?"
"Sinasamahan ka?"nakakalokong sabi niya."Bakit bawal ba?"
Lumayo ako sa kanya at sumiksik na lang sa gilid.Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang lima o anim lang ang mga pasahero!
"You look scared.Why?"Humilig siya sakin,tinulak ko naman siya.Umiiba kasi ang epekto sa'kin kapag nakadikit ang balat naming dalawa.And i don't like that!I want peace!Gusto ko nang matiwasay na biyahe pauwi sa probinsya namin!At paano pa magiging matiwasay kung kasama ko ang lalaking dahilan kung bakit gusto kong umuwi?
"Bakit naman ako matatakot,aber?At isa pa ano bang ginagawa mo dito?"
"Sinasamahan ka nga.Paulit-ulit lang?"Aniya.
Sinapak ko siya.Hindi man lang natinag ang hudyo at mas lalo pang lumawak ang ngisi."Takot ka nga."
"Hindi nga ako natatakot!Bakit naman?Sayo?Pinapatawa mo ako,Mr.Montenegro."
"So..kaya pala uuwi sa probinsya?Dahil hindi ka takot?"Tumawa pa ito.Tumaas ang dugo ko sa sinabi nito.Nilibot ko ulit ang paningin sa mga kasabayang pasahero.Busy ang mga ito sa mga ginagawa.Yung konduktor lang at driver ang parang nakikinig sa kanila.
"Kanina ka pa ba dito?"Tumango-iling siya.Sumimangot naman ako.Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinignan ang oras.It's five am!Ibig sabihin isa't kalahati ako natulog?Nakita niyang hindi pa masyado nakakalayo ang bus sa terminal dahil sa traffic.
"Bumaba ka na."malumanay kong utos ko sa kanya.Nagtaka ito at tumingin din sa labas bago umiling.
"Uuwi din ako sa probinsya.Bakit?Ikaw lang ba pwede magbakasyon sa Proibinsya natin?Saan ang hustisya,Xen?"aniya.
Kinagat ko ang labi para pigilan na bulyawan ulit ito.God!Ganun ba siya kainsensitive?Na hindi niya maramdaman na gusto ko siyang iwasan?Na bawal ko siyang mahalin dahil may nagma-may-ari na sa kanyang iba?Kailan pa naging mahilig sa chase ito?Nung sa amerika siya?Kasi hindi nakakatuwa.
Padabog kong binalik sa loob ng bag ko ang cellphone."Walang nagbabawal sayo!Ang point ko dito sa dami nang araw na pwede kang umuwi sa probinsya bakit magkasabay pa tayo?Ano yun?Destiny?Malaki na tayo para sa destiny-destiny yan!Get a life,Mr.Montenegro!"parang hindi man lang siya nito narinig!"Bakit hindi ka na lang bumalik sa bora!?Tumulong sa pag prepare nang kasal mo!Ano?Nabo-bore ka?Dun ka!Tumulong ka!Zeke!"
Sinulyapan siya nito."Huh?Sabi mo?"
Napasabunot lang siya sa sariling buhok!Sino bang nagsabi sa hudyong to na ngayon siya uuwi?Si Irene?Si Cyrus?Si Jem?Hindi naman pwede si Mama at Papa.Hindi nila alam na nakauwi na ang hudyong to!
"Ugh!"Malakas kong sigaw dala nang frustration ko.Narinig ko naman tumawa ang katabi.Sinamaan ko siya nang tingin.Tumaas lang ang kilay nito.
"Bakit?"at nagdekwatro pa!Kainis!
I want a peaceful travel!Pero nasira na!Nang huminto ang bus dahil stop light ay tumayo siya bitbit ang bag.Sinenyasan ko ang driver na baba siya at ang konduktor.
"Bawal kang bumaba."sabi nang binata na lalampasan niya sana.Ang hudyo blinock pa ang way ko!
"Baba ako!Hahanap ko nang ibang bus!Pwede ba pakialis yang mahaba mong paa!"Pinandilatan ko siya.Nakuha yata nila ang atenyon ng ibang pasahero dahil sinaway siya.
BINABASA MO ANG
Si Manyak at Si Maarte(Completed)
General FictionThis is the Second Round story of Zeke,Cyrus and Xeena. Makakaya mo bang saktan ang damdamin ng taong nagmahal sayo para sa sariling kaligayahan mo?Eh ang damdamin ng taong mahal mo? She torn between Love,Family and Friendship. @All Rights Reserved