Chapter 16

957 45 24
                                    


Crystal's POV

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko. 1 week na ang lumipas mula ng mangyari ung sa rooftop pero bakit hanggang ngayon iniisip ko parin?

"ugh! Narinig mo naman ung sinabi nya diba crys? Don't fall inlove with him! Kalimutan mo na ung nararamdaman mo sa kanya!" Kinuha ko ung unan sa side ko at isinubsob ko dun ung mukha ko.

Kaso habang nakapikit ako. Hindi ko maiwasang maalala at marinig ang boses nya while saying those things to me.

"Please brat.. I'm telling you now, after this. Please don't fall inlove with me. Cause I don't have any plans of catching you. Masasaktan ka lang pag minahal mo ako."

Ang sakit isipin na ung pag asa ko. Bigla bigla nalang nawala na parang bula, simpleng mga salita lang na binitawan nya, gumuho na ung natitira kong pag asa. Ang hirap naman kasi talaga umasa lalo na't wala ka namang assurance.

"I can do this!" Tinanggal ko ung unan sa muka ko pero ibinalik ko rin. "Oh! fvck I can't!" Maktol ko.

Kaya ko nga ba? Kaya ko nga bang iwasan sya? Kainis naman oh! Bakit ba kasi lagi nalang may complicated na kasunod ang love eh -_-

"Oh?" walang gana kong sagot pagdampot ko sa cellphone ko. Umagang umaga may nang iistorbo nanaman tch!

"wala ka talagang balak pumasok? Anong oras na oh! On the way na ako sa school."

"Tinatamad ako" sagot ko.

"bastos na babae! Papasok ka o dadaan ako dyan para kaladkarin ka?"

"nakahiga pa ako. Hindi pa ako naliligo"

"wag kanang maligo."

"tse! Kadiri ka talaga bruha ka!"

"sinabi ko bang seryosohin mo huh? Slow ka rin madalas e, bangon na babae! May kalahating oras ka pa bago magsimula ang first class natin! Maaga lang ako ngayon."

"Oo na, oo na! Inis!" Ibinaba ko agad ung phone ko at dali daling pumason sa banyo. Hindi ko nga alam kung anong klaseng ligo ang ginawa ko sa bilis kong natapos e.

Habang pineprepare ko naman ung sandwich ko since ayoko ng kumain. Inutusan ko ung driver kong ilabas ung cruze ko. Yeah! Magddrive ako ^_^

Sumakay na agad ako sa kotse ko at pinaharurot ito. Habang nagddrive ako ay kumakain din ako para naman hindi ako magutom sa klase. Pagkapark ko naman ay dali dali ko ng kinuha ung mga gamit ko saka ako tumakbo papunta sa klase ko. Good thing saktong pagpasok ko saka lang dumating si teacher bea. Wooosh!

"Nice!" Kath winked at me.

Ngumisi nalang ako saka ako umupo sa upuan ko. Ung ilang na nararamdaman ko biglang napalitan ng inis kasi wala pa si jerk. Sila matthew at drake nandito na pero bakit wala pa sya?

"drake.. Where is he?" I asked him.

Nagkibit balikat lang naman sya.

Nanlulumo ako paglabas ko sa classroom. He's absent! Nasaan ba sya? Hanggang sa matapos ang huling klase ko hindi ko sya nakita.

I told myself na tama na rin siguro to, ung hindi ko sya makikita para mas mapadali ung paglimot ko sa kanya. Pero bakit sa tuwing hindi ko sya makikita, mas lalo akong nasasabik sa kanya? Ung maamo nyang mukha. Gustong gusto kong pagmasdan kahit madalas ay nakakunot ang noo nya at nagsusungit.

hayys.. Nakakaiyak! Wooo!

"Missing him?" Nakarinig ako ng hagikgik kaya napalingon ako. Si drake lang pala, umupo aya sa tabi ko. Nakaupo kasi ako sa bleachers, may practice kasi sila matthew ng football game at niyaya nya kaming manood ni kath pero umalis muna si kath sandali kasi may tumatawag sa kanya.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon