Crystal's POV
It's been a week since that freaking moment happened and swear, halos lamunin na ako ng kahihiyan the next days I met him. Paano ba naman kasi, sa tuwing titingnan ako ng jerk na yun or mahkakasalubong kami ng tingin, namumula ung tenga nya tapos bigla syang mag iiwas ng tingin! Damn him! Hindi ko naman alam kung anong iniisip nya -_-
Isinawalang bahala ko nalang ang mga bagay na kasalukuyang gumugulo sa aking isipan saka ako dumiretso sa cafeteria para maglunch. Uh? Kath's absent kaya mag isa ko lang. Nagkasakit ang bruha, dinalaw ko nga sa bahay nila kagabi.
Pumunta ako sa counter at sasabihin ko palang sana ang gusto kong kainin ng iharang ng babaeng ito sa harapan ko ang isang paper bag habang nakangiti. Magtatanong pa sana ako ng sabihin nyang may nagpapabigay daw sa akin, she said it's my lunch. Duh? Sino sanang magbibigay ng lunch ko?
I just rolled my eyes then kinuha ko yun pero wala akong balak kainin kaya bumili parin ako pero isang mineral water lang, sandwich at isa ring apple. Yun nalang ang kakainin ko.
Naupo ako sa favorite table namin ni kath. Sa gilid ng cafeteria na may table for two, hassle kasi pag sa gitna, nakakabwisit kumbaga.
Ibinaba ko sa table ung paper bag sa side ng table maging ung mga binili ko then I grabbed my sandwich and start munching it slowly. Hindi naman ako ganun kagutom para magmadali at isa pa, mahaba ang lunch time namin.
While eating, hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nacurious sa kung sino man ang nagbigay ng paper bag na ito kaya binuksan ko ito and yeah, pagkain nga ang laman. Nakakita naman ako ng tatlong pula ng rosas sa loob at sa tali nito ay may nakasabit na medyo maliit na papel. Maybe a card?
Inilabas ko ang rosas sa paper bag saka ko binasa ang nakasulat sa card. Sunod sunod naman ang mura na lumabas sa aking bibig ng mabasa ko ito.
What the fvck is his problem? I thought he's gone away already. I thought accepting his apology and friendship offer would be enough, then what the fvck is this for?!
"I hope this lunch would create a little smile from you baby. Eatwell cause from now on, I'll do this everyday. I made this with love cause I badly missed you so much baby, I love you."
Hindi man sya nagpakilala pero alam kong sa kanya ito galing. Alam na alam ko ang handwriting nya at isa pa, sya lang ang tumatawag sa akin ng baby bukod sa mga magulang ko. Alangan naman sila mommy ang magpadala nito diba? Tss!
Mabilis kong ininom ung mineral water ko saka ko kinuha ung apple. Salubong ang kilay na nagmartsa ako palabas ng cafeteria saka ako nagtungo sa basurahan at walang alinlangang itinapon doon ang basurang natanggap ko.
"What was that?" Napalingon ako ng makarinig ako ng boses mula sa likuran ko.
"Basura." Sagot ko bago kinagatan ung apple na hawak ko at nilagpasan sya pero hinawakan nya ako sa braso kaya napatigil ako saka kunot noo nya akong tinitigan.
"Basura? I guess yes. But I don't think sandwich and an apple's enough for lunch." Sabi nya saka ako kinaladkad pabalik sa loob ng cafeteria.
Aangal pa sana ako pero pinagbantaan nya akong wag aalis sa kinauupuan ko dahil hindi ko raw magugustuhan kung anong magagawa nya once na magalit ko sya.
As if I care? Psh. I just rolled my eyes then patuloy lang ako sa pagkain ko ng apple habang sya naman, nagtungo sa counter para bumili daw ng mas matinong pagkain. Ano bang tingin nya sa pagkain ko? Abnormal? Sya nga ang abnormal eh.
Nakatitig lang ako sa likuran nya ng mapansin ko ang pakikipag usap nya dun sa babaeng nag abot sa akin nung paper bag.
What the hell is going on? Don't tell me pinagmamasdan nya na ako pagpasok ko sa cafeteria hanggang sa matanggap ko ung paper bag na yun? Baliw ba sya?
BINABASA MO ANG
Campus Idols [COMPLETED]
Teen FictionShe's imprisoned in her past. He's imprisoned to his love for her but she always took him for granted. What if the two of them meet in an instant? Would love can take them out of being imprisoned? Would love can heal the pain they are feeling insid...