Kabanata 36

2.4K 33 1
                                    

Xeena' POV

Pagka-check in ko sa hotel na naka-assign sa'kin ay ginawa ko na ang dapat kong gawin.Una ay tinignan ko ang hotel and Restuarant.Ayon na rin sa gusto ni Mrs.Vargas.Gusto nitong dito sa hotel and Restuarant ganapin ang Reception.


Kinausap ang manager ng naturang Hotel.Isang oras din ang pakikipag-usap ko.Sinabi ko na din ang tungkol sa mga gusto ko.Ako na rin ang mago-organize.Mas gusto kong gamay ang lahat para mas mabilis.Pero sa pagkain si Mrs.Vargas na daw ang bahala.



Nang masiguradong okay na ang Hotel ang sunod kong pinuntahan ay ang Venue.Malapit yun sa dagat-hindi-nasa dagat na talaga.


"Gagawa daw ng maliit na stage sa dulo."paliwanag ni Shaun.Nagulat lang ako kanina lumapit at kinausap siya nito.Assistant daw ito ni Mr.Vargas at nandito siya para ipaliwanag ang hindi ko maintindihan.



Nagtaka ako.Paano?Walang siyang makitang bridge na lalakaran ng bride kung sakaling tutungo ito sa groom?




"Gagawa daw ng bridge."Parang nabasa nito ang iniisip ko.Mabuti naman kung ganun.


Dala ang camera,lapis,ballpen at notebook ay sinulat ko ang plano.Kung anong magandang gawin.Yung bridge at stage daw,sila na daw ang bahala,sabi ni Shaun.


Magdadapit hapon ng bumalik siya sa hotel.Madami kasi siyang kinausap na tao.Tinignan niya pa ang mga bulaklak na gagamitin,yung mga table,upuan,carpet.Tumawag pa si Mrs.Vargas na nasa Resto daw ito at gustong makipagkita sa'kin.Nagulat pa ako na makita ang ginang.Bata itong tignan sa edad na 45.Mukha itong strikta pero mabait naman pala.



Pinakita niya sa'kin yung menu,pati yung Cake.10 putahe ang ihahanda sa mga guest.Anim na layer naman yung Cake.Para sa'kin para ang dami na nun pero hindi ko na lang isatinig.Pera naman nila yun kaya hayaan na lang.


"Dear,mamaya ang engagement party ng Anak ko.Sana makapunta ka.I know na pagod ka na pero sana makapunta ka."Hirit pa nang matanda ng nagpaalam na siya.


Paano ako makakatanggi?Mabait naman ito at isa pa ako mago-oraganize nang kasal kaya dapat nandun ako.

Ala-syete pa naman ang engagement party kaya may isang oras pa ako para mag-ayos.
Mabuti na lang may dress siyang dala.


Isaktong isang oras ay tapos na siyang mag-ayos.Nilugay niya lang ang lambas balikat niyang buhok.Light make-up lang ang make-up niya.She wearing ang baby pink cocktail na pinarisan niya nang stilleto na 2 inches ang heels.Matangkad na siya kaya hindi na kailangan ng killer heels.



Hindi na siya nagdaka ng bag.Cellphone at camera lang ang dinala niya.In case na may tumawag.And ready to go na siya!




Dahil magkatabi lang ang hotel na inoukupa niya at ang dadarausan ng Engagement party ay agad siyang nakarating.Madaming tao at lahat ng yun halatang galing sa mayayamang pamilya.


Bitbit ang camera at cellphone ay pumasok ako sa loob.Madaming table,pinili niya yung sa gilid.



"Mabuti nakarating ka,Ms.Alvaro."Sabi nang baritonong boses sa likod ko.Nilingon ko siya at nakita si Shaun!Nakapormal suit ito at maayos ang buhok,na parang ilang oras na sinuklay.



Tumango ako."I need to.Si Mrs.Vargas ang nag-invite sa'kin."


"Ganun ba?"


Lumapit siya sa table ko,may dala siyang dalawang baso na may lamang champagne.Nilapag niya ang isa sa harapan ko sabay sabing."Let's toast for that."Seryoso ang boses nito na umupos sa bakanteng upuan sa harap ko.Kinibit balikat ko yun pero dinampot ang basong may lamang champagne na bigay nito at tinaas sa ere.



Si Manyak at Si Maarte(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon