Kabanata 44

2.3K 34 0
                                    

Xeena' POV

Nakasampa ako sa likod ng binata na patuloy pa rin sa paglalakad.Huminto na rin ang ulan pero papadilim na ang paligid dahil papagabi na.Dinig ko na rin ang mga huni nang mga kakaibang hayop.Hindi niya alam kung anong mga hayop yun pero natatakot siya.Mas lalo siyang yumakap sa binata.

Pareho pa rin sila basa pero dahil sa nakayakap nilang katawan ay hindi sila nakaramdam ng lamig.Ang problema na lang ay nagaalburuto nilang tiyan.Hindi pa sila kumakain.

"K-kaya ko nang maglakad,Zeke.Ibaba mo na ako."nahihiya niyang sabi sa binaya.Parang wala itong narinig na binilisan ang paglalakad.Ngumuso na lang siya.



Tumingin siya sa naglalakihang puno.Akala ko ba maliit na isla lang to?Bakit kanina pa kame naglalakad walang katapusan na puno ang nakikita namin?Aniya sa sarili.

Busy siya sa paglibot ng paningin sa paligid ng huminto sa paglalakad si Zeke.Nagtatakang tumingin ako sa unahan at ganun na lang ang gulat ko nang makita ang maliit na lawa at ang pinakagulatan niya ay sa tabi nang maliit na lawa ay may kubo.Sht!Ano to?

"Fck."mura nito.Tumingin ako sa kanya at tulad niya ay ganun din ang reaksyon niya.

Para kasing may mali eh.Parang plinano ang lahat.Una ay naiwan sila nang mga kasama,eh wala naman silang narinig na ugong ng bangka.Pangalawa yung butas.Bakit nagkaroon dun ng butas?eh sabi nila wala daw may pumupuntang mga tao dito?Ngayon ito naman.Maliit na kubo lang at halatang bago pa.

"Z-Zeke.."alanganin sambit niya sa pangalan nito."M-maghanap na lang tayo nang ibang masisilungan."


"No."Firmed na sabi nito at nagsimulang maglakad patungo sa kubo.Kinabahan naman ako.Paano kung may masasamang tao diyan?Gawin kameng bihag?

Naalis lang ang agam-agam niya nang ibaba siya ni Zeke.Masakit pa rin ang mga tuhod niya pero agad siyang inalalayan nito para makaupo.

"Dito ka muna.Ic-check ko ang loob kung pwede nating matulugan muna ngayong gabi."

Hindi na siya nakasagot ng tumalikod na ito at iwan siya para pumasok sa loob ng kubo.Kinakabahan pa rin siya habang nakasunod ang tingin aa binata.

Nang makapasok na ito sa kubo ay nagbuntong-hininga na lang siya.Hinilot ang mga paa at braso,masakit pa rin eh.Tinignan niya rin ang mga tuhod na tinalian ng damit ng binata.Napangiti siyang hinaplos ang telang yun.



"I think it's safe."

Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan dahil sa sobrang gulat.Nanlaki ang matang nilingon niya ang lalaki.

"Ano ka ba!Mamamatay ako sa kaba!"Sigaw niya.Dala pa siguro nang gulat kaya nasigaw niya ito.

Pero mukhang wala lang dito sa lalaki na lumapit pa sa kanya.Namula ang mukha niya,nagbaba nang tingin napakagat labi.

"Wag kang mag-alala wala sa'kin yun."

Binuhat siya nito.Hindi naman siya makatingin ng diretso dito dahil sa sobrang kahihiyan.Nakita niya ba na parang baliw siyang nakangiti na hinaplos-haplos pa ang tuhod niya?Gad!Kakahiya!

Hindi siya makatingin dito habang buhat siya nito at umaakyat na nang kubo.

"W-wala bang may magagalit sa'tin?"utal niyang tanong.

"Malay ko."tinulak nito ang pintuan gawa sa nipa.Lumangitngit naman ang sahig na gawa sa kahoy ng pumasok ang binata.




"Ang dilim.."anas niya nang ilapag siya ni Zeke sa sahig na gawa sa kahoy.


Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon