Kabanata 4

5.4K 74 2
                                    

Kabanata 4



(Xeena POV)



"Anong ginagawa mo dito?"Matabang kong tanong sa lalaki ng umupo siya sa harapan ko.Si Lumi naman ay sumama kaagad kay Jack!Loka talaga!May sasabihin pa siya sakin hindi pa tinuloy!





"Bakit bawal?Ikaw talaga,Xen.Ang babaw ng sinasabi mo."Pinandilatan ko lang siya ng mata.





"Anong mababaw dun,Zeke?Bastos yun.Bastos.Nakikita mo namang nag-uusap kame ni Lumi--"




"I know.I know.Hayaan mo na nga."At tumingin sa likod ko.Kumunot ang noo ko at nilingon din ang tinitignan ng binata.Kumulo kaagad ang dugo ko ng makitang babae yun.




Umirap ako.



"Kung gusto mo pormahan ang babae sa likod.Go!Umalis ka lang dito."Nagtatakang tinignan siya nito na agad namang napalitan ng saya.Paano ba naman lumapit talaga yung babae sa mesa namin.Ang landi lang.Siya pa ang lumalit samin.Hindi na nahiya.



Uminit bigla ang ulo ko at pinandilatan ng tingin si Zeke na nakangisi na.Nagkibit-balikat lang siya sakin at hinarap ang hipon!



Gad!Makaalis na nga lang dito bago ko pa mabigwasan ang pangit na pagmumukha ni Zeke!




"Oh,saan ka pupunta?"Tanong pa niya ng tumayo ako.





"Aalis na.Kakahiya naman sa inyo kung nandito pa ako.Istorbo lang ako dito."At tinalikuran na sila.Ngumiti pa sakin yung babae.Wag mo akong ngiti-ngitian at baka mabangasan ko yang mukha mo!







(Zeke POV)




Sinundan ko ng tingin ang papalayong dalaga.Parang may kung ano sa dibdib ko kapag iniisip na nagseselos ito.





"Ahm...Can i sit here?"Tanong nung magandang babae na kinindatan ko kanina.Nakita ko kasi kanina sa likod ni Xeena na panay pa-cute ang babae sakin kaya kinindatan ko.Gusto ko lang sana inisin si Xeena at nagtagumpay naman ako!Pero hindi ko akalain na lalapit samin ang babae.Iba talaga ang dating ko sa babae!Chic magnet talaga ako!

Nangalumbaba ako at sinulyapan ang upuan ni Xeena kanina.



"Of course.Of course."Sabi ko.Lumaki naman ang ngiti ng babae at nagpa-cute sakin.Napakamot lang ako sa ulo.Kapag ganito kasi ay agad ko na sinusunggaba.Ayoko ko ng madami pang sinasabi maliban kung si Xeena ang babae.



"Pasensya na ah?Mukha yata nagalit yung kasama mong babae."Sabi ng babae.Ngumisi ako.Dinilaan ang ibabang labi.Nakita ko kung paano sumunod ang tingin ng babae sa ginawa ko at lumunok.






"Okay lang.Nagtampo lang yun."






"Hehe.Mabuti kung ganun!Ako pala si Layla."At inabot sakin ang kamay.Ano to?Shakehands?Haha






Inabot ko kaagad yun at hindi binitawan.Tinignan ko ang reaksyon niya at bingo!Kinikilig ito.



"Ezekiel."Pakilala ko at dinala sa labi ko ang kamay niya.Mahilig talaga ako sa malambot ang kamay,tulad ni Xeena.




Nanlaki ang mata nito at pumula ang pisngi.May narinig akong sumipol sa di kalayuan at mga mahinang hagikhikan ng mga babae.Ngumiti lang ako ng malapa ng bitawan ang kamay nito.






"Pasensya na.Ganito talaga ako kapag magandang babae ang nasa harapan ko."At held her chin."Nagiging romantiko ako."




Kita-kita ko kung paano ito lumunok.Lumambong ang mga mata na nakatingin sakin.








"It's okay,i mean,i like it."Walanv hiyang sabi naman nito sakin.Ito ang mga gusto ko eh.Mga Game.







Tumayo ako at mabilis siyang hinila patayo.Binitbit ko na rin ang bag naming dalawa at lumabas na ng Canteen.Sumama naman ito sakin.







Pero nang nasa labas na sila ng Canteen ay binitawan ko ang kamay niya.Nagtaka ito sa ginawa ko.





"I'm sorry,Miss.Kahit gusto kong dalhin ka sa Private na lugar,na tayong dalawa lang.Pero hindi ko kaya."Umarte pa akong malungkot.Naguguluhan ito.





"What?"







"I'm taken,Miss.Gusto ko lang makita yung reaksyon ng girlfriend ko kanina kaya kita kinindatan but you see?Umalis at paniguradong galit na galit sakin yun."








"Pero sabi mo kanina?"Naguguluhang sabi nito.Inabot ko na rin ang bag niya.Hindi niya pa yun inabot kaya kinuha ko ang kamay niya at nilagay dun.




Tinignan ko siya na hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko.Ngumiti ako at tumalikod na.Pero bago pa ako tumalikod ay may sinabi ito.





"Ikaw pala ang boyfriend ni Xeena?Akala ko yung kapatid mong taga-MED school?"Makahulugang sabi nito kaya napalingon ako.Nginisihan niya at tinaasan ng kilay at tinalikuran.Gulat na sinundan ko ng tingin ang babae na pumasok ulit sa Canteen.



Napapikit na lang ako.








(Xeena POV)





Kainis ang lalaking yub!Manyak!Talaga sa harap ko pa lumalandi!Ugh!




Natigil lang ang pagmamaktol ko ng makita si Cyrus.Suot nito ang Puting Robe at madilim ang titig na nakasandig sa pintuan ng Classroom nila.




"Cyrus?Anong ginagawa mo dito?"Gulat kong bungad sa kanya.Medyo kinakabahan pa ako sa klase ng titig niya sakin pero nawala yun ng ngumiti siya sakin.Patunay na hindi ito galit sakin.At bakit naman siya magagalit sakin?




"Gusto lang kita makita."At niyakap ako.Nanlaki ang mata ko na tumingin sa paligid.Wala naman nakatingin samin kaya nakahinga ako ng maluwag."Wala na bang masakit sayo?"At pinakawalan ako.




Umiling ako.Mariin siya nitong tinitigan at napailing.Tinaas-taas ko lang ang kilay.Hindi naman lagi pumupunta ang binata dito kaya nagulat ako na makitang nandito siya at suot pa ang puting Robe!Bagay na bagay talaga sa kanya ang maging Doctor.





"Ano ka na,Cy.Okay na ako.Ininom ko kasi yung gamot na binigay ni Doc.Cyrus."Sabi ko para hindi na siya mag-alala pa.Ngumiti siya at kinulong sa palad niya ang pisngi ko.Gawain na talaga ito ni Cyrus mula pa ng bata sila kaya hindi na siya nagrereklamo.








"Kahit na.Tumawag pa naman ako kahapon kay Tita.Sobra siyang nag-alala sayo.Bakit ba daw kasi umiinom."






Ngumuso ako."Wag mo ng isipin si Mama.Over protective lang sila sakin."




"Of course.Nag-iisa ka lang nilang Anak."Tumango ako.
"At sana sa susunod mong balak uminom sasama na ako."





"Sasama ka?Ano ka ba!Kasama ko naman sina Lumi at si Zeke."Sumeryoso ang mukha niya.







"Kaya dapat talaga ako sumama.Dahil baka isang araw magising na lang akong iba na ang kasama mo.Hindi na ako."Natigilan ako at hindi makatingin sa binata.









"Kaya hanggang maaga pa ay hindi ko hahayaang mangyari yun."Wala na.Naiilang na ako.



















****

www.facebook.com/Lexiememe

Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon