Chapter 21

757 44 11
                                    


This chapter is dedicated to you. Sorry kung medyo makulit ako haha! Salamat! ^_^

================

Crystal's POV

"Cryyyyyys!" Halos tumindig ang balahibo ko sa napakalakas na sigaw ni kath habang nagtatatakbo sya palapit sa akin.

"oh! Easy ka lang. Bakit ba?" Tanong ko naman.

"Kailangan mo tong makita! Halika dali!" Sabi nya saka mabilis akong kinaladkad papunta sa gymnasium. Medyo maraming tao? Ano nanamang kaguluhang nagaganap? "excuse me, excuse me. Padaanin nyo kami!" Sigaw ni kath habang itinutulak ang mga babaeng nagkakagulo.

Pansin ko lang ha? Madalas nagkakaroon ng gulo dito, tapos mga chismosa ang mga studyante. Hindi nagpapahuli eh -_-

"tabi tabi! Padaanin nyo kami sabi!" Sigaw pa ni kath hanggang sa makadaan na nga kami sa kumpulan ng mga tao.

Halos lumuwa naman ang mga mata ko ng makita ko na ung dahilan ng gulo dito. Jusko! Ako nanaman ang dahilan nito!

"Ian, kalma dude!" Awat ni aldray kay ian ng tangka nanamang susugurin si jerk na kasalukuyan namang inaawat ni matthew.

"bitawan mo nga ako aldray! Gago yang lalaking yan eh! Gago! Nung una nyang sinaktan si crys pinalagpas ko pa, pero ngayon? Hindi na yata tama na gawin nya yun ulit! Gaguhan lang pre? Paano kung ung babae nya ang saktan ko? Hindi sya magagalit?!" Sigaw naman ni ian.

"Ugh!" Napasabunot ako ng buhok sandali saka ako tumakbo at pumunta sa gitna nila ng magpapangabot nanaman sila. "enough! Enough! Please lang tama na!" Sigaw ko saka ko hinarap si ian. "Please ian, enough. Tama na, alam ko concern ka sa akin pero hindi mo to kailangang gawin okay? Tama na." I almost whispered saka ko tiningnan si aldray giving him Please-take-him-away-now look.

"Pero crys--" alma naman ni ian. I sighed deeply.

"I understand you. Pero ayokong nasasali kayo sa gulo ng buhay ko. Kaya please ian, tama na."

"tsk!" Sabi lang nya saka tinabig ung kamay ni aldray na nakahawak sa kanya saka nya tinitigan si jerk. "You! I'm not yet done with you." Madiin nyang sabi saka tumalikod na at naglakad palayo. Sumunod naman sa kanya si aldray.

Napabuntong hininga nalang ako saka ako tumingin kay jerk na ngayon ay cool na cool ng nakatayo habang nakatitig sa akin.

"Crys, okay ka lang ba?" Tanong naman ni kath paglapit nya sa akin. Tumango tango ako pero nakatitig parin ako kay jerk pero iniwas ko rin agad saka si matthew na ang tinitigan ko.

"Pasensya na matthew, kilala ko si ian. Hindi sya ung tipo ng taong palaaway, sadyang ayaw nya lang talagang nasasaktan kaming mga kaibigan nya. Pasensya na talaga matthew." I smiled saka hinawakan ko na si kath at akma na kaming maglalakad palayo pero parehas kaming natigilan.

"Are you going to keep ignoring me 'till your last breath huh? I deserve every punch I receive from him. I even deserve to be beaten up more than this." Sabi nya.

Humigpit ung kapit ko kay kath. Hindi kami lumilingon sa kanya pero nakahinto parin kami at hindi gumagalaw para maglakad palayo.

Seriously? Nagsasalita sya ng ganyan habang pinalilibutan kami ng maraming tao? Ayaw nya ng ganun diba? So bakit nya ginagawa.

"Hindi naman ako lumaban. I didn't. 'Cause I know I deserve it. Lumalapit ako cause I'm offering myself more from his punches. Kahit sa ganoong paraan manlang mapatawad mo na ako."

I smirked.

Umiling iling nalang ako saka hinila ko na si kath at sabay na kaming nagmartsa palabas ng gym. Nakalabas naman kami agad since naggive way sa amin ung mga studyante.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon