Xeena' POV
"Cyrus..."
Lumapit siya sa'min.Seryoso ang mukha niya nang tumingin kay Don Nicholas at lumambot iyon ng dumako sa'kin.
"Ako nag-utos na dalhin kayo sa islang yun,Xen.Humingi lang ako sa kanya nang tulong."
Lumambong ang luha sa mata ko.Bakit?Bakit niya ginawa yun?Hindi sa galit ako sa ginawa niya pero nagawa nilang iwan kameng dalawa ni Zeke sa Islang yun?Hindi ba nila alam na ikakasalan na ang binata?Ayaw kong makasira nang relasyon kahit na mahal ko pa si Zeke.
"Matagal ko nang alam na nandito na siya sa Pilipinas.Natakot ako na ipaalam sayo yun.Natakot akong baka malaman mo na nandito na siya ay iwan mo ako,kame nang Anak ko.Alam kong wala kang obligasyon sa Anak ko pero sumugal ako,Xen.Yun ang dahilan kung bakit tinago ko..."Malambot ang expresyon nito.Lumapit siya sa'kin kaya umatras pa ako lalo.Nakamasid naman si Don Nicholas na samin."I'm sorry,Xen.Nagawa ko yun dahil gusto kong bumawi sa'yo,sa inyo."
Lumapit siya ulit sa'kin.Gusto niyang hawakan ako pero pinipiksi ko ang Kamay niya.Naguguluhan ako.Naguguluhan ako sa mga sinabi niya.
"L-lubag sa loob ko ang ginagawa ko sa Anak mo,Cy.."Garalgal ang boses na sabi ko.
"Alam ko,Xen..and thank you for that."Inabot niya ang kamay ko.Iniwasan ko naman."Ako ang dahilan kaya pinaalis ni Mommy si Zeke para mag-aral sa ibang bansa.It's unfair..pero nagawa pa rin dahil sa pagmamahal niya bilang Ina sa'kin."
"Sinabi na sa'kin ni Zeke yan."
"Mas pinaboran ni Cyril ang bunso niya."sabat ni Don Nicholas."Yun lang ang pagkakamali niya.Hindi niya inisip na masasaktan ang isa basta mapagbigyan niya ang isa."at tumingin kay Cyrus.
Yumuko naman ang binata sa sinabi ng Don.Nakikita niyang mas matimbang ang pagmamahal ni Tita Cyril kay Cyrus kaysa Kay Zeke,kahit noong mga bata pa kame.
"Ganyan si Mommy..."tumingin ako si Cyrus.Hindi na ako umiwas ng hawakan niya ang kamay ko."Gagawin niya ang lahat para sa'kin.Kahit masaktan pa ang kapatid ko."
"Anak niya din si Zeke..."mahina kong sabi.Naaawa ako kay Zeke.
"Yes.Anak niya rin.Pero kilala mo si Mommy.Ayaw niya nang dis-appointment.Gusto niyang Perpekto lahat."Pinilsil niya ang kamay ko."Naaawa ko sa kapatid ko.Parang ang unfair ko sa kanya.Nasa akin ang lahat ng atensyon ni Mommy mula noon.Pinagtrabuhan ko yun.I gained her attention pero nakakasawa din pala.Kaya sinira ko ang buhay ko.Nagbarkada,natutong magsigarilyo,uminom at ang malala ay gumamit ako ng bawal na droga."
Hinaplos niya ang pisngi ko.Tumikhim naman ang don na nakikinig.
"Ito lang pambawi ko sa kaptid ko.Gusto ko siyang maging masaya at ikaw lang ang makakapagbigay nun."
Umiling ako."Ikakasal na siya,Cy.Ayaw ko ako na naman ang dahilan."
Natahimik siya maging ang Don.Kumunot ang noo nito at hindi mapakali ang mga mata."So,pumalpak pala ang plano namin.Hindi kayo nagkabalikan."
Umiling ako.Hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.I feel comfortable kapag si Cyrus ang kasama ko pero mas masaya kung si Zeke ang kasama ko.Nakakalungkot lang isipin na hindi na kame pwede,hindi na pwede.Kahit gustuhin ko man ay may nagmamay-ari na sa kanya.Malapit na siya mapatali at hindi sa'kin.
"Akala namin kapag iwan namin kayong dalawa sa islang yun ay magkakaayos kayo.Like the old times...lagi kayong nagbabangayan pero saan ba nagsimula lahat?Sa pagbabangyan niyo.Matagal ko nang alam na gusto ka ng kapatid ko mula nang dumating ka dito sa pilipinas."
BINABASA MO ANG
Si Manyak at Si Maarte(Completed)
Aktuelle LiteraturThis is the Second Round story of Zeke,Cyrus and Xeena. Makakaya mo bang saktan ang damdamin ng taong nagmahal sayo para sa sariling kaligayahan mo?Eh ang damdamin ng taong mahal mo? She torn between Love,Family and Friendship. @All Rights Reserved