Zia's POV
Monthsary na monthsary namin,wala syang paramdam! Ewan ko ba sakanya."Uy bes,di sya nagpaparamdam." I said to Courtney as she sat down beside me on the couch while watching 'Para sa Hopeless Romantic' and eating chips.
"Ay,baliw ka teh? Ikaw kaya ang nagpaka-cold dyan. Tas ngayon hahanap-hanapin mo? Nako ewan ko ba sainyong dalawa! Ang gulo nyo!" She said,standing up. And she walked very fast to the dining room.
Tama nga naman siya. Pero di pa rin tama yun! Dapat magparamdam pa rin sya.
Bumalik si Courtney sa tabi ko at sinabing, "Alam mo beh,baka nambababae na yang boyfriend mo. Landi rin eh,no? 15 years old pa lang naman! Andami nang alam."
"Uy wag ka ngang ganyan. Di porke't nakita kong magkasama sila ni Faye eh nambababae na sya."
"Hindi eh,feeling ko talaga eh. Kasi kahapon,nung sinabi mong buong araw ka nyang di kinausap,nakita ko syang may kayakapan sa tapat ng bahay nung babae. Kapitbahay ko pa talaga si ate girl!"
"Oh? Talaga?" I said. Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi nya. Naiinis ako,nasasaktan,nalulungkot at iba pang halo-halong feelings.
"Pero bago ang lahat,ibili mo kong coke sa labas. Dali! Kulang meryenda ko oh." She ordered me.
"Aba kapal naman ng mukha mo. Bahay ko to,no! Wag ka ngang ano dyan."
"Ay? Dami pang satsat? Bumili ka na lang! Sige ka,di na ko pupunta dito ulit. Bisita mo ko,fyi."
"Nubayan kasi eh! Anlayo-layo pa ng tindahan dito eh." Pagdadabog kong sabi habang naglalakad papunta sa gate.
Naglakad na ako at nagsimulang maghanap ng tindahan. Kaazar tong si Courtney. Sa pagkakaalam ko kasi,ang pinakamalapit na tindahan dito,10minutes away pa. Balikan pa! Huhu. Tanghaling-tapat eh. Init-init.
Walang arte-arte,at nakabalik rin naman ako sa bahay ng may bitbit na 1.5 liter ng coke. Ito sabi nya eh. Para party size daw. Kala mo naman magpa-party.
Pagpasok kong bahay,nakita ko dun si Carl at Faye na magkasama. Nasa likod naman si Courtney at Bianca. Si Kuya naman naghahain sa dining room.
"Ano to? Pagkatapos mong di makipag-ayos sakin,ihaharap mo sakin yang babae mo? Babae mong bestfriend ko pa?" Niratrat ko talaga sya ng sandamakmak na tanong. Bahala sya.
In-explain nya sakin ang "plano" nya para sa Monthsary na to. Inabot nya sakin ang life-sized teddy bear na nakita kong hawak-hawak nya noong nasa mall ako.
"Happy Monthsary,babe. Sorry na rin. I love you,as always." And then he hugged me.
"Happy Monthsary din! Sorry kung pinaghinalaan ko pa kayo ni Faye,ha? I love you more! Kunin mo yung long message ko sayo sa kwarto ko mamaya ah?" I said and he nodded.
Bigla na lang sumulpot si Kuya mula sa likod ni Carl habang nagi-ingat ma hawak ang cake na pinaka-favorite ko. Unti-unti syang lumapit sakin habang kumakanta ng "Happy Birthday to you,Happy Birthday to you." At sinabayan pa siya nina Faye,Bianca,Courtney at Carl. Itinuloy nila ang kanta hanggang sa hinipan ko na ang kandila. "Kakaisip mo dyan sa boyfriend mo,kinalimutan mo nang birthday mo ngayon! Ay nako,Zia."
"Oh,tandaan mo na ha. April 21 ang birthday mo,okay?" Panga-asar ni Carl. Nginitian ko lang sya. "Tara na,kain! Ngayon,alam mo na kung bakit ka pinabili ni Courtney ng Coke,ha?"
"Ay,bastos! Kaya pala." I said,slapping Courtney's arms while she's smiling at me. Tuwang-tuwa sa kalokohan eh.
"Tinawagan ko si Chris na pumunta dito ah." She said as we sat down. Nagdaldalan kami kahit na ang iba sakanila ay hindi close dahil hindi naman originally magkakilala.
Maya-maya pa ay dumating na si Chris at nilapitan sya ni Courtney. Niyakap naman ni Courtney si Chris bilang pagbati. "Ay nako ha,kayong dalawa. May di kayo sinasabi samin." I teased them while pointing at them.
"Oo nga! Ganyan eh. Traydor." pag-singit ni Carl sa usapan.
Lumapit silang dalawa sa table habang nakaakbay si Chris kay Courtney. Napansin yun ni Courtney kaya pasimple nyang tinanggal at umupo na silang dalawa.
Nagpatuloy ang kainan at usapan namin. Syempre masaya at nawala na rin ang galit ko kay Carl. Siguro dapat na kong masanay sa mga trip nyang ganun kasi pangalawang beses nya na yan eh. Baka sa anniversary namin,mas malala pa. Kahit OP si Faye at Bianca ay naging masaya naman ang celebration na yun kahit papaano. Oh diba,double celebration!
BINABASA MO ANG
Complicated Love
Teen FictionWhen a girl's heart started to beat for one guy only until the end,is it forever? What if your first crush,first love,and first heartbreak is from the same guy? How will Zia Alexis overcome everything that describes every relationship? Will it go...