Chapter 36

765 44 36
                                    

Hi @nadzkie29! Here's your dedication. Sorry hindi ko makita ung dedication dito eh, kaya mention nalang kita. Thank you sweetheart! Love you! Charrrrr! 😍😘
__________

Crystal's POV

Nakatulala ako ngayon sa mukha ni jerk. He looks very frustrated and uh? Handsome I guess.

Matapos nya akong kaladkarin mula sa garden at dalhin dito sa likod ng school building ay hindi ko na alam kung anong balak nya pang gawin. I don't want to talk to him. I wanted to run away but hell, I just can't. Hindi ako pinagbibigyan ng mga paa kong gumalaw.

Just the thought of him standing infront of me is giving me the feeling of pain. Paano pa kaya pag totoo na diba? Eto, nakakamatay.

"A-ano bang kailangan mo?" I asked trying to calm myself down and breaking the silence between us.

"Yesterday--"

"Ung nangyari kahapon?" I cut him off then I smiled. "Wala yun! I should be saying sorry kasi mukhang nasira ko ung moment nyo. Ikaw kasi eh, you dragged me there. Well, you shouldn't have done that kung may plano pala kayong magkita doon." I shrugged.

I'm so great! Nakuha ko na yata ang galing ni rian sa pag arte. Gosh!

"Look brat, it's not what you--"

"Ba't ka nag eexplain?" I faked a laugh. "Don't act as if I'm someone special to you kasi hindi naman. Ano na? Ibabalik mo na ba cellphone ko? Akin na." Inilahad ko sa harap nya ung kamay ko pero tinitigan nya lang ito habang bumubuntong hininga.

Ugh! Come on jerk! Why do you keep on making things very hard for me?! Damn it!

"You left it. Oh yeah, maybe you left my phone. It's okay. Mauna na ako, I still have my last subject for this day." Tinalikuran ko na sya. Huminto pa ako sandali para hintayin kung may sasabihin ba sya pero wala akong narinig. Tanging ang malalim na paghinga nya lang ang pumapailanlang sa pandinig ko.

I just shook my head and move away from him. Masyado nyang inookyupa ang isipan ko. I'm still not over of what happened yesterday. Masakit parin. Masakit parin.

Dumiretso na ako sa susunod kong klase kahit na 25 minutes pa ang natitira bago magsimula ang next subject.

Naupo ako sa upuan ko saka ko isinubsob ung mukha ko sa armchair. Gusto kong maiyak pero walang lumalabas na luha. Para bang nanuyo na ang teargland ko at hindi na nito kaya pang magproduce ng luha para sa akin. Nakakatawa. Pag gusto kong umiyak, hindi ako maiyak. Pag sobra sobra akong nagpipigil, saka naman sila nag uunahan sa pagbagsak.

Naramdaman ko ang bahagyang pagyugyog ng balikat ko kaya napamulat ako ng mga mata at mabilis na inangat ang ulo ko mula sa mesa. Ghaaaaaad! Nakatulog pala ako.

Tiningnan ko ang paligid, wala pa ang professor namin and to my surprise, wala parin ang mga kaklase ko, konti palang at ung iba, nagsisialisan pa. I glanced at my classmate who woke me up. Wala pang prof. at mukhang hindi pa time, ba't ginising na nya ako? Kainis naman.

"Uhm.. L-lady crys.." napakamot sya sa batok nya.

"Why did you wake me up? Wala pa naman pala si professor Gomez." Napangiwi ako.

"A-ano po kasi, absent daw si professor Gomez lady crys, kaya nagsisialisan na lahat. Ginising lang kita kasi ikaw nalang ang maiiwan dito pag nagkataon." Nag iwas sya ng tingin.

Napanganga naman ako sa sinabi nya. Absent ang teacher ko sa huling klase ko sa araw na to. So great! I can just stay at home. Hmp. Pero bakit ba parang namumula ang kaklase kong to?

"Are you okay? You're actually turning red." Tumayo ako at pinantayan ko sya pero umatras lang sya at mabilis na umiling.

"O-okay lang ako. Mauna na po ako lady crys." Sabi nya atsaka mabilis na tumalikod na sa akin. Napangiti naman ako sa inasta nya lalo na ng hawakan nya ang pisngi nya. He's not even aware that he's blushing. Pero bakit sya nagbablush? Haha.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon