3rd Person' POV
Naliligo sa maliit na lawa si Zeke suot lamang ang puti nitong brief.The clear water make him fresh.Dalawang araw na siya sa isla at ngayon lang siya nakaligo.Nalalagkit na siya kaya hindi na siya nagdalawang isip na maligo sa lawang to,katabi nang kubo.Natutulog si Xeena nang iwan niya.Nakakuha na rin siya nang pwede nilang kainin mamayang gabi.
Madaming gumugulo sa isip niya pero nang makasisid siya sa malamig na tubig ay nakalimutan niya pansamantala.
It's not bad.aniya sa sarili habang nakatingin sa paligid.Nagtataasan mga puno at tanging tunog lang ng mga dahon,dagat ang naririnig niya.'Di tulad sa maynila.Napakaaliwalas ng paligid.
Nilagay niya ang dalawang braso sa gilid ng bato,sumandig at nakapikit na tumingala.Nasa gilid naman ang damit na hinubad niya.
Pumasok sa isip niya ang kasintahan.Paniguarado nag-aalala na ito sa kanya.Dalawang araw na siyang wala kaya alam niyang nakaabot na dito ang pagkawala niya.
Nagmulat siya nang mata ng may marinig siyang yapak.Hindi na siya nag-abala pang lingunin yun dahil dalawa lang naman silang tao dito sa isla.
"Zeke."
Xeena' POV
Nagmulat siya nang mga mata.Wala ang binata at mag-isa lamang siya.Kinusot ang mga mata at agad na tinignan ang sugat niya na may tapal na dahon.Gumuhit ang isang ngiti sa labi niya.
Inaalagaan siya nito kagabi.Ito ang gumamot sa sugat niya.Kahit sa simpleng ginawa lang nito pero sobrang umaapaw na sa kasiyahan ang puso niya.Dahil alam niyang ito pa rin ang Zeke na mahal na mahal niya.
Dahan-dahan siyang bumangon.May nakita siyang saging at mangga sa gilid.Kumuha siya nang isa at agad binalatan.Habang ginagawa niya gun ay paika-ika siyang pumunta sa bintana at muntik niya nang maluwa ang kinakain na saging sa nakita.
Nagb-butterfly stroke ang binata kaya kita-kita ang hubad nitong dibdib at katawan.Napapikit siya pero dahil traidor ang mga mata niya ay agad na nagmulat.
Oh god!Parang model ng calvin Klein ang katawan nito habang lumalangoy.Napako siya sa kinatatayuan,hindi maalis ang tingin sa lalaki na parang diyos ng lawa.
Kita-kita niya ang malalaki nitong biceps na nadedepina habang lumalangoy.That seducing abs!Oo,ilang ulit ko nang nahaplos yan pero iba pa rin ang epekto sa kanya.Parang laging first time.
Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanyang lumabas ng kubo at puntahan ang binata na ngayon ay nakasandig sa malaking bato at ang mga braso nito ay nasa gilid.
"Zeke."tawag niya pagkalapit dito.Hindi naman siya nito nilingon pero yumuko ito.Nakita niya ang damit nito napunit at pantalon.Napalunok siya sa naisip na tanging brief lang ang suot nito ngayon.
"K-Kumain ka ba?"kinakabahan niyang tanong dito.
"Masakit pa ba ang mga sugat mo?"nakatalikod pa ring tanong nito.Nagtaka ako pero agad naman ito sinagot.
"Hindi na masyado."
"Are you sure?"
"Oo."
Napaatras siya nang wala anu-anu'y humarap ito sa kanya.Ang seryosong mukha nito ang nagpagabog ng malakas sa puso niya.Nahawakan niya yun.
"Don't call me that name."Malamig nitong turan.
"Ha?Anong-?"
"Matagal ko nang kinalimutan ang pangalan na yan,Ms.Alvaro.At wala akong pakialam kung ano man ang gusto mong isipin.We're not relatives at lalong-lalo na hindi tayo magkaibigan."
Masakit.Oo,masakit marinig dito.Na lahat ng nakaraan nito ay gusto nitong kalimutan at kasama na siya dun.
Mapait siyang ngumiti.Hindi nagpakita dito na nasasaktan siya sa sinabi nito.
"Do you want me to call you Mr.Montenegro?"
Kumunot ang noo nito at nag-isang linya ang kilay.Mariin ang paglapat ng labi.
"Yes."
Bumagsak ang balikat niya.Namula ang gilid ng mata niya.Kahit hindi nito sabihin,alam niya ang gusto nitong tukuyin.Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig.Gusto nitong tawagin ko siya sa formal na paraan dahil wala lang siya dito!Na isa lamang siyang hamak na wedding coordinator!Na hindi kame magkakilala at higit sa lahat wala ako sa buhay niya!
Bago pa bumagsak ang luha niya ay tumalikod na siya.Masakit ang mga tuhod niya pero pinilit niyang tumakbo.Ayaw niyang makita siya nitong lumuluna.Para ano?Para kaawaan siya?Hindi,pagod na siya.Pagod na siya sa malamig na trato nito!Mula nang muli silang magkita ay parang wala lang nangyari!Nagbago na siya!Sobra!
Tumawa siya.Lint*k na mga luha to!Bakit ba kailangan pa pumatak?Hindi naman kailangan eh!
Bumalik siya sa kubo.Dali-dali pumasok at humiga sa malayong sulok.Panay pa rin ang daloy ng luha sa pisngi.Masakit sa lalamuna ang pagpipigil niyang umiyak pero dahil malapit lang ang ang binata ay pinigilan niya.
Nakatalikod siya.Tumigil na rin siya sa pag-iyak pero ramdam niya ang pananakit ng mata niya.Ilang oras din siyang iyak na iyak.Tumigil lang siya nang bumalik ang binata.Madilim na sa labas at tanging sa maliit na gasera ang nagbibigay ng liwanag sa loob ng kubo.
Pinakiramdaman niya ang kilos ng lalaki.Panay ang lakad nito.Hindi siya kumilos.
"May pagkain akong dala.Hindi ka pa ba nagugutom?"tanong nito.Ramdam niyang malapit lang ito sa kanya.Hindi siya kumibo.
Narinig niyang nagbuntong-hininga ito."Kailangan mapalitan ang dahon sa sugat mo."
Tumihaya ako nang higa.Inis akong tumingin sa kanya na hawak ang dahon na kamantige at isang bugkos ng manggang hilaw.
"Hindi mo kailangan magpakita na nag-aalala ka sa sugat ko,Mr.Montenegro.Kung mamatay man ako dahil sa infection o sa gutom."nagtagpo ang mga mata namin na parehong blangko."Siguro wala ka na dun."at tumalikod ng higa.Inunan ko lang ang kaliwang braso at pinkit ang mga mata.
Lumangingit naman ang sahig na kahou dahil sa paglakad nito.Panay ang hugot nito nang hininga at buga.Hanggang sa maramdaman niyang bumukas ang pintuan na nila at lumabas ito.
Nang masiguradong wala na ito ay dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at humarap sa pintuan.Bukas yun.
Kinagat niya na lang ang labi.Kumawala ang mahina niyang hikbi.Mas masakit pala kapag makita mong nahihirapan ang mahal mo.Mas doble ang sakit.
****
Sensya na po kung maikli at kulang sa feelings.
(UNEDITED)
BINABASA MO ANG
Si Manyak at Si Maarte(Completed)
Ficción GeneralThis is the Second Round story of Zeke,Cyrus and Xeena. Makakaya mo bang saktan ang damdamin ng taong nagmahal sayo para sa sariling kaligayahan mo?Eh ang damdamin ng taong mahal mo? She torn between Love,Family and Friendship. @All Rights Reserved