Kabanata 46

2.4K 43 0
                                    

Xeena' POV

Umaga na nang magising siya.Masakit ang ulo niya dahil sa pag-iyak buong gabi.Masakit din ang mga mata niya.

Nilibot niya ang paningin sa paligid.Wala ito.Nakita niya pang nakabukas pa rin ang pintuan na gawa sa nipa.Hindi bumalik ang binata.

Sa labas ba siya natulog?Malamig sa labas at malamok pa.Madilim rin.Yan ang mga katanungan sa isip niya habang tumatayo.

Ramdam niya ang pamamanhid ng kaliwang braso.Inunat niya yun at ngumiwi.Pinulot niya ang dahon na kamantige na iniwan ng binata kagabi,napasulyap siya sa mangga at agad nagtubig ang bagang niya pakakita sa mangga.Wala siyang kinain kagabi,kaya nakaramdam na siya nang gutom.

Dahan-dahan niyang inabot ang mangga at hindi napansin na pumasok na ang binata na basang-basa.May bitbit na saging at santol.


Nagtagpo ang paningin nilang dalawa.Nabitawan niya naman ang mangga dahil sa gulat na makita ang binata.

Parang hindi man nagulat ang binata,nilapag ang dala sa harapan niya.


"Kumain ka na."malamig na saad nito at tumalikod na.Akala niya lalabas ulit ito pero umupo ito sa kabilang sulok at tumunghay sa kanya.Nakakunot pa ang noo.

Agad siyang umayos ng upo.Iniwasang na mapatingin sa direksyon nito.Nakita niya na basa ang sahig galing sa tulo ng damit nito.

Tahimik lang siya.Hindi alam ang gagawin.Napahawak siya sa tiyan ng tumunog yun.Gutom na gutom na talaga siya!Pero galit siya sa binata at medyo nahihiya siya dahil sa inasal kagabi dito.


Sumandig na lang siya.Hawak-hawak ang nag-aalburutong tiyan.Bahala na nga!Gutom na talaga siya!


Mabilis siyang kumuha ng hinog na mangga at kumagat dun.Ramdam niyang pinapanood siya nito.Pero dahil gutom na talaga siya ay isinantabi niya muna ang hiya at galit dito.

Dahil gutom na gutom siya ay mabilis niyang napangalahati ang kinakain.Panay pa ang pahid  niya sa bibig.

"I'm sorry."naiwan sa ere ang hawak niyang mangga nang magsalita ito."I'm sorry for saying those words.Gago ako nang sabihin yun."mahina ang pagkasabi niya nang kataganh yun pero dinig na dinig niya.Kaagad nag-react ang puso niya.




"Hindi ko naisip ang mararamdaman mo.We are here.Stuck to this fcking island!Dapat sana magtulungan tayo kung paano makakaalis sa isla na to ngunit naging gago ako!"


Tuluyan ng nahulog ang hawak niya nang tumayo ito.Pero hindi yun ang nagpabigla sa kanya kundi ang pumupungay nitong mga mata.Namumula ang pisngi hanggang leeg.Sunburned yata.


"Xeena..."



Napapikit siya nang tawagin nito ang pangalan niya.Iba talaga ang epekto kapag ito ang tumatawag sa pangalan niya.




"Are you still mad with me?I already apologize."lumapit siya sa'kin.Hindi inaalis ang tingin sa'kin.Maging ako ay hindi din maalis ang tingin sa lalaki.



Humarap siya sa'kin,nakabend ang mga tuhod niya.Hinaplos ang pisngi ko.Ayan naman ang paru-paru sa tiyan!


"Ganun ba katindi ang galit mo sa'kin at hindi mo ako mapatawad?I'm sorry kung naging malupit ako.But i can't stand the feeling na galit ka pa rin sa'kin."at bigla akong niyakap.Napatili siya.



"Zeke--Mr.Montenegro!"bawi niya nang muntik ng sambitin ang pangalan nito.Pinagbawalan na siya nito,di ba?

Sumiksik ito sa katawan niya na parang dun kumukuha nang lakas.Nilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa dibdib nito para sana itulak to pero imbes na maitulak ito ay mas lalo pa itong sumiksik sa kanya.



Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon