Nasa tambayan na kami kasama si Mico at ang "girlfriend" daw niya.
Nababadtrip na nga tong gwapong katabi ko sa kakahintay.
Call time namin ay 8:00 AM at 9:30 na wala pa yung dalawa."Denise, this is Selena." Pagpapakilala sakin ni Mico sa girlfriend daw niya.
Nagngitian lang kami.
Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na sila.
"For pete's sake finally you're here. What took you so long, huh?" Pikon na sinabi ni CJ.
"Dude, your best friend forgot her things kaya binalikan namin." Pagexplain ni Kyle.
"Oo na. Kasalanan ko na. Sorry!" Sabi ni Coleen.
"Hmm tara na't baka kung saan pa mauwi yan." Pagsingit ko.
Parang Manila to Tagaytay lang ang layo ng pinuntahan naming resort.
Nang nakarating kami, agad na nagbook si Kyle at CJ. Habang naiwan kami ni Coleen kay Mico at sa jowa niya na kulang nalang eh maglapaan sila."Bakit tatlong kwarto?" Tanong ko kay Coleen.
"Alangan naming tigiisa tayo." Pilosopo niyang sagot.
"I mean bakit hindi nalang iisa?" Tanong ko ulit.
"Para daw kahit papaano, may privacy and bawat couple." Aniya.
Sigurado akong si CJ na naman ang nakaisip nito.
"Hindi naman kami couple." I muttered.
"Wushooo! Tigilan mo nga 'ko sis. Wag ako." Aniya.
I don't want to bicker with her at kung sa'n pa mauwi ang usapan namin. Natapos din ang ilang minuto naming paghihintay sa magpinsan.
"Let's go." Hudyat ni CJ. Binuhat niya ang mga bagahe namin samantalang backpack lang ang bitbit ko.
Tinungo namin ang transient house na tutuluyan namin. Akala ko, literal na separate rooms ang kinuha nila pero tatlong kwarto nga sa iisa palang bahay.
Ang interior design nito ay napakaganda. Wood and rocks ang pangunahing material na ginamit dito syempre concrete cement sa mga smooth surfaces at nakatulong din ang indoor plants na dinisplay nila to enhance the atmosphere so we could feel we're literally living in nature.
Nasa taas lahat ng kwarto. Pinili namin ang pinakadulong kwarto. Sabi nila, mas overlooking daw ang view sa kwarto na 'to compare sa dalawang kwarto. Totoo naman, kitang kita ang beach at campsite.
Nang naayos na namin ang mga gamit namin, nagkaroon kami ng pagpupulong sa may sala.
"For the safety of everyone, magusap tayo ng malinaw. Walang lalabas ng hindi alam ng bawat isa. Kung may lalabas na babae dapat may sasamang lalaki. Walang maiiwan mag-isa. Kung may mapapansin kayong kahina-hinala, sabihin sa grupo. Malinaw?" CJ hissed.
Sumang-ayon naman kaming lahat.
"Mico, have you talked to Irina?" Tanong ni Kyle.
"Yup, sabi niya nandito siya sa Pilipinas for vacation. She'll be here tomorrow." Sagot niya.
Dahil hapon pa naman, pinili naming mamasyal sa dagat. I wore a white silk romper and tied my curly hair up. Hindi na kailangang magsuot ng hat dahil hindi na gaano kasakit ang sikat ng araw kaya sunglass nalang.
Hinihintay kong makabihis si CJ nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko napansin na mas malakas ang signal dito kaysa sa Masigla.
Tumatawag si Mama.
"Hello, Ma. Napatawag ka?" Tanong ko.
"Oo, sasabihin ko lang anak na aayusin nalang ni Samantha ang mga documents niya. Nakabili na siya ng ticket." Aniya.
I froze.
"Sige, Ma. Just let me know her flight." I answered.
Lumabas si CJ mula sa banyo at napatitig ako sa kanya. Mukhang nalalabi nalang ang mga oras na makakasama kita.
Patawarin mo 'ko sa hindi ko pagsasabi ng totoo.
"Alright. You take a good care of yourself anak." Paalala ni Mama.
"A'right, Mom."
As soon as I dropped the call, lumapit siya.
"You look stunning." Puri niya. He held my arms and came near that I could feel his breath through my skin.
"Pwede bang dito nalang tayo?" Tanong niya."Sayang naman kung hindi tayo mamamasyal." Sagot ko.
He gave up easily.
"Sige." As he smiled.Lumabas kami nang kwarto at naabutan namin ang grupo na naghihintay samin.
"Pwede na ba tayong umalis? Napakatagal." Reklamo ni Coleen.
"Shh. Kararating mo lang din naman, Krengkreng." Tugon naman ni Mico.
Nagpasya kaming maghiwa-hiwalay.
Kami ni CJ ay pupunta sa tabing dagat. Si Coleen at Kyle ay sa pinakamalapit na falls. Si Denise at Mico ay tinungo ang campsite kung saan tanaw mo ang kabuohan ng resort.Natuwa ako sa pagyakap ng tubig at buhangin sa mga paa ko.
Habang naglalakad kami, I felt his hand held mine. The moment I first saw him at Manila flushed through my mind. Kung paanong niyakap ko siya. Inaalala ko yung pakiramdam ng yakap na yun.
"Bakit?" Tanong niya. Umiling ako.
Would I be able to leave you?
May lakas kaya akong ipaubaya ka sa iba?Sa paglalakad namin, isang pamilyar na tao ang unti-unti naming nilalapitan.
"Raine?" He bid.
"Gio."
_______________________________________

BINABASA MO ANG
ASTROPHILE (On Going)
Narrativa generaleCELESTIAL TRILOGY (Book 1) Universe is listening as they say. Find out how certain Celestial bodies changed their lives. _______________________________________ She's been always aware of something she doesn't know though every person lives with que...