Xeena' POV
Hindi ko alam kung sino ang unang bumitaw sa titigan namin basta ang alam ko lang ngayon ay malakas ang kaboy ng puso ko at pakiramdam ko ay tumakbo ako nang ilang oras dahil sa habol ko nang hininga.Nakakawala din pala nang hininga kapag mo ang taong hindi mo expected na makakaharap mo pa.
Nakayuko ito pero kitang-kita ko kung paano lumaro ang nakangisi niyang labi at naaliw niyang tingin sa'kin.Sumandig ako sa sandalan ng upuan,palihim na bumuga nang hininga baka sakali kumalma ang nagrurumentahado kong puso.
"A-ano ang g-gusto mong pag-usapan natin,M,Mr.Montenegro?"Utal niyang tanong dito.Kumuyom ang kamao ko.Anong bang nangyayari sa'kin?Dalawang linggo na kame hindi nagkita pero heto siya ngayon sa harapan ko.Tulad pa rin ng dati..
"Wag kang kabahan,Xen.."kumindat pa ito sa'kin.Umawang ang labi ko.Nahihiwagaan ako sa lalaki."Wag kang magulat,Xen.Ginagawa ko naman ito noon ah?"nakakaloko pa nitong dagdag.
Napailing lang ako at agad lumipad ang kamay sa noon.Sumakit yata ang ulo ko.
"Kung nandito ka para biruin ako,Mr.Montenegro.Itigil mo na yan."Umayos siya nang upo."Dapat na sa bora ka para tumulong sa preparsyon ng kasal mo.Bakit nandito ka?"
"Tulad din ng sayo."
"Ano'ng tulad din sa'kin?"
Nilagay nito ang dalawang kamay sa mesa ko at pinagsiklop.Tumingin ako sa kamay niya at agad dumapo sa mga daliri niya ang tingin ko.May singsing..
"Pinauwi din ako ni Tita para magpahinga.Nung una ayaw ko din pero masyadong makulit si Tita kaya agad na akong pumayag."
"At ano naman ang kinalaman ko sa pamamahinga mo,Mr.Montenegro?"
Ngumuso ito na para nag-iisip.Napasulyap ulit ako sa mga daliri niya.
"Humingi sa'kin ng Favor si Tita which is ay Araw-araw kitang i-check.She feel guilty sa nangyari."Umiwas ako nang tingin sa kanya.Bago yun ay nakita ko pa ang pagngisi niya.
"Now.Nandito ka na.I'm perfectly fine.Wala akong sugat,bali,sakit o maging Trauma.Wala!"
"I know."Makahulugan niyang sabat.Sinamaan ko siya nang tingin."Wag mo akong tignan ng ganyan,Xen.Oh wait!Masyado ka yatang Pormal ngayon?Mr.Montenegro na ang tawag mo sa'kin."
"Yan naman ang gusto mo,di ba?Sumusunod lang ako."
Humalakhak siya.Nakagat ko lang ang labi ko.Ang ganda kasi sa pandinig niya ang halakhak nito.
"Yes.Pero sa pagkaalala ko nang nandun pa tayo sa isla ay tinatawag mo na ako sa pangala ko ah?"Dumukwang siya sa'kin kaya nagulat ako.Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko nang makitang malapit na malapit ang mukha niya sa mukha ko.Napalunok ako nang wala sa oras."Hindi mo na maalala,Xen?Too bad..."
"N-Nasa opisina t-tayo-"
"Wag mong idahilan sa'kin yan,Xen.Hindi naman ito opisina eh,boutique ito.Boutique."Diniinan pa niya ang sabi.Mas lalo naman akong kinabahan ng ilapit niya pa lalo ang mukha sa mukha ko.Naduduling na ako pero para akong naestatwa na hindi makakilos.Nakatingin lang ako sa mga mata niyang nakatingin sa labi ko.Nanuyo ang lalamunan ko.
Nasa ganun silang posisyon ng my tumihik galing sa likod.Parang nagising ako sa mga titig ng binata na dinungaw si Che na nakatayo sa tabi nang pintuan,hindi ito nakatingin sa'min.
BINABASA MO ANG
Si Manyak at Si Maarte(Completed)
Fiksi UmumThis is the Second Round story of Zeke,Cyrus and Xeena. Makakaya mo bang saktan ang damdamin ng taong nagmahal sayo para sa sariling kaligayahan mo?Eh ang damdamin ng taong mahal mo? She torn between Love,Family and Friendship. @All Rights Reserved