Nage-exam na pero pumapasok pa rin sa isip ko ang mga salita ni Carl kahapon. Lahat cheesy!
Syempre ayoko naman mag-assume pero di maiiwasan kaya umaasa pa din akong may gusto nga sya sakin.
Hello? Ilang taon na rin akong nasa sitwasyon na one-sided-love.
After nng first 2 subjects,break time na rin kaya naman nagpunta agad akong canteen. Umupo ako sa favorite spot ko pagkatapos kong bumili ng fries.
Gusto ko sanang tawagan si Kuya at tanungin sya sa mga pinagsasasabi ni Carl. Kung may saysay ba yun o ano.
Kaso may biglang tumabi sakin. "Eh-ehey! Zia!" Bati ni Chriz habang naghihintay para sa apir ko.
"Yow!" Aapir na sana ako kaso bigla kong inalis at nginitian ko na lamang sya.
"Paasa!"
"Wow naman. Paasa agad?"
"Oo. Tapos di ka pa nagrereply sa texts ko!" Pagtatampo nya. Daming alam e."Diba nga,sabi ko sayo,kasama ko ang Kuya ko kahapon."
"Okayyyy!"
"Tara na,akyat na tayo sa taas." Aya ko kay Chris. "Tuturuan mo pa ko sa Math diba,Tutor Chris?""Ayan kase! Patulog-tulog sa klase!" He said while pushing me away from him by poking my forehead.
"Aish!" I said as I eat a piece of fries. "Sige na please?" With puppy eyes,pouted lips,and closed hands infront of my chest. Paawa effect dapat. Math yan e.
"Yak!" He looked away. "Itigil mo yang pagpapa-cute na yan ah"
"Ayoko nga" and then I continued.
"Oo na. Nakakairita eh"
"Yehey!" So we went upstairs and he started discussing about our topics in Math. Oh diba? Gwapo na,matalino pa.Periodical exam na ngayon kaya kailangan ko nang galingan. Malay mo,mapasama pa ko sa over-all na top 10 this 1st quarter.
Tumigil lang magturo si Chris nang dumating na yung proctor namin. Scaryy. Mukhang masungit. Yung tipo ng teacher na pagagalitan ka pag manghihiram ka lang ng correction tape sa katabi mo. Yung ganon.
Kaya naman umayos na kami ni Chris at nanahimik. Di nagtagal,nagsimula na rin ang exam.
Nakakahilo makita yung mga numbers. Ang sakit sa heart to the bones.
Kala mo naman,pag bumili ka ng itlog sa tindahan,maa-apply mo to. Nako. Mapapatay ko talaga nag-imbento nito. Or... patay na nga kasi? Peace po.
"10 minutes" our proctor announced.
Buti na lang tapos na ko. Di ko kailangang magmadali. Thanks,Chris.
Nag-review naman ako. Kaso nakakalito pa rin kasi talaga.
"Okay. Pass your test papers" he said as soon as the bell rang. Sa wakas,nakaraos na sa first day ng exam.
"Chris.." I called for him while i'm getting my book from the locker and also while he is.
"Hmm?" Sagot nya.
"Pede ka ba mamaya?" I asked. Well it's not a date or hangout. Papaturo lang ako.
"Sure. Sabay na tayo papunta sainyo. Okay lang?"
"Of course. Paturo ako ha!"
"Psh. Oo na"So we walked toward the gate. Bago pa ko makalabas ng gate at hintayin ang sundo ko,may humawak sa balikat ko.
Napalingon kami ni Chris. Hingal na hingal sya. Mukhang hinabol pa yata ako nito.
Without saying anything,he hugged me. "Ano ba Carl? Parang miss na miss ako e. Kahapon ka pa ha."
"Sorry." Sabi nya habang nagkakamot ng batok. "Free ka ba mamaya?"
"Hindi e. Sorry. I have to study"
"Ah ganun? Okay" sabi nya at tumakbo na sya papuntang gate. Nilingon nya pa ako ulit at nginitian. Strange nito."You're blushing,Zia!" He looked down at me while pointing to my cheeks. Matangkad din kasi tong lalaking to.
"Che!" Pagtataray ko. "Bilisan mo! Iiwan kita e" I saif while running from him.
"Huwaw naman. Ikaw na nga ang tuturuan e. Bahala ka. Sige,iwan mo ko" nilingon ko sya. Aba naka-cross arms pa si Koya. Binalikan ko nga.
"Uy joke lang. Halika na." Paghila ko sakanya papuntang sasakyan.Pangiti-ngiti pa e.
Chris' POV
Pag kasama ako ni Zia,lagi na lang sisingit si Carl. Katulad kanina,syempre bilang lalaki,gets ko naman kung bakit ganun umasta si Carl kay Zia.
CARL LIKES ZIA.
Yun lang yun. Wala nang iba.
Kailangan ba talagang masaktan ng ganto,ha? Tsk. Wow naman.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Teen FictionWhen a girl's heart started to beat for one guy only until the end,is it forever? What if your first crush,first love,and first heartbreak is from the same guy? How will Zia Alexis overcome everything that describes every relationship? Will it go...