Chapter 10

847 45 11
                                    

Nakatulala ako dito sa may verranda sa kwarto ko habang nakatitig dun sa bracelet na binigay ni jerk. Honestly, until now parang damang dama ko parin ung mainit nyang yakap. Sabi nya naguguluhan sya kung bakit naiinis sya sa sarili nya dahil umiiyak ako dahil sa kanya. Well ako din, naguguluhan ako kung bakit madalas syang pumapasok sa isip ko at naiinis ako sa pagpapakatanga nya kay rian.

Sa saturday na ung party kaya pupunta ako ngayon sa personal designer ko para tumingin ng magandang damit. Rush? Yeah, di ko naman akalain na pupunta ako e.

Nakasakay na ako sa kotse ng biglang magbeep nanaman ung phone ko.

=========================

From: Jerk

Pick a white decent gown okay? Don't expect me to give you a gown. I'm not your designer -_-

=========================

nagulat ako sa totoo lang kasi di ba nga suplado sya? milagro na nga lang na nagkainteres sya sa phone number ko at nagtext sya ng thanks pero arrrgh! Panira ng araw! Kainis!

=========================

To: Jerk

Asa! Baka basahan lang ibigay mo sa akin tch! Papunta ako ngayon sa designer ko.

=========================

Badtrip na badtrip kong pinindot ung send button. Actually, first time ko itong magreply sa text nya. Well, third time palang naman itong nagtext sya tch!

=========================

From: Jerk

Really? Okay good. White gown okay?

=========================

Tingnan mo tong jerk na to psh! Lakas makautos! Sarap katusan ugh!

=========================

To: Jerk

Yeah yeah whatever -_-

=========================

Pagdating namin sa mall. Pinaalis ko na muna ung driver ko, routine na yun e. Itetext ko nalang sya pag magpapasundo ako.

"Goodmorning Mam Crystal!" They greeted me pagpasok ko sa botique.

"where is dean?" I asked them. Sino si Dean? sya ung personal designer ko, pwede ko naman syang papuntahin nalang sa bahay pero gusto ko rin naman mamasyal kaya ako na ang nagpunta dito.

"Nasa opisina nya po mam, may kausap po e"

"Who?"

"bago nya pong client. Maupo muna kayo" she said. Umupo nalang ako gaya ng sabi nya. I can enter her office anytime I want to, pero di naman ako ganun kabastos para istorbohin sya nu!

Naghintay pa ako dun ng ilang mga minuto, nagbabasa na nga ako ng magazine ng biglang bumukas ung pintuan kaya napatayo na ako. Nagulat naman ako ng masalubong ko si rian na palabas ng office ni dean. Sya ang bago nyang client???

"Crystal?" She smiled. "Oh hi! Nandito ka rin?" Nakangisi syang lumapit sa akin.

"uh yeah, obviously" i smiled.

"haha. Palabiro ka pala" pasimple nya akong hinampas sa braso ko. Feeling close huh? Tch! Lumapit naman sa akin si dean saka ni ipinalibot ung braso sa bewang ko.

"Crys! Magkakilala kayo ng bago kong client?"

"uhuh? Nagkakilala kami sa school." Paliwanag ko.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon