Kabanata 35

2.6K 39 2
                                    

Xeena' POV


Tatlong araw ding naconfine si Baby Czarina.At tatlong araw din kameng dalawa ni Cyrus nagbantay.Nagpapadala lang kame nang damit na pamalit kay Manang Liz,katulong namin.

Galit pa rin sa'kin si Cyrus.Hinayaan ko muna siya.May mali naman ako eh kaya intindi ko kung galit siya sa'kin.

Bitbit ang bag nakasunod naman si Cyrus na karga ang Anak.Bini-baby talk niya ang bata.Ang cute niya!Bumabalik ang dating Cyrus na kilala ko kapag kaharap niya ang Anak.


Nilingon ko ang Mag-ama na nagtatawanan.Masaya akong makitang okay na si Baby Czarina.Tumatawa na nga ito.


"Cy,tigilan mo yang pagb-baby talk mo sa bata."Pigil ko sa kanya.Ayokong mabungi ang bata.

Akala ko susungitan siya nito pero tumawa lang ito,kinuha ang bag na bitbit at binigay sa'kin ang bata na tumatawa.Ngumiti ako.


"How are you,baby?"Malambing kong tanong sa bata.Hinaplos naman nito ang pisngi ko at humalik sa ilong ko.Sus!Pareho talaga ang mag-amang to!Mahilig magkiss sa ilong ko!


"Okay na ko,mama."Hirap nitong sambit.Niyakap ko lang ito.Humagikhik naman ito panay tawag sa ama."Papa!Papa!"

Natawa lang ako.Pati si Cyrus na papasok nasa kotse.Pinaupo ko si Baby Czarina sa Carseat at tumabi dito.Nasa driver seat naman si Cyrus.Nagkatinginan kame.Lumingon kasi ito samin.


"Gutom ka na?"

Hindi ko alam kung sino saming dalawa ni baby Czarina ang tinatanong niya.Nanatili akong tahimik.Inayos ang seatbelt ng bata.

Tumigil lang ako nang haplusin niya ang likod ko.Napalingon ako sa kanya.Tinaasan siya nito nang kilay."Tinatanong kita.Gutom ka na?Kain muna tayo?"

Tumango na lang ako.Nakangiting pinagpatuloy ang ginagawa.Alam niyang hindi na galit sa kanya ang binata.

Kumain kame sa Jollibee.Paborito kasi ni Baby Czarina ang Spagghetti nila at fries dito kaya dito na lang namin napiling kumain.

Ako nagpapakain sa bata habang si Cyrus naman ay panay na naman ang pagb-baby talk sa bata.Umirap na lang ako.Kapag susuwayin niya ito malamang hindi yan titigilan.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kame.Kandong ko si Baby Czarina na nakasandig sa dibdib ko.Dahan-dahan kong sinilip ang mukha niya at nakitang mahimbing na ang tulog nito.Epekto pa siguro ito nang gamot kaya mabilis itong nakatulog.

"Tulog na siya?"Tanong ni Cyrus.Papasok na ang kotse ang garahe nang bahay.

"Oo.Epekto pa nang gamot."Sagot ko.Sinilip nito ang Anak.


"Yes."Tumaas ang tingin nito .Nagtagpo ang paningin namin.Lumambot ang ekspresyon nito."Pasensya ka na sa nasabi ko,Xen.Hindi ko intensyon na murahin ka..I'm so sorry,babe..."

Umiling ako."No.May kasalanan din ako.Pinangunahan kita."Inabot ko ang kamay niya.Inabot niya rin at mahigpit nitong pinadaop ang kamay nila.Nakatingin lang ako sa kanya na dinala ang kamay ko sa labi at hinalik-halikan niya.Parang natunaw ang puso ko sa ginawa nito.Kapag may nagawa itong mali ay ganun ang ginawa niya.Hahalikan niya ang kamay ko na paulit-ulit at paulit-ulit na humihingi nang sorry sa'kin.

Nauna siya bumaba nang sasakyan,binuksan ang pintuan sa gilid.Dahan-dahan na binuhat ang natutulog na Anak.Kinuha ko naman ang mga Gamit sa likod ng sasakyan at sumunod na.Papasok pa lang ako sa bahay ay narinig ko na ang boses ni Zaira,pasigaw yun.


"Assh*le!"

Mabilis akong pumasok.Bumungad sa'kin ang dalawa.Nasalampak sa sahig si Zaira at hawak ang kaliwang pisngi nito.Mabilis kong nilibot ang paningin.Nakitang ko si Baby Czarina sa sofa,tulog pa rin ito.


Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon