Kabanata 24

2.7K 43 1
                                    

(Xeena POV)


Kumabog ng malakas ang puso ko nang ipark ni Cyrus ang sasakyan sa harap ng bahay.Hindi ko na mabilang kung nakailang lunok na ako habang nakatingin sa bahay namin na para bang may halimaw dun at hinihintay ako.Kahit parents niya man lang ang nandun.Pero sobra pa rin akong kinakabahan.Pakiramdam ko kasi parang may masamang mangyayari.Napaparanoid na siguro ako at dala na rin ng antok at inis kay Zeke dahil hindi man ito lumitaw.


Umalis lang ang tingin ko sa bahay namin ng magsalita si Cyrus.



"Are you okay?"Umayos ako sa pag-upo nang makita ang nakakunot niyang noo.Mabuti naman parang nabawasan ang panlilisik ng mata niya kanina.Pakiramdam ko kasi nagtatampo pa rin siya sa'kin dahil sa hindi ko pagtawag sa kanya.I exhaled and inhaled nang tumingin sa kanya.




"Ahm..bakit hindi naman ako magiging okay?"


Mariin siya nitong tinitigan na para bang binabasa ang nasa utak ko."Nothing.Bakit meron bang rason para hindi ka maging okay?"



Dun na kumunot ang noo ko.Umalis sa pagkasandig sa upuan at tumagilid ng upo,paharap sa'kin.Napasinghap ako nang makitang malapit ang mukha nito sa'kin.Kumurap ako.Pero nandun pa rin ang kislap na pagkainis sa mata nito.


"Sinabi ko lang kanina na nandito ang parents mo kinabahan ka na."mahina niyang sabi."May rason ba kaya dapat kang kabahan,Xen?Kung wala.Bakit ganyan ka na lang kumilos?Wag kang magsinungaling,Xen.Alam kong kinakabahan ka.Bakit?Dahil takot ka sa parents mo?"


Mariin na lumapat ang mga labi ko at nanliit ang mata ko sa sinabi niya."Bakit naman ako matatakot?Kung yan ang pino-point mo.Then,i'm not afraid to them.They're my parents."

He chuckled.Pumikit ang mata nito at padabog na sumandig sa upuan nito.Dinig na dinig ko ang mabibigat niyang hininga at marahas niyang pagbuga.



"Yun naman pala eh.Di' bumaba ka na.Greet your parents,hug them,kiss them."at lumabas ng sasakyan niya.Nagtatakang sinundan ko siya nang tingin.


Damnit!Bakit ganito ang mga salita ni Cyrus?Pakiramdam ko ibang Cyrus ang kaharap ko kanina.Parang sobrang galit siya sa'kin.Hindi ganito ang pagkakilala ko kay Cyrus.Ang kababata ko.He gentleman towards me.Sweet siya magsalita kung ako ang kaharap.Never niya akong tinanong sa mga bagay na ayaw kong pag-usapan at higit sa lahat hindi niya ako pinapakialaman dahil gusto niyang hayaan ako sa mga bahay na kaya ko namang lutasin.At isa na dun ang parents ko.


Pumasok siya sa loob ng bahay.Madilim sa loob nun.Kagat labing sumandig ako sa upuan at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.


Nadismaya ako nang makitang walang tawag o text man lang galing sa binata.Ganun ba to ka busy para kalimutan ang sinabi niya sa'kin?


Sabi niya susunduin niya ako.Pero ni anino nito hindi ko nakita.Pati ang gago niyang kaibigan hindi ko din nakita.

Ilang segundo na nakatunganga lang ako sa labas.Sinilid ko ang cellphone sa bulsa ko at sinabit ang backpack sa balikat ko.Mamaya ko nang kukunin ang maleta ko sa backseat.Lumabas na ako nang may biglang may humigit sa'kin at sinandig ako sa sasakyan.



Nanlaki ang mata ko,kinabahan dahil baka masamang loob ang humigit sa'kin.Sisigaw na sana ako nang nanuot sa ilong ko ang sobrang pamilyar at mabangong perfume na gamit ng lalaki.


"Zeke?"Sigurado kong sabi.Hindi nga ako nagkamali.Si Zeke nga!Magulo ang buhok nito at mapupungay ang matang nakatingin sa kanya.



"Zeke?Ano'ng ginagawa mo dito?"


Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon