Warning:Medyo SPG!
(Xeena POV)
Hindi ako nabigo.Agad ko siyang nakita sa isa sa mga mahabang sofa.Nakapikit na nakasandig sa sandalan.Magkasalubong ang dalawang kilay at kunot na kunot ang noo.
Ano kaya ang iniisip niya?Galit pa rin ba siya sa ginawa ko?
Niyakap ko ang basang Jacket ko,dahan humakbang nasa binata ang tingin.Uminit ang gilid ng mata ko habang mas nakikita ko ang mukha nito.
Noon,wala akong pakialam sa lalaking nangangalang Ezekiel.Kahit pa siguro mamatay siya,wala pa rin akong pakialam.Hindi ko alam kung bakit ganun ako sa kanya.Wala akong naaalalang may ginawa siyang masama sa'kin.Inaasar at ini-isnab niya lang ako.Yun siguro ang dahilan kaya galit na galit ako sa kanya noon.Gusto ko din bigyan niya ako nang atensyon noon.Hindi asarin at tuksuhin.
Suminghot para hindi malaglag ang mga luha pero hindi ako nagtagumpay,nag-unahan pa rin sila sa pagbagsak.Tinakpan niya ang bibig para walang hikbi ang umalpas dun.
Tumayo ako malapit sa mesa,kaharap dito.Kumunot ang noo niya na nadami siyang nakitang basyo nang alak na wala nang laman.
Grabe talaga maglaklak ng alak ang isang to.Parang tubig lang.
Lumunok ako.Agad hinampas ang puso ko nang tignan ko siya ay nakabukas na ang mga mata at diretsong nakatingin sa kanya.
Nanginig ang kalamnan ko na nakatitig sa itim na itim niyang mga mata.Blangko ang mga yun at parang hindi niya inaasahang nandito ako.Nasa harapan niya,nakatayo.
Kahit nanginginig ang tuhod ko ay pinilit ko ang mga yun na humakbang palapit sa lalaking nakatingin sa'kin.
Ilang hakbang na lang nasa tabi na niya ako nang magsalita siya.
"Zeke.."panimula ko.Nakita kong pumikit siya at kumunot ang noo pero agad siyang nagmulat.Hindi na nakatingin sa'kin.Pinadaop ko ang dalawang kong palad dahil sa kaba.Madaming sensasyon akong naramdaman at isa dun kung gaano ko kamahal ang lalaki.Na hindi ko kayang magalit siya sa'kin.Siguro ganun talaga kapag nagmamahal.Hindi mo matiis na nasasaktan ang mahal mo.
"I'm sorry.."Garalgal ang boses niya.Tumingala ito."H-hindi ko alam na nandun sina Mama at sina Tita.H-Hindi ko alam.."
Nagpanic ako nang tumayo siya at muntik ng matumba.Inalalayan ko siya pero malakas niyang hinawi ang kamay ko.Napangiwi ako sa sakit.Pero mas masakit sa puso na kaya niya akong saktan.Okay lang na saktan niya ako Physically,wag lang emotionally.
"Zeke?"
Tawag ko sa kanya akmang aalalayan siya uli pero tumalikod ito,pasuray-suray.Lukot ang itim na t-shirt na suot.Mura-mura siya habang nakatalikod sa'kin.
Panay lang ang daloy ng mainit kong luha sa pisngi,walang pakialam sa paligid.Ang nakikita niya lang siya at si Zeke.Walang pakialam sa paligid..
Tatawagin niya sana ito nang mabilis itong humarap sa'kin.Pulang-pula ang mukha nito pati ang mga mata nito.Bloodshot.
Tinitignan ko pa lang ang mukha niya para gusto kong kastiguhin ang sarili.Ako ang may kasalanan kung bakit uminom siya,ako ang may kasalanan.
Tinaas ko ang kamay para abutin ang mukha nito.I want to feel him.Gusto kong iparamdam sa pamamagitan ng haplos ko na magiging okay lang ang lahat.Na sa haplos ko ay mapapawi ang lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil sa'kin.
Pero nabigo ako.Bigla niya hinawi ang kamay ko at umatras.Nanginig ang labi ko habang nakatingin sa mga paa niya na umaatras.Parang gusto niyang makalayo sa'kin.Dahil ayaw niya nang masaktan.
BINABASA MO ANG
Si Manyak at Si Maarte(Completed)
General FictionThis is the Second Round story of Zeke,Cyrus and Xeena. Makakaya mo bang saktan ang damdamin ng taong nagmahal sayo para sa sariling kaligayahan mo?Eh ang damdamin ng taong mahal mo? She torn between Love,Family and Friendship. @All Rights Reserved