Dahil bangag ako kagabi na delete ko yung Chap.13 kagabi. ~_~
****
(Zeke POV)
Tinawagan ko si Mommy para sabihin hindi ako pupunta.Nagalit siya sakin bakit daw lagi na lang ako hindi sumasama.Alam kong masama naman ang loob ng Ina sakin.Ilang beses na nga ba hindi ako nakapunta sa Grand Villa?Madaming beses na yata.
Kakadating lang kasi nila ni Daddy galing sa business trip.Na-miss nila kami kaya agad silan dumiretso sa Grand Villa,para daw sana sabay kaming mag-dinner kasama ang mga magulang ni Xeena.
Mariin akong nakapikit,hawak-hawak ang Cellphone.Tinitignan bawat minuto bakasakaling mag-reply na si Xeena.Pero kahit tuldok o blangko wala talaga.Ganun siya ka-busy?
Bago pa ako mabaliw sa kakaisip sa dalaga at baka hindi ko mapigilan ang sarili na sumunod sa Grand Villa ay minabuti ko na lang pumunta ng Gym para ma-divert naman ang utak ko.Malapit lang naman saming tinitirhan kaya lalakarin ko na lang.
"Good morning.."Bati ko sa tagabantay sa kaha.Dahil hindi naman ako lagi tumutungo sa Gym na to kaya wala may nakakilala sakin.Sa towne kami kasi lagi nag-Gym ni Jack,kilala na kame pareho dun.
Sinabi ko sa babae ang kailangan ko.May tinawag naman siyang dalawang lalaki hindi na lalayo ang edad sakin.Nagpakilala sila sakin.
"Maganda na ang katawan mo.Halatang nagg-gym ka ah?"tanong ng lalaki,umalis naman yung isa may dumating kasing customer.Tumango lang ako at binuhat ang barbel na nandun.Tinulungan niya ako kahit hindi ko naman kailangan.Hinayaan ko na lang.
Nang nakailang ulit na ako at medyo pinagpawisan na ay may dumating na mga babae.Nasa lima apat yata sila."Wait lang,Zeke.Tatawagin ko lang si Niel."Paalam sa kanya ng lalaki.Tinanguan ko lang siya at binalik na ang pansin sa ginagawa pero masyadong maingay ang mga babae,pati tuloy yung ibang nandun ay napapalingon sa mga ito.
Napatingin ako sa mga babae at tumaas ang kilay.Sobrang iksi ng mga suot ng mga ito kulang na lang makikita na ang singit sa ikli ng shorts.Lalaki ako kaya natural na gusto kong makakita ng legs ng mga babae.Pero dahil nandito ako sa Gym ay behave ako.Isa pa,may gusto na ako.
Aalisin ko na sana ang tingin sa mga babae ng makilala ko si Layla.Natatakpan kasi siya,kausap niya yung sa kaha kaya hindi ko siya nakita kanina.Kumunot ang noo ko.
"Sa Drill ka na,Zeke."Nakabalik na pala ang lalaki.Tinuro niya sakin ang Drill.Binitawan ko ang barbel at tinungo ang drill.Nasa likod ko si Erik.
"Girls!"
May sumigaw sa di kalayuan.Ginawa ko lang steps na pinakita sakin ni Erik.
"Itaas mo ang kamay mo."Sabi sakin ni Erik.Sinunod ko siya,hinintay ang sunod niyang steps nang hindi siya nagsalita at nilingon ko siya.
"Wow!Ang galing naman!"Sarkastikong sabi ng babae na nasa likod ko.Tinaasan ko siya ng kilay,tumingin kay Erik na malalim ang iniisip na nakatingin sa mga paa ko.
"Suplado.Hindi man lang namamansin."Aniya ni Layla at nag-wink na umupo at pinanood ako.Wala sa sariling napatingin ako sa legs niyang medyo expose at kay Erik na sumusulyap sa dalaga.Medyo nainis ako sa klase ng tingin ni Erik sa legs ng dalaga.
(Xeena POV)
Hindi naman nagtagal ay nakarating kaming dalawa ni Cyrus sa Grand Villa.Pagbungad pa lang halata ng sobrang yaman nila.Tinukso ko pa nga si Cyrus,pero wa epek lang.Ngingisihan niya lang ako o 'di kaya papakiligin niya ako.
"Dito na kayo matulog,hija."Untag ni Tita Cyril--mommy nila Cyrus.Nakaakbay naman ang gwapo daddy nila.
"Oo nga,Anak.Dito na kayo matulog na dalawa."segunda pa ni mama."Wag niyong sabihin magd-date kayong dalawa?"tukso samin ni Mama.
BINABASA MO ANG
Si Manyak at Si Maarte(Completed)
Ficción GeneralThis is the Second Round story of Zeke,Cyrus and Xeena. Makakaya mo bang saktan ang damdamin ng taong nagmahal sayo para sa sariling kaligayahan mo?Eh ang damdamin ng taong mahal mo? She torn between Love,Family and Friendship. @All Rights Reserved