Chapter 41

711 42 107
                                    

Crystal's POV

Okay! It's Friday! Gosh! Sa Wednesday na magaganap ung pageant. Kamusta kaya ang practice nila kahapon? Hmm..

Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para magtoothbrush then bumaba ako sa sala pero wala akong naabutan kundi mga maids na naglilinis.

"Goodmorning mam. Magbreakfast po muna kayo. Nakahanda na po ang mesa."

"Goodmorning." Nagkibit balikat ako saka pumanik muli sa itaas saka ako kumatok sa kwarto ni timmy but she's not answering kaya dahan dahan ay pumasok ako sa loob.

Bukas ang sliding door kaya naman suspetsa ko ay nasa labas sya. Ngumiti ako saka pumunta sa may verranda kung saan naabutan ko syang nakatukod ang mga siko at nakatingin sa malayo habang bumubuntong hininga.

"Goodmorning!" Bati ko sa kanya. Napalingon naman sya sa akin at marahang ngumiti. Lumapit ako at ginaya ang kanyang pwesto. "Ang laki yata ng iniisip mo ah. Bakit malungkot ka?" Tanong ko. Naninibago kasi ako sa kanya. She didn't even bother saying goodmorning as well. Pilit pa ung ngiti. "May maitutulong ba ako para pagaanin ang nararamdaman mo? Come on tell me."

She sighed deeply saka sya yumuko. "I want my memories back. I want the old me back. Hindi ko alam ate, but when I woke up. I felt like missing the old me! Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman to."

Lumapit ako sa kanya then I gently caressed her back. I pity this kid so much.

"I can see my kuya happy. But I don't think that's enough. Kasi ung ngiti nya hindi parin ganun kalawak. I want to make him happy but I don't know how."

"Stop over thinking okay? Let's go down and eat!" I smiled. Tumango naman sya then nagsabay kaming bumaba at nagtungo sa dine in area.

"Ate, nasaan sila mommy at daddy?" She asked pag upo naming dalawa.

"Dad is in the office. While mom, nakausap ko sya kagabi and she said, maaga syang aalis dahil makikipagkita sya sa mga amiga nya. You know!" I shrugged. She giggled. Ang cute talaga nya. No wonder my brother likes her. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng gusto stage na ba ang kapatid ko. Like? Like as his friend? Like as his sister? Or like as in like! The feeling towards the opposite sex? ^_^

"Uhm.. ate, wala ka bang pasok ngayon?" Tiningnan nya ung wall clock kaya napatingin na rin ako. Maaga pa, it's 7:03 am.

"Meron. Pero 9 am pa ang first class ko." I shrugged.

Pagkatapos namin kumain ay sabay kaming umakyat sa sari sarili naming mga kwarto. Nagpaalam sya sa akin na mama masyado daw muna sya at pinayagan ko naman only with one condition. Dapat kasama nya si manong kiko para may sasakyan na rin sya at hindi hassle.

It took me half an hour inside the bathroom then dumiretso ako sa walk in closet ko para pumili ng damit na isusuot ko. Eto ang hirap pag marami kang damit, mahirap mamili. After almost 20 minutes of standing and looking at my clothes, nakapili rin ako. I chose ripped skinny jeans then off shoulder on top na fitted sa katawan na kulay pula. Nagsuog nalang din ako ng 5 inches heels like I used to. Mahilig ako sa heels eh. Gladly hindi naman nagfoform ng muscles ung thigh ko.

After putting my clothes on, fix my hair and put some light make up on my face, lumapit naman ako sa lalagyan ng mga relo ko. I took the bracelet looking silver watch that daddy had given me 1 month ago. Marami na rin kasi akong collection ng relo kaya kung maaari, araw araw iba ang gamit ko para naman magamit ko lahat. Kahit mga jewelries! Marami na rin kasi si mommy at daddy masyado akong iniispoil sa alahas. 

Minabuti ko nalang na isuot ung isang set of white gold jewelries na binigay sa akin ng aking abenito noong 15th birthday ko. Matagal na pero dahil naaalagaan ko ay mukha paring bago. At isa pa, I seldom use it dahil tulad ng mga relo ko, marami na rin sila hmp.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon