Chapter 37

707 48 77
                                    

Crystal's POV

Dumaan ang isang linggo na wala akong ibang ginawa kundi magtapon ng bulaklak.

Bakit?

Kasi walang paltos akong pinapadalhan ng bulaklak ng lecheng si Adrian sa school man o sa bahay. Yes, two times! Pati pag uwi ko sa bahay may bulaklak din! Walang card pero alam kong sya yun dahil sya lang naman ang nangangahas na bigyan ako ng bulaklak.

1 week na ring hindi ko nakakausap ang jerk na yun. He's trying to reach me out sometimes, ewan ko ba sa kanya kung bakit hindi nalang sya matuwa. Hindi nya nga rin binabalik ung phone ko eh. Iniiwasan ko sya, yes. Sa tuwing makakasalubong ko sya nag iiba ako ng daan. Tulad ngayon, makakasalubong ko nanaman silang tatlo nila drake so iwas iwas muna pag may time kaya tumalikod na ako at mabilis na naglakad.

"Crys! Sandali!" Natigilan ako ng makarinig ako ng yapak ng mga paa na tumatakbo palapit sa akin at maya maya pa nga ay naramdaman ko ba ang hawak nya sa akin. Oh, si matthew.

"M-matthew!  May kailangan ka? May pupuntahan pa kasi ako eh." I bit my lower lip.

"Pupuntahan? Ahh. You mean, for lunch? Sabay kana sa amin. Pansin kasi naming ilang araw ka ng mag isa naglalunch."

"Ha?" Napakamot ako sa batok ko. Nakita nila ako? Hmp. Kasi naman e, hindi ko mahagilap si kath. Tapos sila cess naman, syempre malaysia din. "H-hindi na! I'm fine. Thank you." Nagmadali ako pero hinawakan nya ako sa braso.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya na biglang sumeryoso ang mukha. Shit! Naramdaman ko na ang ibang pang presensya ng tao mula sa aking likuran. I know, that jerk and drake is already at my back.

"Y-yes! Yes I'm okay. Bakit sana hindi--"

"Oh yeah, why would you not be okay?" The jerk cut me off. I did not look at him.

"Matthew I really needed to go. Sorry.." akma akong aalis na pero muli ay nagsalita nanaman sya. Ghaaaaaad! ngayon nalang ulit kami nagkalapit ng ganito, nakakamiss pala.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong nya. Narinig ko ang pagpito ni matthew saka sya umalis sa harapan ko. Pumihit ako upang tingnan sila at nakita ko ang pagtapik ni matthew sa balikat ni drake saka sila naglakad palayo at iniwan kaming dalawa.

Yumuko nalang ako at tumalikod pero nagsalita nanaman sya. Fvck! He's not even moving! Nagsasalita lang sya pero bakit pakiramdam ko kontrolado ako ng bawat salitang lumalabas sa bibig nya?!

"You didn't answer me brat. Look at me, don't turn your back." He said again pero hindi ako gumalaw. "Until when will you be acting that way? Hanggang kailan mo ako iiwasan?" Tanong nya.

Hanggang kailan? Hindi ko alam. Siguro, hanggang sa sigurado na akong kaya ko ng harapin kayo ng hindi ako masasaktan.

"Brat.." Naramdaman ko ang palad nya sa aking balikat. I'm trying to hold back my tears. Damn it! Don't you dare flow down!

I blinked my eyes several times para pigilan ang pagtulo ng luha ko. Gladly nagtagumpay naman ako. Huminga ako ng malalim saka ako ngumiti at humarap sa kanya.

"Bakit naman kita iiwasan?" Tanong ko. Inilagay nya ang kanyang mga kamay sa bulsa saka tumitig ng deretso sa aking mga mata.

Mabuti nalang at walang mga studyante dito. Lunch time kasi at usually, lumalabas ang mga studyante, bilang lang ang mga kumakain sa cafeteria.

"Bakit nga ba?" Inilapit nya ung mukha nya sa akin kaya napaatras ako.

"P-pwede ba jerk? Stop it! Umayos ka!"

"What?" Tumawa sya ng bahagya. "I'm not doing anything. Why would I stop?" He shrugged.

And with that, naramdaman kong nabawasan ang tensyong namamagitan sa aming dalawa. Too good. Hindi ko kasi kakayanin pag lumalim pa ang tensyong iyon pero maya maya pa ay agad ding bumalik ng mabilis na sumeryoso ulit ang mukha nya at muling itanong sa akin kung bakit ko nga ba sya iiwasan. Fvck!

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon