Chapter 23

751 41 13
                                    


Dedicated to you Ms. Allison! salamat sa pagbabasa ^_^

============

Nakasubsob ako sa study table ko habang hawak hawak ko ang isang lapis at papel. Thursday na bukas at sa byernes ay kailangan ng ipasa ni kath ung project nya kay Mr. Mendez kaya If possible, sinusubukan kong makagawa ngayong gabi para bukas ay ung album nalang ang pagkaabalahan ni kath pero wala talagang pumapasok sa kokote ko.

I'm occupied by a lot of things at hindi ko alam ngayon kung papaano mag isip ng tama. Ayoko namang madisappoint ang bestfriend ko at walang maipasa. I know how important her grade is.

"ugh! nakakainis!" Ibinato ko ung hawak kong lapis. Tumilapon naman ito sa ilalim nung kama ko kaya bwisit na bwisit akong tumayo at naglakad palapit para kuhanin ito.

Dahan dahan akong yumuko sa ilalim ng kama ko pero hindi ung lapis kundi maliit na box ang pumukaw sa atensyon ko. Napalunok ako saka ko ito hinila mula sa ilalim ng kama.

It was my memory box. Memory box containing everything about adrian. Hindi ko naman alam na hindi pala ito ipinatapon ni mommy.

I sighed deeply as I started opening it. Hindi ko naman mapigilang mapangiti habang tinitingnan ang mga bagay na nasa loob nito. Bukod sa mga litrato at maliliit na kagamitang natatanggap ko noon kay adrian ay dito ko rin nilalagay ung mga love letters na ginagawa nya para sa akin. Kumuha naman ako ng isang papel saka ko ito binuklat at binasa.

Ito ung kauna unahang letter na natanggap ko kay adrian simula nung naging kami.

Hi My baby!

      I know writing love letters is a corny thing, But look, I did it. Just for you my love. We're still at a young age, but it doesn't matter 'cause I'm so sure that you are the one. Alam ko the moment I saw you, ikaw na ung mamahalin ko. I just can't believe that finally, I can call you mine. You're mine and I promise not to leave you. Hinding hindi kita iiwan, hindi ko sasayangin ung tiwalang ipinagkaloob mo sa akin. I'll always be your hero. Kahit sa simpleng pamamaraan lang, maipapangako kong hindi kita sasaktan. Iingatan ko ung puso mo kasi magmula sa araw na to, pagmamay ari ko na yun, at hindi ako papayag na mawala ka pa sa akin. Thank you Crys, for trusting me, I will never break my promise. I love you very much. Mahal na mahal kita. I know this is getting corny from the moment I gave this to you and now that you're reading it, lagi mo paring tatandaan na mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin kung mawawala ka pa sa akin.

Your baby,

Adrian ;)

Hindi ko naman maiwasang mapaluha habang binabasa ko ung sulat nya, para akong binuhusan ng napakainit na tubig at nalapnos na ang buong katawan ko.

His promises are really meant to be broken. Sinabi nyang hindi nya ako iiwan o sasaktan pero ginawa nya. He said that he'll take care of my heart but he didn't. Pinabayaan nyang madurog ito at mawasak ng paulit ulit.

Kinuha ko naman ung litrato nung first monthsarry namin kung saan nakatayo ako sa harapan nya habang hawak hawak nya ang gitara at kinakantahan ako. Muli, ay parang naririnig ko ang boses nyang inaawitan ako.

I smiled.

Past should stay on past. Hindi nya kailangang bumalik sa kasalukuyan dahil malaki ang magiging epekto nito sa buhay ko. I should just thank him. Kasi hindi naman ako magiging malakas kundi dahil sa kanya, kundi dahil sa ginawa nya sa akin.

"Crys?" Nagulat naman ako at mabilis na pinunasan ung luha sa pisngi ko ng marinig ko ang boses ni mommy na tinatawag ako. Inayos ko nalang ung sarili ko lalo na ng marinig kong bumukas ung pintuan ng kwarto ko. "honey? I brought your milk" she said saka nya ipinatong sa mesa tabi ng kama ko ung isang baso ng gatas na dala dala nya

Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon