Kabanata 58

2.9K 41 1
                                    

Xeena' POV

Isang buwan na ako sa Probinsya pero ni isang text o tawag galing sa binata ay wala akong natanggap.Gabi-gabi naman kung tumawag si Cyrus o di kaya ay si Irene.Kinakamusta siya.Napapangiti na lang siya sa dalawang makulit.

Nilibot nila ni Papa niya ang buong hacienda nila.Sa pitong taon na hindi siya nakauwi dito ay madami na nagbago.Tulad na mas lalong dumami ang mga trabahador nila.Ang taniman ng mangga,gulayan at niyugan.Mga baka,baboy,kambing pero kinagulat niya ay mga kabayo!Madami at iba-iba pa ang breed.Noon isang kabayo lang ang meron sila.Yun pa ang galing sa Papa niya.



"Gusto mong sakyan,Anak?"nakangiting tanong ni Papa.Inimuwestra niya sa'kin ang puting kabayo.Excited siya pero pitong taon na rin siyang hindi nakakasakay sa kabayo kaya hindi niya alam kung kaya pang patakbuhin yun na hindi nahuhulog!


Umiling ako."Next time."


Hinaplos ko ang balahibo nang kabayo.Lumikha siya nang ingay.


"It means she likes you."nakangiting turan ni Papa.Lumawak ang ngiti ko at hinaplos-haplos ang balahibo nang kabayo.

Dinala din siya nang Papa niya sa manggahan nila.Anihan nga yun kaya maraming trabahador na nangunguha nang bunga.Pagkakita sa kanila nang mga trabahante ay agad nila kameng binata.Lumapit sa'min ang matandang lalaki na may bitbit na basket.



"Magandang Araw po,Sir Xan."

Tinapik ito ni Papa sa balikat."Magandang Araw din,Mang Greg.Kamusta ang anihan?"



"Naku,sir!Maganda!Sobrang madaming hinog na!Madami tayo maaangkat patungong maynila."



"Mabuti."bumaling ng tingin si Papa sa'kin."Eto pala ang sinasabi kong nag-iisang Anak ko at Unica Hija namin ni Marie."


Lumapit ako sa matanda.Nakita ko kung paano numiningning ang mata nang matanda.



"Good morning po.Ako po pala si Xeena."nilahad ko ang kamay sa harap ng matanda.

Tumawa naman ito at pinagpag ang kamay bago abutin ang akin."Naku!Napakagandang bata naman ito!Hindi na nakakapagtaka dahil maganda't gwapo si Sir Xan at Ma'am Marie."

Ngumiti ako.Proud namang tumawa si Papa at tinapik-tapik ang balikat ng matanda.Madami namang ibang trabahanteng nakatingin sa direksyon nila.Nakangiting kinawayan ko sila.


"Mahal na mahal namin ng Mama mo ang Hacienda na to.Kahit na nasa Japan ako lumaki pero dito naman imusbong ang pagmamahalan namin,kaya napakahirap iwan ang lugar na to."



Alam niya ang kwentong pag-iibugan ng mga magulang.Pagmamay-ari ng pamilya ni Mama ang Hacienda.Dahil nag-iisa ring anak ay napunta ito sa kanya pero mutik na rin mawala nang magkasakit ang Lola ko.Kailangan nila nang pera pampagamot sa sakit nito kaya walang nagawa si Lolo kundi isangla ang Hacienda.Siguro destiny na rin dahil sa Pamilya ni Papa nasangla ni Lolo ang Hacienda.Pero namatay din si Lola sa sakit at naaksidente naman si Lolo.Disi-otso lang nun si Mama nang mamatay ang mga magulang at nakilala si Papa.At dun nagsimula ang Pagmamahalan nila.At ako nga ang Bunga.



Dapit hapon ng nakauwi kame ni Papa.Nakasakay kame sa Jeep nito at kasulukuyang si Papa ang nagmamaneho.Nakatanaw lang ako sa mga punong manggang dinaranan ng Jeep.Nag-uusap naman kame ni Papa tungkol sa Hacienda nila.



Pagkahinto nang Jeep ay naunang bumaba si Papa,panghuli ako.Hindi pa nga ako nakakatapak sa lupa ay nadinig ko na ang humahangos na ni Manang Cardia,mayordoma.Sinalubong ito ni Papa.



Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon