Epilogue

1.5K 64 11
                                    

Crystal's POV

1 year later...

"Masarap ba?" Tanong sa akin ni kath matapos kong tikman ung cake na binake nya.

Tumango ako saka sumubo ulit. Infairness ha, talagang habang patagal ng patagal pagaling na rin sya ng pagaling sa pagbebake kaya naman nakakaproud talaga pero nakakalungkot din kasi balak nyang umalis para sa ibang bansa na mag aral.

Gusto nya kasing ipursue ang baking kasi balak nyang magpatayo ng sarili nyang bussiness pagkagraduate namin.

"Buo na talaga desisyon mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo eh. At isa pa, maayos na lahat ng papeles ko plus, nakapagpabook na ako ng flight sa isang araw, maayos na nga mga gamit ko eh, all packed up na.." Nagkibit balikat sya.

Napasimangot ako.

"Bakit kasi biglaan ang desisyon mo na magtransfer sa France? Nakakainis naman. Susunod na ba ako?"

"Wow ha! Nahiya ako sa America mo." Pambabara nya sa akin sabay irap. Mas lalo tuloy akong napasimangot.

"Hindi na ako tutuloy sa America. Nagbago isip ko, dito nalang ako hanggang sa makagraduate ako."

Natigilan naman sya saka kunot noong napatingin sa akin.

"H-Hindi ka na tutuloy?"

"Yap!" Dinampot ko ulit ung tinidor at muling sumubo ng cake. Ang sarap talaga. "Naisip ko kasi, ano bang pinagkaiba ng pag aaral ako sa states sa pag aaral ko dito sa pinas? Ganun din naman at isa pa, alam ko naman na ang kapalaran ko. Since nag iisa akong anak, ako ang magmamana ng bussiness namin. Ako ang mamamahala sa kompanya pag ipinasa na ito ni daddy sa akin. Well, in the right time. Pag kaya ko na."

Nagkibit balikat ako.

Nginitian ko sya at napataas ako ng kilay ng magsalubong ang dalawang kilay nya. She's giving me a scrutinizing look. Asus! Babaeng to.

"Anong tingin yan?"

"Naisip ko lang din. Yun lang ba talaga ang dahilan o may iba pa?"

Mas napataas ako ng kilay.

Ano bang gusto nyang iparating? Intriga sya ah.

"Baka kasi ayaw mo lang iwan si dustine kaya hindi kana tumuloy?" Itinukod nya ung kanyang siko sa mesa at ngumiti ng nakakaloko. "Well... naisip ko lang." Dagdag nya pa.

Napairap ako.

Yun lang naman pala ang gusto nyang sabihin. Hindi pa ako deretsahin. Gaga talaga.

"Actually hindi ko sya iniisip." Sagot ko.

Inilapit nya ung mukha nya sa akin at pinanliitan nya ako ng mga mata. Gusto kong matawa sa hitsura nya ngayon. Para bang may nasabi akong masama.

"Stop looking at me that way, okay?" Inilagay ko ung palad ko sa mukha nya saka ko sya itinulak ng kaunti.

"Hindi ko naniniwala sayo. Psh!" Hinawi nya ung kamay ko.

"Totoo nga." Sabi ko sabay subo ulit ng cake. "Paano ko sya mamimiss kung kasama ko rin naman sya kung sakaling tumuloy ako?"

"Ha?"

"You heard it right. Nung pinaalam ko sa kanya ung balak ko, ayaw nyang pumayag unless kasama rin daw sya. Ewan ko ba sa lalaking yun at ayaw malayo sa akin! Nakakainis! Gusto nya yata itali ko nalang sya sa baywang ko!" Umiling iling ako.

She smiled widely.

"Pag ibig nga naman oh!"

"Yeah, pag ibig nga naman. Eh ikaw? Anong balak nyo ni kurt? Forever mo nalang ba syang lalayo an? Iiwasan? Iiwan?" Napalunok ako. "At... sasaktan?" I held her hand. "Look kath, laging nasa huli ang pagsisisi. Matagal kang mawawala, alam mo ba kung anong pwedeng mangyari pag alis mo?"

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon