Xeena' POV
Nakasalampak ako sa sofa habang nakaupo naman si Baby Czarina at humahagikhik.Binalingan ko ang bata at kiniliti.
"You should go to doctor..."
Hindi ko pinansin ang Ama ni Czarina.Ilang ulit ko na bang narinig na sinabi niya sa'kin yan?Madaming beses na magmula nang umuwi ako sa maynila..nauna itong umuwi dito dahil sa Anak,ako naman ay sumunod lang dahil nakipag-usap pa ako kay Mrs.Vargas.
Humingi siya nang tawad sa nangyari,on behalf of Shaun.Hindi niya naman sinisisi si Shaun eh.Siguro hindi lang sila nito napansin na naiwan sila.Wala sana akong balak na bumalik sa maynila,meron siyang trabaho na kailanga tapusin pero hindi pumayag si Mrs.Vargas na hindi siya umuwi.Kailangan niya daw magpahinga at sinabi pa nitong natrauma siya.Napailing lang ako dahil pareho sila nang sinasabi ni Cyrus,kahit na hindi naman totoo..
Pumayag na rin ako.Wala akong magagawa kung maging si Irene at Jem ay gusto ako pauwiin.
"Xen!"Napipika na siguro ito sa kanya.Tinaasan ko lang siya nang kilay."Bakit?"
Padabog siyang lumapit sa'min,nakapameywang at matalim ang tingin sa'kin.Binalik ko na lang ang tingin kay Baby Czarina na panay pa rin ang hagikhik.Nakakawala talaga nang stress kapag may bata sa bahay.
Kinuha niya si Baby Czarina.Nagbuga lang ako nang malalim na hininga.
"Kailangan kang matignan ng doctor.."
"Para saan?"umayos ako nang upo."Ilang ulit ko na bang sinabing hindi nga ako na-trauma at lalong-lalo nang wala akong sakit na dinadamdam.."
"Kahit na,Xen!"Nilagay niya si Baby Czarina sa Baby Chair.Tumutol naman ang bata."Baby Cza..behave okay?Kailangan lang namin mag-usap ni Mama..."malambing nitong sabi sa bata.
"Pa!Pa!"
"Ayaw niya diyan.."naiinis na nilingon siya nang binata.Umirap lang ako.
"I told you to behave,right?"lumuhod ito sa harap ng Anak.Tumigil naman si Baby Czarina at ngumuso.Sa edad nitong tatlong taon ay nakakaintindi na to.She's three years old pero hirap pa itong magsalita.Premature baby ito...
Nang tumahimik na ang bata ay ako naman ang binalingan ni Cyrus.Nakatingin lang ako kay Baby Czarina na nakangusong nakatingin sa Ama.
"Kung inaalala mo ang naiwan mong trabaho sa bora wag kang mag-alala,nandun si Irene at Jem.Sila na ang magtatapos."
"Alam ko."
"Umuwi ka dito para magpatingi sa doctor.Pero ayaw mo.Sobra nang nag-alala sina tita sa'yo...ayaw mo namang umuwi sa inyo.."
"Mas gusto ko dito.."ngumuso ako.Nakatingin pa rin kay Baby Czarina na nakanguso pa rin.
"Hindi naman kita pinapaalis,Xen.Sa akin lang magpatingin tayo sa doctor.Mapapanatag lang ako na ayos ka kapag mismo sa doctor galing yun."aniya.
Nagpabuga lang ulit ako nang hininga.Matagal na ba niyang alam na nakauwi na kapatid nito sa pilipinas?Nakita ko ang reaksyon nito nang makita ang kapatid sa isla.Nagulat ito na makitang nandun din si Zeke,hindi tulad sa naging reaksyon ko noon.
Isa sa mga dahilan ko kung bakit pumayag akong umuwi.Masakit kasi na makita si Zeke at ang kasintahan nito.Parang hinihiwa ang puso niya kapag nakikita niya ang mga ito kung gaano ito ka-sweet sa isa't isa.Pinilig ko lang ulo ko.Masakit pa rin.Hindi na bago yun pero kapag nakikita niya ang ito ay parang sariwa ang sakit.
Napapiksi ako nang may magsalita sa tabi ko.
"Tulala ka naman diyan."puna nito sa'kin.
Nginitian ko lang siya.
"May naalala lang ako.."
BINABASA MO ANG
Si Manyak at Si Maarte(Completed)
Fiksi UmumThis is the Second Round story of Zeke,Cyrus and Xeena. Makakaya mo bang saktan ang damdamin ng taong nagmahal sayo para sa sariling kaligayahan mo?Eh ang damdamin ng taong mahal mo? She torn between Love,Family and Friendship. @All Rights Reserved