Prologue

1.9K 59 15
                                    

Pagpasok namin sa NU, maraming mata na agad ang pinasundan kami ng tingin. This is so embarassing! Kala naming anim makakaligtas na kami sa fame and popularity! Hindi parin pala psh! Sa dating school kasi namin may special treatment din kaming natatanggap at kilala din kami ng lahat ng studyante dahil bukod sa grupo kami ng magaganda at matatalino, kilala din ang mga pamilyang pinagmulan namin.

"akala ko pag sikat ang school, mayayaman ang mga studyante, ibig sabihin may class! Wala rin pala" iiling iling na sabi ni kath.

"I agree" sang ayon ko.

Nagharap harap kami sa isang pabilog na mesa. Nagtititigan kami at napapailing nalang at tawa. Ganun naman pag magkakaibigan diba? Tinginan palang may kahulugan na.

"I'm really thankful na gwapo at talented si Aldray, dahil kung hindi. Baka iba pa ang napiling makapareha ko! Naku talaga, magwawala ako" said saki.

"ako rin, i'm lucky that Ian got it" sang ayon ni cecil.

"wala rin namang problema sa amin ni lyn to e, right aileen? Atleast we have our bestfriends" sabi ni liz (Short for eliza) na sinang ayunan ni lyn (short for aileen)

"sa inyo walang problema, paano naman kami ni crys?" Nakabusangot na sabi ni kath. I agree for the second time. Walang kwenta ang mga nangyayari sa amin ngayon.

"yun lang" sabay sabay na sabi nung apat. "bakit kasi si jahlen pa ang napiling makapareha mo e" nakabusangot na sabi ni liz kay kath.

"sa totoo lang, etong si crys lucky din naman ah" pambabasag ni saki

"huh? Ano bang sinasabi mo dyan saki? Ako? Lucky? The heck" i rolled my eyes.

"diba sabi nila pair mo daw ung anak ng may ari ng school na to? Malay mo naman diba? Haha! I'm sure gwapo din yun since sya ang napili at!" she paused "look around! Ang engrande ng school nila diba?"

"anong pake ko sa school nyang may wirdong patakaran? And how sure you are na gwapo nga sya? Malay mo ba kung ginamit nya lang ung impluwensya nila para sya ang mapili diba?" I rolled my eyes again.

"may point ka, pero sino namang lalaki ang gugustuhing magkaroon ng instant loveteam sa school aber? Bakit sya magpprisintang sumali?"

"hays! Ewan ko." Napasabunot nalang ako ng buhok.

Pagtunog ng bell, bilis bilis kaming nagsitayuan. Hindi nga pala kami magkakaklase sa iba't ibang subjects.

"dito na kami dadaan, kayo?" Tanong ni lyn.

nilingon ko si kath "sabay ka sa akin kath? May dadadaanan pa kasi ako" sabi ko.

"yep!" She smiled. "mauna na kayo girls, magkita kita nalang tayo mamayang break time, aryt?" Nagsitanguan naman ung apat saka nagsimulang maglakad. "ano bang dadaanan mo?" Tanong sa akin ni kath habang naglalakad kami. "and? Bakit ganyan ka maglakad?"

"masakit ung paa ko. Actually kagabi pa, kaya nga hindi ako nakaheels ngayon. Pero talagang masakit sya kaya tingin ko, it would be better kung slippers nalang ang isusuot ko" i chuckled. "may dala naman ako para sure haha. Iiwan ko lang tong flat shoes ko sa locker."

"talaga? Sure kang slippers ang isusuot mo? Loka! Alam mo kung ano ang posisyon mo sa school na to, pagtitinginan ka ng mga studyante!"

"ano naman? Ganito naman na tayo dati pa sa school natin diba? They're not judging us still, they commend us for being real. Actually wala namang nakakahiya dun." Naglakad na ulit kami

pagkalagay ko ng flat shoes ko sa locker ko. Tiningnan ko muna ung paa ko saka ako natawa, gosh! Mabuti nalang talaga maganda at maputi ung paa ko haha.

"ano? Tara na?" Tanong ni kath ng mapatingin sya sa paa ko. "nice! Atleast it's cute, di ka naman mukhang basahan" she chuckled. Napairap nalang ako. Walanghiya talaga tong babaeng to!

Maglalakad na sana kami ng may biglang bumangga sa akin, nabitawan ko tuloy ung mga libro ko, the fuck!

nilingon ko ung bumangga sa akin at tuloy tuloy lang sya sa paglalakad. Damn!

"Hey Mr. Cool guy! Wala ka bang manners?!" Sigaw ko. Hinawakan ako ni kath sa braso trying to calm me down pero di ko sya pinakinggan.

Huminto naman sa paglalakad ang loko pero di nya ako nililingon. Wala talagang manners! Ugh!

"Ano?! Di ka talaga haharap?! Bastos ka rin talaga no?!"

"crys, pinagtitinginan na tayo."

"wala akong pakielam, bastos e! Nakakakaasar!"

Dahan dahan namang humarap ang loko, nakashades pa huh? Mataas ang araw? Psh!

"talking to me?" He said while taking off his sunglasses. Ugh! Napatingin sya sa paa ko. The fuck? "you're at school, not at home. Why would a security guard let you enter my school with that kind of--uh? Posture?" Pailing iling nyang sabi. Pero ano daw? MY SCHOOL??? tama ba ang dinig ko?

Don't tell me! Sya ang-- "noooo!" Sigaw ko saka mabilis akong naglakad at iniwan ung mga libro kong nakakalat sa sahig kahit pa masakit din ung paa ko ay tiniis ko nalang.

Jerk! Tama talaga ako, i hate him! I really hate him a lot! Ugh!






Campus Idols [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon