Carl's POV
Tinawagan ko si Faye,ang bestfriend ng girlfriend ko sa dati nyang school. Maya-maya pa ay sinagot nya na ito. "Hello,Faye!" Bati ko sakanya."Carl? Uy hello! Bat napa-tawag ka?"
"Balita ko kasi magkikita-kita daw kayo nina Zia mamaya,ah?"
"Ay,oo nga. Bakit?"
"San kayo makikita?"
"Yung coffee shop sakanila. Sabi ko sakanya isama ka,ah?"
"Ang sabi ko kasi busy ako. Meet tayo dun sa shop na yun,ngayon. May sasabihin ako."
"Ano ba yan?"
"Basta! 1pm pa naman yun,no? May 45 minutes pa tayo. Maaga dumadating si Zia sa mga ganyang bagay eh."
"O sige,papunta na ko. See you!"Binabaan ko na sya. Nag-commute na ko papunta sa coffee shop na sinasabi ni Faye. Actually,ka-kuntsaba ko tong si Faye sa plano ko. Ang plano ko? Hindi sisipot si Faye sa hangout nila at papanoorin naming umalis si Zia sa coffee shop. Paniguradong sa mall pupunta yung babaeng yun. Nako,kilalang kilala ko na yan eh. Kaya susundan namin sya. Hanggang sa magpapakita kaming dalawa ni Faye sakanya pero di namin sya mapapansin,kunyare. Pagseselosin ko ang selosa kong girlfriend. Sorry,babe.
Naghintay ako ng 5mins sa meet up namin ni Faye. So bale,30 minutes na lang ang natira. Umupo muna kami ni Faye saglit at sinabi ko sakanya ang plano ko. Lumabas na rin kami ng shop at nagtago dahil alam kong paparating na si Zia. Nag-order sya at umupo sa table na katabi ng window glass kaya naman kitang-kita namin ang lahat ng kilos nya. Inip na inip na sya dahil 10 minutes na rin ang nakalipas nang maubos nya ang choco latte nya. Tumitingin-tingin din sya sa paligid nya na para bang nagbabasakaling darating pa yung bestfriends nya. Kawawa eh.
"Teka,Carl ipapa-text ko kay Bianca na hindi na kami tuloy." Biglang nagsalita si Faye. Um-oo na lang ako. "Tinext ko kay Bianca na wag sabihin ang dahilan kay Zia. Na ang sabihin nya lang ay may nangyari."
"Oo na. Wag ka na madaldal." Sabi ko. Nakita kong tinignan na ni Zia ang phone nya at ang ibig sabihin nun ay nalaman nya nang hindi na tuloy ang kanilang gala. Tumayo sya at sumignal ako kay Faye na pumasok na kami sa sasakyan ng family nila. "Kuya,pasundan po yung sasakyang yun." Direkta ko sa driver nila.
Aba tong si Zia,nagpa-drive pa pala. Ang lapit-lapit nya lang sa coffee shop na yun eh. Dami talagang arte ng baby ko. Pero kahit ganun yun,mahal ko yun. Ang sarap lang kasi nyang pag-tripan.
Nasa mall na kami at sinundan lang namin si Zia habang magkasama kaming naglalakad ni Faye. Dumidistansya ako sa babaeng to kasi alam kong may tinatago syang landi.
Pa-exit na ng mall si Zia at saktong-sakto na 3rd to the last shop ang Gift Shop ng pamilya namin. "Tara,Faye. Samahan mo kong bumili ng regalo para kay Zia. Sa 21 na kasi 5th Monthsary namin eh."
"Ay taray! Oh sige." Sabi nya,kaya naman kumaripas kami ng takbo papunta sa Gift Shop para maunahan si Zia.
Binati ko muna ang Ate ko na cashier at tsaka kami naghanap ng bear na magugustuhan niya. Nakita ko si Zia sa di kalayuan na nakatingin sa Gift Shop at saamin ni Faye. Nginingiti-ngitian ko si Faye habang tinatanong sya kung okay na ba yung teddy bear na napili ko. Nung sinabi nyang okay naman na daw,dumiretso kami sa counter. Ibinalik ko ang tingin ko sa labas ng shop ngunit wala na dun si Zia. Nako,nagtampo na sya oh.
Sarap pag-tripan eh. Sorry na. Nagpaalam na rin naman ako pagkatapos nun at umuwi na. Si Faye naman,titingin-tingin daw muna sa mall kaya pinabayaan ko na.
Pinlano ko rin talagang galitin yun at hindi i-chat. Kinabukasan,nag-message ako sakanya at nag-explain. Totoo naman ang sinabi ko eh. Pero nagalit sya at nag-act na lang din ako na galit ako sakanya. Alam ko namang meron sya eh. Napansin ko yun. Noon pang nandun ako sa kanila. Pinabayaan ko na lang sya. Ngunit isang araw pa bago ang Monthsary namin,hindi kami nakapag-usap ng buong araw.
Hala,galit talaga sya. Pano na yan?
Ipinagpatuloy ko ang plano ko kahit na ganun na ang nararamdaman nya. Sorry talaga,Zia.
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Teen FictionWhen a girl's heart started to beat for one guy only until the end,is it forever? What if your first crush,first love,and first heartbreak is from the same guy? How will Zia Alexis overcome everything that describes every relationship? Will it go...