Chapter 15:Forgotten Boy

20 0 0
                                        

"Goodmorning my princess!" Bati ni Carl pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng gate ng bahay.

"Goodmorning prince." Nagkaroon kasi kami ng kasunduan na Prince at Princess ang tawagan namin.

"Oh,bat parang sad ka yata ngayon?" Hinawakan nya ang mukha ko at itinaas ang ulo ko.

"Wala to." Sa katunayan,meron kasi ako ngayon. First day. So syempre pag meron ka,moody ka tapos ayun.

"Sigurado ka ha?" Pagaalala nya.
"Yes po."
"Sige na,pasok ka na." At binuksan nya ang pinto sa harap para sa akin.

Usual routine,binitbit nya ang bag ko at inihatid nya ko hanggang classroom.

"Your bag. Goodluck for the exam. Last day na to kaya galingan mo ha?" The he gave me my bag while patting my shoulder. "Fighting!" He said as he put his fists up.

"Ikaw rin,Carl. Thank you." At lumayo na sya. I'm about to open the door kaso lumingon ulit sya.

"Zia,10:30 ha!" Then he ran away. Oo nga pala.

Sinalubong ako ng isa sa mga kaklase ko as soon as nakaupo ako sa upuan ko. Seatmate ko sya sa left side.
"Heyyy! Zia!"
"Hello,Courtney! Why?"
"Can I come over to you house later? Diba meron tayong by three na project?"
"Oo nga pala. Sige. Sure. Sabihan ko na lang din si Chris."
"Okay,Good."
"Papasundo na lang ako sa driver namin. Sabay-sabay na tayo"
"Sure. Naisip ko kasing best time na to para magawa natin since last day of exams naman na."
"Kaya nga eh. Goodluck sa exam!" At ganun rin ang sinabi nya saakin.

Bago pa magsimula ang exam,sinabihan ko na si Chris para sa gagawin namin mamaya. And he replied,"Sige ba. Basta kasama ka." Then he smiled.

Natapos na yung first 2 exams at break time na. Madalas nang kasabay ni Chris yung tropa nya,including Carl. Kaya naman ayun,naiiwan ako mag-isa.

I bought an ice cream. Di ko alam,gustong-gusto ko lang talaga ang ice creams. This time,Vanilla ice cream na ang pinili ko.

Nagulat ako nang bigla na lang may nagtakip ng mga mata ko mula sa likod ko. I assumed that this is Carl since he's the only one that I know who does these kinds of things to me.

"Uy tanggalin mo yan,Carl. Kumakain ako ng ice cream eh." At tinanggal nya nga. I looked up kung sino ang taong nasa likod ko. Laking gulat ko nang makita ko si Chris. "C-Chris.. bat ka nandito?"

"Bakit,bawala ko na bang samahan ang best friend ko?"
"Di naman. Eh akala ko kasi dun ka sasama sa tropa mo eh."
"Ayoko na. Naawa na ko sayo eh."
"Wow naman."
"Next time isasama kita sa tropa ko para naman kilala ka nila."
"At bakit naman nila ako kailangang makilala,ha?"
"Trip lang,bakit ba?"
"K."

At dumiretso na kami sa taas para sa last exam. I texted our driver to pick me up. Yes,Sabado nga pala ngayon. Sure akong nandun si Kuya sa bahay mamaya.

Statistics ang last exam namin this time kaya naman naloloka na ko. In the middle of answering my test paper,ayaw gumana ng calculator ko. I tried shaking it at pinalo-palo ko na rin pero wala pa din. Nagpa-panic na ko. 75% ng exam namin ay sa calculator naka-depend.

Napansin yun ni Chris at binigay nya sakin yung calculator nya. I mouthed,"Di pede."

"No. Take it. Tapos na ko."
"Sure ka ha?" I whispered and he nodded. Buti na lang may savior ako...

As soon as the bell rang,nagpasa ang lahat ng papel at sumigaw. Sign na masaya silang tapos na ang hell days.

"Come on." Akbay sakin ni Chris pagkatapos kong ayusin ang gamit ko.

"Okay. Tawagin ko lang si Courtney." And he nodded. So me,Chris and Courtney started walking to the gate. I'm sure naghihintay na dun ang driver namin sa labas.

Wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa bahay. Tinignan ko nga kunh nandun si Kuya. Pero wala. I guess he's busy playing with his friends.

"Oh,meron ba kayong dalang gamit?" I asked them. Baka kasi mamaya gagawa kami ng project tapos wala pala.

"Yes. I brought materials."
"Okay good. Ikaw,Chris?" I asked him.
"Ah eh. Wala eh. Hehe" at binatukan ko sya. "Meron ka naman dyan diba,Zia?" Tumawa pa sya ng nakakaloko.

Sinimulan na nila ang project habang ako ay nasa harap ng computer ko,looking for ideas. Not until my phone rang. So I excused myself from them and went to the dining room. Sa living room kasi kami gumawa. I answered it without looking at the caller's name.

"Hello? Zia nasan ka na? 1 oras na kong naghihintay sayo dito!" I heard from the other line.

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon