Chapter 29

636 44 27
                                    

Crystal's POV

Nakabusangot sa akin ngayon si kath, magkasama kami at sabay na naglalunch pero hindi nya ako kinikibo.  Hayys. Babaeng to.

"Hey, hindi mo ba talaga ako kikibuin?" I sighed. She ignored me and just continue munching her food. Gosh! Hindi ako sanay sa inaasta nya. Kahapon pa sya ganito sa akin. "Kath naman.. May kasalanan ba ako sayo? Tell me." Pagsusumamo ko.

Binitiwan nya naman ung kutsara at tinidor then she look at me. Kinilabutan naman ako. Ang cold stare kasi ng binibigay nya sa akin.

"Kath--"

"I miss you.." bulong nya. Nalaglag naman ung panga ko. Ano daw? "See? Wala kang alam. It's been three weeks, three weeks ng hindi tayo sabay na naglalunch at nagkakausap. Lagi ka nalang nagmamadali lalo na pag uwian sa hapon,  pati pag break time, hindi ko alam kung saan ka nagpupunta. Namimiss na kita at nakakatampo kasi parang hindi mo naman ako namimiss." She pouted. "Umamin ka nga, may boyfriend kana ba? Nakikipagkita ka sa kanya no? Hindi naman ako magagalit sayo eh, nakakatampo lang talaga." She sighed.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng marinig ko ung sinabi nya. Yes, she's right. Tuwing break time kasi, lumalabas ako ng campus kasi may inaasikaso ako about timmy. 40 minutes kasi ang break time namin kaya matagal tagal. Tuwing lunch naman, ganun din, 1 hour and thirty minutes eh. At pag uwian sa hapon, nagmamadali ako kasi pinupuntahan ko naman si timmy at sinusundo. Si Sean naman ang sumusundo kay shawn and then nagmimeet kami. We're trying to help her build up a happy memories. Napag alaman ko kasi ung kondisyon nya dahil nakausap ko ung doctor nya.

She's in a condition  wherein I cannot imagine myself to be in. Napakahirap. Nalaman kong  naaksidente pala sya mag aapat na taon na ang nakakalipas and sad to say, nabura ang lahat ng aalala nya.

That doctor witnessed everything, ung hirap ni timmy noong nagising sya mula sa pagkakahimbing. Dalawang buwan pala syang nakaratay dito sa ospital at walang malay. At paggising nya, hindi nya na kilala kung sino sya. Hindi rin naman daw nila alam kung sino ang nagdala sa kanya sa ospital dahil iniwan nalang sya dito noong mga panahong nag aagaw buhay sya. Mabuti nalang at mabait ang doktor na yun dahil sya daw ang umako sa lahat ng gastusin ni timmy. Nakikita nya daw kasi dito ang kanyang anak na hindi nya nailigtas at namatay.  So sad.

Ginusto nya naman daw na kupkupin si timmy pero isang linggo lang ay umalis raw ito sa kanila dahil sa kanyang asawa, hindi nito gusto si timmy kaya napagbuhatan nya ito ng kamay. Sinubukan nyang hanapin dahil nga isa lamang itong paslit ngunit wala syang napala. Nakita nya lang daw ulit ito ng dalhin ko ito sa ospital. Kaya pala ganun nalang ang pag aalala nya ng dalhin ko si timmy sa ospital na yun.

Kaya rin siguro nagkapalagayan din sila ng loob ni Sean dahil halos parehas sila ng pinagdaanan. Naging malupit rin kasi ang tadhana kay Sean.

"Hey! Hindi mo talaga ako namiss eh." Nabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita si kath. Gosh! Nakalimutan ko na.

"S-sorry, may inaasikaso lang kasi ako."

"Is that a matter of life and death para makalimutan mo ako na bestfriend mo?"

"Y-yes? Maybe." Sagot ko.

"Ano ba yan! Nakakainis naman." Sumandal sya sa upuan habang nakakrus ang braso nito.

"Look kath, I'm sorry. I'm just trying to help somebody. Napamahal na sa akin ang dalagitang yun kaya kung maaari ay tinutulungan ko sya."

"Sino ba?"

"Si timmy." I smiled.  Nagtaka naman sya kung sino yun kaya walang anu-ano'y ikinuwento ko sa kanya ang lahat. Maging ang mga nadiskubre ko sa dalagitang yun. Nanlalaki ang mga mata naman syang tumitig sa akin at awa ang nakikita ko sa mga mata nya.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon