Xeena' POV
Fight..
Kaya ba niya?Kaya ba niyang lumaban kahit may masaktang iba?
Umiling siya.
Tama nang siya lang ang masaktan.Kasi alam niyang kakayanin niya kahit masakit.Dahil malakas siya.Malakas siya.Kaya niyang ipakita sa iba na hindi siya nasasaktan.Dahil yun ang tama.Dahil yun ang nararapat.Dahil yun ang kailangan niyang gawin.
"He moved the wedding,Xen..."ulit ni Irene.Nakikita niya sa mukha nito na nag-aalala siya sa'kin.
Tipid akong ngumiti.Nilaro ang maliit na mga kamay ni Irish.Nakatingala sa'kin ang inosenteng mukha nito.
"Wag mong itago,Xen.Alam kong mahal mo pa yung tao."dugtong pa nito."fight,Xen.Mahahanap mo ang totoong kaligayahan mo kung ipaglalaban mo yun,Xen.Set yourself free.Wag mong saluhin lahat ng responsibilidad.Noon,akala ko kayo ni Cyrus pero sa araw-araw na makikita ko kayo,oo,mahal niyo ang isa't isa pero hindi ganun klaseng pagmamahal na tulad sa'min ni Jem.Mahal niyo ang isa't isa dahil pinapahalagahan niyo ang pagkakaibigan niyong dalawa.Isa lang ang ipapayo ko sa'yo bilang kaibigan mo,Xen.Fight...wag kang maduwag.."at kinuha sa'kin si Irish.Aangal sana ako nang pandilatan niya ako at iniwan para sumunod sa asawa na nasa kusina.
Naiwan naman siyang mag-isa.Mapait na ngumisi.Fight?Oo,madali lang sabihin pero mahirap gawin.Sa loob ng dalawang buwan hindi man lang siya nito nagawang i-text o tawagan man lang.Bakit?Dahil busy siya sa paghahanda ng kasal.Gets niya na.Ano pa ang silbi nang paglaban kung ang taong pinaglalaban mo ay may iba na?Useless ang pakikipaglaban mo.
Tumayo na din ako para sumumod sa mag-asawa na nasa kusina.Naabutan ko silang tumatawa at nagyayakapan.Yung anak nila ay nasa baby Chair.Sumandig ako sa bukana nang pintuan at nakangiting pinagmamasdan ang mag-asawa.Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit.
Noon,ito ang pangarap niya.Siya at ang lalaking mamahalin niya.Masaya at kontento na kung ano meron kame.Bubuo kame nang masayang pamilya.Magkaroon ng mga Anak. pero sa tingin niya ay hindi na yata mangyayari sa kanya yun.Dahil kinuha na ni Zeke ang Puso niya.At wala nang balak na ibalik iyon.
Lumingon sa direksyon niya si Jem.Tumayo siya nang tuwid at agad na ngumiti lumapit sa mga ito.
"Gutom na ako!"Kahit hindi pa.Dali-dali akong kumuha nang upuan at tinabi iyon sa baby Chair ni Irish.
"Wala ka bang balak na umuwi sa bahay niyo?"tanong ni Irene.Tinaasan ko siya nang kilay.Pinapalayas ba siya nang babaeng ito?
"Mamaya."yun lang sinabi ko.Nagkibit-balikat lang ito at tumalikod.Nilagay naman ni Jem sa harap niya ang platong may lamang Carbonara.Napangiwi ako sa dami nun.Uubusin ko to?Seriously?Balak nila yata ako patabain?
"Pangpa-energize."nakangisi nitong sabi at tumalikod na rin.Sumimangot na lang ako at sinimulan na rin ang pagkain.Nakaisang subo pa lang siya sa Carbonara nang tumunog ang doorbell.Napatingin ako sa mag-asawa na busy sa ginagawa.Wala siyang nagawa kundi tumayo para buksan ang taong nagdo-doorbell.
Sumigaw si Irene."Papasukin mo ha!"
Ha?Bisita nila?Sino naman kaya?
Dali-dali niyang binuksan ang pinto at muntik na siyang mapasigaw sa gulat na mapa-sino ang bisita nang mag-asawa!Sht!Bisita na pala nila ngayon si Zeke!?
Dinaanan lang siya nito nang tingin at sumilip sa likod niya."Nandiyan ba si Irene?"malamig nitong tanong.
Kumurap-kurap pa ako.Hindi agad nakasagot.Gulat pa rin siya na makita ito dito.Na-miss niya ito.Oo,sobra.Parang may kung ano sa puso niya na nasilayan uli ang gwapo nitong mukha.
BINABASA MO ANG
Si Manyak at Si Maarte(Completed)
Fiksi UmumThis is the Second Round story of Zeke,Cyrus and Xeena. Makakaya mo bang saktan ang damdamin ng taong nagmahal sayo para sa sariling kaligayahan mo?Eh ang damdamin ng taong mahal mo? She torn between Love,Family and Friendship. @All Rights Reserved