Kabanata 49

2.3K 38 3
                                    

Xeena' POV

Pareho kameng tahimik na dalawa.Nakaupo sa pangatlong baitan ng hagdan at siya nasa unang baitan.Tulad ko ay mukhang malalim ang iniisip.Panay ang buntong-hininga niya.

"I'm glad that you're happy now."

"So much.Hindi ko alam ang gagawin noon kay Cyrus.Nag-rebelde siya.Nakick-out sa School,nahulog siya sa dean lister.At higit sa lahat sinuway niya ang parents niyo na hindi niya nagawa noon."

"Sa'yo lang siya nakikinig.."

Tumango ako."Pero hindi na parehas noon..na masaya na siyang makita ako,makausap..lahat nagbago.Gabi-gabi siyang pumupunta sa bar at naglalasing,sinusundo ko lagi siya kapag hindi niya na kaya.Naging tahimik siya.Sobra na akong nag-aalala sa kanya at dun ko din nalaman na nagda-drugs siya."

Tumingin siya sa gilid.Pinunasan ko naman ang luha ko."I'm shocked that time.Hindi ako makapaniwala na kaya mag-take ng bawal na gamot si Cyrus.Wala sa katauhan niya yun.He's smart at maprinsipyo.Kaya nang malaman ko yun ay agad ko siyang kinausap pero parang wala siyang narinig.Tutulala lanh siya sa mukha ko at mangangako na hindi na muulit pero lagi naman napapako ang pangako.Pangalawa na mahuli ko siya ay hindi na siya nag-iisa,madami siyang kasama na puro babae at nakahubad."humaguhol ako.Sumisikip ang dibdib ko sa mga alalang dapat ko na sana kalimutan.

Nagulat na lang ako nang mabilis na lumapit sa'kin si Zeke at pumantay ang mukha sa mukha ko.


"Walang silang sinabi sa'kin.."niyakap niya ako.

"Humingi ako nang tulong kay Tita Cyril.Sobra siyang nagalit sa'kin.Sinira ko ang tiwala niya sa'kin.Ako ang sinisi niya sa lahat...tanggap ko naman eh.Ako ang  may kasalanan sa lahat...ako ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ni Cyrus at ako ang dahilan.."hinaplos ko ang pisngi niya.Nanlabo na ang mga mata ko dahil sa luha."Kaya umalis ka."


"Hind,Xen.Hindi...hindi mo kasalanan ang nangyari.."aniya.

Umiling-iling ako.Gusto kong tapusin ang sasabihin ko.Gusto kong malaman niya ang mga nangyari.

"Isa sa mga naging babae ni Cy si Zaira.."akmang pipigilan niya ako sa pagsasalita."Xen.."


"No.Hayaan mo akong tapusin ang sinasabi ko,Zeke.Tulad din niya si Zaira.Rebelde...ang babae yun ang lagi niyang kasama.Nalaman ko din nagda-drugs ang babae kaya kinausap ko ito.Tulad ni Cyrus mukha ding baliw ang babae hanggang isang araw pumunta siya sa apartment na nirerentahan ko."

"What?Umalis ka sa bahay?"

Tumango ako."Wala akong karapatan tumira pa dun,Zeke."

"But..but!"napasuklay ito sa sariling buhok.Mariing pumikit at nagmulat."bahay mo din yun.."

"Hindi ko yun bahay,Zeke.Inyo lang yun ni Cyrus,labas na ako dun."




"Kahit na!Ilang taon ka din tumira dun kasama kameng magkapatid!"

Suminghot ako.Matalim siyang tinignan.Pagod na pagod ang mukha nito sa mga narinig sa kanya.Pumungay ang mga mata niya nang lumapit ulit sa'kin.

"Wala akong karapatan sa bahay na yun,Zeke.Sa inyo lang yun ni Cyrus.."

Umiwas ako nang tingin ng makita ang mukha nito.Hindi ako dapat mapadala sa sariling damdamin.At kapag ganito kalapit ang binata ay parang bula nawawala sa isip niya ang gustong sabihin.




"Hindi ito tungkol sa bahay..gusto kong sabihin ang mga nangyari sa kapatid mo."

"I don't want to hear it,Xen.Hindi na siya bata!Matalino siya!Kaya alam niya ang tama sa mali!That's his decision!Gusto niya maging adik?Wala ka na dun!Bakit ikaw ba ang nagsabi na gumamit siya nang bawal na gamot?Hindi di ba?So,bakit mo sinisisi ang sarili mo?"


Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon