Chapter 22

709 41 2
                                    


Dedicated to you Ms. cherry! thanks for the support! ^_^

=================

Crystal's POV

Masigla kong ikinukwento kay kath kung paanong ipinagtanggol ako ni sean mula kila rian. She said she's happy for me at mas lalo daw tuloy syang naeexcite na makilala ang mga kapatid ko kasi nga hindi pa nya nakikilala ang mga ito. I'm sure naman na magkakasundo sila lalo na si shawn. I bet she likes beautiful girls and kath is a beautiful one. So, wala ng problema. Kaso si sean medyo snob lang, pansin ko eh tsaka masungit sya, sana lang talaga maging mabait sya kath dahil nakuuuu! Kukutusan ko ang isang yun.

"Masyado kanang masaya girl, tama na ang ngiti!" Sabi naman ni kath sa akin.

"masisisi mo ba ako? I never felt this kind of happiness before kath. As in! Sobrang happy talaga ako"

"I'm happy for you too bestfriend." She smiled saka nya ako niyakap.

"Salamat kath ha? I'm really blessed to have you. Sobrang blessed!"

"Naku, naku ah? Wag mo akong ginaganyan. Kailan ko ba kasi mamimeet si shawn? Lalo na si sean? Sa totoo lang naeexcite ako eh, the way kasi na idineliver mo ung story na naganap sa mall, feeling ko sobrang gwapo ng kapatid mo. Bet na bet! Pag naging kami suportahan mo ako ha!"

"Bruha!" I pulled her hair. "Anong maging kayo? Makakahanap ka lang ng jerk the second pag nakaharap mo si sean. Though, hindi sya tanga like the usual jerk na kilala natin. At! Protective na kapatid sya"

"ganun? Sabagay, hindi natin makikita kung protective brother nga rin ba si Mr. Cool guy slash Jerk mo, kasi only child naman sya. Nag iisang anak? Diba?"

"Yeah." I agreed.

"hmm.. Alam mo, ang mysterious talaga ng buhay ng lalaking yun. I wonder kung bakit paiba iba sya ng ugali. Minsan mabait, minsan snob, madalas masungit! Ah basta! Marami. Hindi ko alam kung paano nya nagagawang magtransform agad agad! Grabe. Nakakastress!"

"tse! Kung ano ano kasing iniisip mo, tara na nga!" Hinawakan ko na sya sa braso saka sabay kaming nagmartsa sa corridor.

Natapos naman ang lahat ng klase ko sa buong araw na walang gulong nangyayari, peaceful sya kumbaga. Monday, I've been in my class with teacher bea pero he's not present. Pansin ko lang, mula nung may nangyari sa gym, hindi na sya pumapasok sa klase ni teacher bea. Does that mean iniiwasan nya ako? 'cause we're seatmates? Kung problema nya yun, pwede naman syang lumipat since napakadali sa kanyang pakiusapan si teacher bea.

"crys! Ano, kamusta?" Salubong sa akin nung apat. Ow! Magkakasama sila huh? Sabagay palagi naman, kami lang pala ni kath ang madalas na dikit.

"okay lang naman. Si kath? Hindi nyo kasama?" Tanong ko.

"we've been looking for her, pero mukhang wala sya sa buong campus. Maagang umuwi? Baka!" Sagot naman ni saki.

"ganun? Eh ano namang masamang hangin ang nagdala sa inyo sa harapan ko aber?" Tinaasan ko sila ng kilay.

"Masama girl? Masama?" Pambabara ni liz. Bruha talaga ang isang to, nakakaloka!

Nagtawanan nalang ulit kaming lima saka sabay sabay na naglakad. Nakakamiss din pala talaga ang apat na to, naging busy kasi sila masyado sa kanya kanya nilang buhay from the past few days kaya kami nalang talaga ni kath ang nagkakasama. Tsaka kahit naman kasi gaano ako kabusy, hindi makukumpleto ang araw ko na hindi ko maririnig ang boses ng babaeng yun. Well, ganun din naman kasi sya sa akin.

Habang naglalakad kami ay tinawagan ko si rick not to fetch me anymore kasi hindi pa ako uuwi. He even said he's already on his way at malapit na sya but I forced him to go back. Wala rin naman syang dadatnan na crys if ever.

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon