Chapter 2

1.3K 57 23
                                        

2 days akong hindi nakapasok dahil sa naging pamamaga ng paa ko. yes, masyadong sensitive ang leche kong paa! actually kaya ko namang pumasok kaso hindi ako pinayagan nila mommy. ang adik lang diba? 2nd and third day of the school year absent agad ako? how nice!

kaya nga pagdating ko sa school, si kath agad ang hinanap ko. bakit? kasi sasabunutan ko pa sya, kung hindi nya ako paulit ulit na kinaladkad siguro hindi mamamaga yung paa ko ng husto.

"oh! hi crys! kamusta ka?" bungad nila sa akin pagdating ko sa tambayan namin sa bilog na table kung saan kami lagi magkakaharap.

"where's kath?" i asked them instead of answering.

"si kath? ayun oh!" sagot ni cecil saka nagturo na pinasundan ko naman ng tingin. nakita ko naman si kath nakangiti pa habang nakikipag usap kay matthew. ugh! you're dead kath!

Mabilis akong lumapit kila kath, hindi ko na nga napansin ung mga studyanteng bumabati sa akin. gustong gusto ko na kasi talagang masabunutan tong babaeng to.

"Katherine Yumi Aragon!" I called her. Natigilan naman sya saka napatingin sa akin, nagulat pa sya ng makita ako e. "come here my dear bestfriend." nagcross arms ako saka ko sya tinitigan ng masama. lumapit naman silang dalawa ni matthew sa akin.

"hi! Crys? am I right? you're Crys right? I'm Matthew Monroe by the way" these guy extended his hands to me.

i gladly accepted it saying 'hello' to him.

"so, i just received a text message from a friend. I think I gotta go? see you around kath! Crys!" kumaway pa sya sa aming dalawa bago umalis.

Ibinalik ko naman ung matatalim kong tingin kay kath after matthew stormed away from us.

"a-ano... crys! sa tingin ko kailangan ko narin umalis? sige ah! kita nalang tayo mamaya--" akmang tatalikod na sya pero pinigilan ko sya.

"where are you going?" i glared at her.

"leaving? hindi ba obvious?" pambabara nya sa akin. ugh! nakakafrustrate talaga tong babaeng to!

"wag mo nga akong binabara, malaki ang kasalanan mo sa akin remember? kasalanan mo kung bakit ako nag absent ng 2 days!"

"sorry na nga e, di ko naman sinasadya." she chuckled. "magpasalamat ka pa nga dapat sa akin e!"

"anong magpasalamat ang pinagsasabi mo dyan? ako na nga ung nasaktan ako pa ung magpapasalamat?"

"oo" sagot nya. what the!

"what?!" i glared at her.

"diba binuhat ka ni dustine at dinala sa clinic?" ngumisi sya. alam nya?

"a-anong bang sinasabi mo dyan?" damn! I'm stuttering!

"You're stuttering. ibig sabihin totoo diba? tsaka wag kanang magkaila"

"p-papano mo nalaman?"

"basta."

"anong basta? ikaw, may kasalanan ka parin sa akin!"

"sorry na nga sabi ko e" she pouted.

"appology unaccepted! dahil sa pang iiwan mo sakin binuhat ak--nevermind! halika!" hindi ko na naituloy ung sinasabi ko. buti nalang narealized ko kung ano ba ung pinupunto ko and gosh! nakakabwisit lang na maalala kung paano ako bunuhat ng mayabang na lalaking yun!

"pwedeng magdahan dahan girl? ikaw ngayon ang nangangaladkad e, gantihan?" sabi nanaman ni kath.

nilingon ko sya.

"ugh! mababaliw na yata ako kath!" nasabi ko nalang.

"huh? bakit nanaman?"

"ewan!" tinitigan ko sya. "ikaw, umamin ka nga sa akin, anong nangyari sayo nung iniwan mo ako? bakit ka umalis? bakit mo ako iniwan dun ha?"

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon